Prologue

546 15 107
                                    

Keira Monteza

Life is like a sport. It's fun but sometimes it would just give you fouls in a very unexpected way. And 'til then, everything just changed or it's just only my perspectives among things...



It's almost midnight and everything already went quiet. All of my college friends were down - wasted. Sa sobrang laki rin ng resort na 'to ay hindi ko na mahagilap ang iba sa'min. Kahit ang boyfriend ko ay hindi ko rin mahanap ngayon. We had a little fight lately. Pagkatapos no'n ay halos hindi ko na siya makita.




I tried contacting Ashley Araño, one of my closest, pero kahit siya ay hindi rin sumasagot. I was left alone at the pool area with some of our drunk friends. Nagpatulong na lang din ako sa mga staff ng resort na dalhin sila sa kanilang mga kwarto saka ako nagpatuloy sa paghahanap sa boyfriend ko.




I'm sure Ashley's already in her room or someone's I may say. Hindi na rin naman bago sa'kin 'yon. Bumalik ako sa pool area at naghintay, nagbabakasakaling magkita kami ni Jayson dito. I wanted to say sorry from what happened lately. I was saving it hanggang sa hindi na ako nakatiis at tinext na lang siya.





I smiled bitterly at my phone, hoping and waiting for his reply. Pero nang makaramdam na ako ng antok ay napagdesisyunan ko na lang din bumalik sa kwarto ko. Jayson know where to find me pero ako itong walang alam kung saan ba siya hahanapin.





The elevator finally reached the 4th floor. Lalakad na sana ako patungong kwarto ko nang may marinig akong kakaiba sa tapat ng isang kwarto kung saan ako nakatigil ngayon. Napakunot ang noo ko dahil baka guni-guni ko lang iyon. Lumakad na lang ako muli pero napatigil ulit nang hindi lang isang pamilyar na pangalan ang narinig ko kundi pamilyar na boses na rin.





I went back in front of that room. There's this feeling of satisfaction when I saw that the door was slightly open. I know I shouldn't be doing this dahil baka kwarto 'to nang hindi ko kilala. Pero ang dami nang gumugulo sa isip ko. Tinungo ko ang mahabang hallway hanggang sa unti-unti nang lumilinaw sa pandinig ko ang lahat.





"Ang sarap mo, Ashley, shit..."




"What can I say? I'm better than your virgin girlfriend. Bakit kasi ayaw mo pa hiwalayan?"




"I'm planning to."





"How am I supposed to believe that? Ah-Fuck, Jayson... Ah..."





Napatakip ako agad ng bibig sa sobrang gulat sa mga narinig ko. Hindi lang din balikat ko ang bumagsak sa'kin kundi pati parang ang buong sistema ko. Parang bumaliktad din ang sikmura ko kasabay ang matitinding emosyon na hindi ko na alam kung paano ipapaliwanag. Hindi na ako nagtangkang sumilip pa dahil alam ko naman na ang nangyayari. Pero hindi ko rin alam kung bakit ayaw pa ring umalis ng mga paa ko sa kinatatayuan ko ngayon.






"You'll never experience this kind of heaven unless you're with me, Jayson Perez. Nag-away na rin naman kayo kanina, make that a way to break up with her." I heard Ashley's flirtatious laugh. Kahit hindi ko rin naman makita ay alam kong tuwang-tuwa rin si Jayson sa ginagawa nila ngayon.





Hindi na lang bibig ang nanginginig sa'kin kundi pati ang kamao ko na. Pinilit ko ang sarili kong lumakad paatras hanggang sa may masagi akong vase at nabasag. Napalingon din ako ro'n dahil sa gulat pero hindi rin naman nagtagal nang marinig ko ang pangalan ko sa bibig ng kaibigan ko. Kasunod din niyang lumabas ang boyfriend ko.





At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Where stories live. Discover now