6

141 12 61
                                    

Malalim ang buntong-hininga ko nang makahiga na rin ako. Malinis na rin ang katawan ko at handa ng magpahinga pero ang isip ko ay hindi pa rin. Kumuha ako ng unan na mayayakap at nakatingin lang sa kisame, pinagmamasdan ang malaking chandelier habang malalim ang iniisip.


Bigla akong nagdalawang-isip sa trabaho na pinasok ko ngayon. Kung kilala na ako ng karamihan at mas lalo na ng mga humahanga kay Joaquin, panigurado ay hindi matatahimik ang buhay ko. I can't imagine being followed by everyone again. Being hate by almost every people in the world just because of someone.


Akala ko kaya ng kamalditahan ko ang lahat ng 'yon pero may limitasyon din pala ang pagiging gano'n ko. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi ako mabilis magpatalo pero dahil sa boses ng mga ibang tao ay tumiklop ako. Ngayon na naibangon ko na ang sarili ko mula sa ganoong mga pangyayari ay ayoko na maulit.








Media treated me so badly even though they really didn't know who I am. And the one I was expecting to protect me from those accusations, rumors, and hate didn't even defend me. In fact, he'd been sleeping with different women during my lowest. Ang tanging prumutekta sa'kin ay ang mga kuya ko... Maliban sa mga kaibigan ay sila na lang din ang mayroon ako.








I can't blame them for hating Jayson and I can't blame them for trusting Joaquin to look out for me. It's just... He's still a part of that spotlight I hate, being a damn famous celebrity who only cares about himself. So, I doubt Joaquin we'll be a different one. Mga karerista, sa una lang sila magaling.







"Ma'am Keira!" Nakita kong kumaway sa'kin si Agatha habang naglalakad ako sa grounds papuntang training ng taekwondo. Hindi pa siya nakuntento sa kaway lang at nilapitan pa niya ako kaya ako tumigil saglit. "Dito ka rin pala nag-aaral, Ma'am! Anong course mo?"







"Business Management, ikaw?"



"Business Administration po. Ang galing! Siguro, meant to be friends tayo, Ma'am. Halos magkalapit lang tayo ng course tapos magkasama pa tayo sa work!" She smiled widely and sweetly at me. I don't think I can agree with her. Masyado siyang mabait para sa'kin. May mga nakakaaway ako at ayaw ko siyang madamay kung sakali. Pero kahit na ganoon, napangiti ako sa naisip niyang iyon.



She ended up walking with me to the gym. Mahinhin siya kumilos pero ubod naman ng daldal. Her hair is in long black ponytail, color hazel eyes, kayumanggi ang kulay ng balat at matangkad sa akin ng kaunti. She has this angelic baby face that I'm sure na kahit sino ay mapapalingon kapag dadaan siya. At gano'n na nga ang nangyayari ngayon. I wonder if she's comfortable with this? Kasi ako, hindi, if I were in her shoe, though.



"Ilang taon ka na pala?" tanong ko dahil nahihiya ako sa katahimikan ko ngayon. Kanina pa siya nagsasalita. It's not that I'm uncomfortable around her kaya ako tahimik, sadyang wala lang akong mai-share sa kanya na kahit ano tungkol sa buhay ko. Besides, I don't think it's necessary to tell my experiences. Lahat iyon ay hindi maganda.









"17 pa lang po ako, Ma'am. Mas matanda ka po sa'kin."



At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ