4

175 12 78
                                    

Sumakto ang pagdighay ko sa paglabas namin sa Diner's. Nilibre niya ako buong maghapon. Pakiramdam ko ay abot hanggang kinabukasan ang kabusugan ko ngayon. Siya na rin ang naghatid sa'kin pauwi. Padabog akong humakbang sa hagdan papuntang gate namin at napatigil lamang nang magsalita siya.





"See you never?"




Natuwa ako nang marinig iyon saka siya hinarap. Kumaway na rin ako. "Yes, see you never pero salamat sa libre." Tumalikod na ako sa kanya.





"Never again," aniya para malingon ko ulit, kunot na rin ang noo. I saw him laughed a little, halatang inaasar ako. "Takaw mo. Good night."





"Sweet nightmares." I raised my middle finger at him and rolled my eyes before continuing inside. Halos manglambot na naman ako nang makitang walang kahit ano sa lamesa. I know how to cook. Marunong din akong mamalengke pero 'di sapat ang naiwang pera sa'kin para ro'n.





Ni kahit isang stock ng kahit anong pagkain ay wala rin. Naubos nga pala iyon no'ng huling pagkikita naming magkakaibigan at sa sobrang focus sa sarili ay nalimutan kong mamili ulit. Kasalanan ko ulit, hay...




"Pinaggagagawa mo ba kasi, Keira..." Napasapo na lang ako sa noo at naupo sa harap ng mesa, nagpapasalamat dahil kahit paano ay busog ako ngayon. Sigurado rin akong 'di ako dadalhan ni Kuya Kean ng kahit anong pasalubong pag-uwi nila mamaya.






"Sumbong kita kay Mommy, eh," sambit ko sa hangin habang tinitignan ang maliit na picture frame sa harap ko. It was a picture of our parents. Bagong kasal sila ro'n. Inabot ko iyon at pinagmasdang mabuti. Malapad ang ngiti ni Mommy ro'n habang si Daddy ay masaya ring nakatingin sa kanyang asawa.




The way how my Dad looked at my Mom... Para siyang nanalo ng isang premyo na 'di mapapantayan ng kahit sino o ng kahit ano. May pumatak na kaunting luha sa pisngi ko nang maalala ko na naman ang nangyari sa'kin. Ang ganitong bagay... Sigurado na ako na kahit kailan ay hindi ko mararanasan...



"Training tomorrow morning. Don't forget," sabi ng taekwondo instructor namin bago kami tuluyang i-dismissed. Pagkatapos ko sa training ay agad na dumiretso ako sa eskwelahan nila Gian. Saktong wala na rin silang class. "Aw, walang pera ang future CEO namin. Kawawa naman 'yan." Tawa niya.






"Kaya nga samahan mo na 'ko mag-apply nang magka-pera na tayo ulit, eh!" Binatukan ko siya. Niligpit lang niya ang mga gamit niya saka kami nagsimulang maglakad papuntang sakayan. Tanghaling tapat na nang magsimula kaming bumyahe. Maingay si Gianna at halos hindi nauubusan ng energy samantalang ako'y parang malulusaw na sa sobrang init.






Sa sobrang ligalig niya rin ay natatamaan na lang ako ng mahabang bag niyang itim. Hindi ko alam kung ano ang tawag do'n basta gamit pang architecture 'yon. "Malapit na ba tayo?" tanong ko na sa kanya. Siya kasi ang nakakaalam.



At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Where stories live. Discover now