3

179 13 54
                                    

Nagtungo kami agad ni Joaquin kung nasaan si Lexi ngayon. Halos huli na rin pala ako sa balita dahil magdamag naka-off ang phone ko. Tahimik lang ako sa byahe habang si Joaquin ay seryosong nagmamaneho. "Malapit na tayo," he assured me.





Nasa Quezon City na kami. Tumingin ako sa labas at halos malula ako sa mga naglalakihang buildings. Ganito pala ang view ni Lexi araw-araw. Lakas maka-dukha, shet. Mayamaya'y nag-park kami sa tapat ng isang malaking condo. Napanganga na lang ako nang malamang nandito si Lexi. Nagtungo kami sa 5th floor dahil doon ang sinabi niyang unit ng sumagip sa kanya.





Ang daming pinto at hindi ko alam kung saan kakatukin ang bruha kaya tinext kong labasin niya na lang kami. Hindi kami inabot ng limang minuto sa paghihintay at nakita na rin namin siya. Agad akong tumakbo papunta sa kanya at yumakap.





"Prank ba 'to?! Kung oo, pwes, hindi ako natutuwa!" Napataas na lang ako ng boses. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may sugat siya sa tagiliran. "Anong nangyari sa'yo?!" Yugyog ko pa.





"Keira, I'm fine, what the hell!" Hawi niya sa mga kamay ko. "Maayos na 'ko. Ligtas na 'ko at gagaling 'tong sugat ko." Malapad siyang ngumiti sa'kin na parang wala lang iyon sa kanya. Niyakap ko na lang siya ulit, pinipigilan ang luha. I feel guilty. I wasn't there with her last night. Paano kung may nangyari pang masama sa kanya at hindi siya nailigtas?




Kaibigan ko si Lexi simula elementary kami at halos karugtong na siya ng atay at bituka ko. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko habangbuhay kapag nangyari 'yon.





Halos 11 p.m. na kami nakauwi ni Joaquin. Nang maihatid ako sa bahay ay may tatlong sasakyang nakaparada na sa garahe namin. Nandito pa lang ako sa labas ay naririnig ko na agad ang boses nilang tatlong sinisermonan ako.


"See you never ulit." Lingon ko kay Joaquin na nakasandal lang sa kotse niya. Tumango lang siya sa sinabi ko saka siya nagtungo sa driver's seat.





Napatigil ako sa paghakbang papuntang gate nang mag-vibrate ang phone ko. Isang text message na naman mula sa unknown number kaya napakunot ang noo ko. Nagtaka rin ako dahil may laman agad ang usapan namin. The time and date was just from last night. Halos maningkit na ang mga mata ko habang nakatitig sa latest message ng unknown number. Hanggang sa mapagtanto ko na rin kung sino 'yon.





From: 09*********
This is Kenzo. Where you,
Keira? Thesis?

Wag mo na uulitin




My jaw dropped and looked at him behind. Nakabukas pa ang bintana ng sasakyan niya kaya nakita ko siyang nakangisi habang nakatingin sa phone. Mayamaya'y nilingon niya na rin ako habang nagpipigil ng tawa. Pwes, 'yan mapipigil pero ang inis na nararamdaman ko ay hindi. Ibinaling ko ang atensyon ko ulit sa phone at nag-type ng reply sa kanya. You fucker.




To: 09*********
Go to hell




Tinignan ko siya ulit para pakyuhan saka ako tuluyang pumasok ng gate. Isinandal ko ang sarili ko ro'n habang malalim na humuhugot ng hininga. Napasabunot ako sa aking sarili habang impit na napasigaw. "Isa kang kahihiyan, Kei..." Padabog na lang akong pumasok sa bahay. Dire-diretso ako paakyat ng kwarto hanggang sa bumangga ako sa isang dibdib ng kuya ko.





At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Where stories live. Discover now