36

24 1 0
                                    

Keira Monteza


Falling fast is easy but standing back again is harder yet surely. That kept me motivated for years after stumbling down a lot of times in different ways. Well, I don't have a choice, though. I can always change my technique in the game but I need to play by the rules.






Ganoon naman ang buhay. Pwede mong diskartehan pero kahit kaylan ay hindi pwedeng dayain. Dalawa lang naman ang kahahantungan no'n - mananalo ka sa laban o uuwi kang luhaan. Pero kahit alin man d'yan ang mangyari ay kaylangan mo ring tanggapin. Gaano man kasaya... O kasakit.





"Huy, Dash Racing Circuit mamaya, ah? 8 p.m." Tapik ni Ate Venus sa aking mesa upang kunin ang aking atensyon. Hindi ko pinansin ang sinabi niya kaya naman kumaway siya malapit sa aking mukha. "Hindi nga ako sasama," sagot ko. Isang linggo niya na akong niyayang pumunta sa karerang 'yon. Halos lahat ng ka-trabaho namin ay sasama dahil libre ng boss namin ang ticket.






"Bakit ba ayaw mo? Minsan lang tayo makakanood no'n, oh!" Upo na ni Ate Venus sa tabi ko sabay yugyog sa'kin. Hindi ko talaga kayang sabihin at nababaliw na 'ko kakaisip kung ano pa bang excuse ang pwede kong gawin.
"Huy, Keira, please? Sumama ka na - Ma'am Thea! Ayaw po niya sumama mamaya, oh!" Turo niya sa'kin nang makabalik na ang boss namin galing lunch.






"Why not? Early out ang lahat mamaya, dapat sulitin. Besides, doon din natin kikitain ang bago nating modelo para sa kompanya." Matamis na ngumiti sa amin si Ma'am Thea. Masasabi ko rin na sa lahat ng naging boss ko ay siya ang pinakamabait at sa kompanya nila ako pinakanagtagal. The environment, the salary, everything - is so great here.






"Oh, 'di ba?! Kaya dali na! Malay mo, makahanap ka na ng mapapangasawa mo ro'n!" Tawa sabay hampas sa'kin ni Ate. "Overworked ka lagi, deserve mo ng gwapo!"






Napangiwi na lang ako sa kanya habang si Ma'am ay tumatawa lang din. "Mas gugustuhin kong magtrabaho at magkapera kaysa magkaroon ng sakit sa ulo." Umirap ako at ibinalik na lamang ang aking atensyon sa mga emails na kaylangan kong i-check.






"Huwag magsalita ng patapos," asar din ni Ma'am Thea. Kapag magkakasama kami ay para kaming magkakakapatid na pinagtutulungan ako araw-araw kapag wala ang ibang empleyado namin.






Mayamaya'y nagpaalam na silang mauuna na pabalik sa meeting ulit, leaving me at my office - finally at peace. I opened the blinds of the room and started appreciating the view outside the big windows. Sun is already setting, too. Its colors are my most awaited part of the day.







Sumandal ako at nagpaikot-ikot gamit ang aking upuan. I'm finally here, Mitch... Thank you for the sunsets the sky always brings - it's a reminder of me, well, all of us do, that there's always a good yesterday that helped me get this far and there's a lot more coming.





Pumikit ako at dinama saglit ang payapang katahimikan. Hanggang sa tuluyan na akong nagligpit. Nag-retouch at inayos ko na ang coat ko saka ko sinimulang magtungo sa meeting room namin. Walking down the hallways still feels like the first time I stepped inside this building.





At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Where stories live. Discover now