Pagkatapos mag-shower ay lumabas agad ako ng kwarto para maghanap ng makakakain sa kusina. Saktong pagkalabas ko, paakyat naman si Raven. Sabay kaming napatigil nang magkatinginan kami. Nalipat din ang tingin ko sa likuran dahil may tinignan siya ro'n. Saka ko napansin ang nakapaskil sa pintuan ng kwarto ni Joaquin.
"No molestar. En un momento muy ocupado."
Narinig ko siyang natawa saka ako napalingon agad sa kanya ulit. "Pwede ko na ba maistorbo 'yong isa?" aniya, sa tonong nang-aasar at may ideya na kung anong kaganapan ang mayroon kanina kung bakit nagpaskil si Joaquin ng gano'n. Hindi ko man maintindihan ang lenggwaheng gamit pero sigurado akong konektado 'yon sa'ming dalawa kanina.
"Kahit patayan mo pa siya ng tubig at ilaw habang naliligo ngayon, ayos lang," iyon na lang sinagot ko saka ako naglakad pababa ng hagdan. Narinig ko siyang tumawa ulit pero hindi ko na pinansin. Dumiretso ako sa kusina at saktong may mga meryenda nang nakahanda ro'n.
Kumuha ako ng croissant at isang juice saka tumungong pool area at doon naisipang magpahangin. Hawak ko ang croissant sa kanang kamay at sa kaliwa naman ang juice habang nagiikot-ikot ako sa area.
Habang nag-iikot ay napansin ko ang terrace ng kwarto ni Joaquin. Naroon sila at magkausap ni Raven. At sa nakikita ko, parang hindi maganda ang topic ng dalawa. Nakita kong napahilamos sa mukha si Joaquin bago tuluyang malingon ang gawi ko. Agad akong umiwas ng tingin nang magtama ang mata namin.
Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako agad ng hindi maganda. Naglakad-lakad ako ulit habang pilit na nilulunok ang pagkain. Nang biglang may yumakap sa'kin sa likod. Hindi na ako nagulat at hindi ko na rin inisip kung sino dahil madalas niyang ginagawa sa'kin 'to lalo na kapag naabutang mag-isa lang.
"Meryenda?" Humarap ako sa kanya saka inilapit sa kanya ang pagkain na hawak ko. Kinagatan niya rin naman 'yon. Pagkatapos ay pinainom ko siya ng juice. Yumakap siya ulit sa'kin dahilan para ilapag ko saglit ang meryenda namin sa lamesa sa gilid namin. Saka ako yumakap pabalik sa kanya.
Napansin ko agad ang ekspresyon ng kanyang mukha na walang kagana-gana ngayon. Parang kanina lang... "Uhm, nag-away ba kayo?" tanong ko agad. Umiling lamang siya bilang sagot at mas lalong humigpit ang kanyang pagkakayakap sa'kin.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko muli pero kahit tango ay wala siyang isinagot. "Keira..." aniya nang makabitaw siya sa yakap. He looked straight at me, like he's looking straight at my soul. I don't know why but his eyes, it gave me a heavy feeling by just looking back at them.
"Yes?"
Imbis na sagutin ako ay dahan-dahan niyang inilapat ang labi niya sa'kin. And this time, it doesn't feel sexual. It's a raw feeling. It wasn't seductive but gentle... And sweet... Matapos sa labi ay pinatakan niya naman ng halik ang aking noo.
"We can't stay here for too long. We need to go home tomorrow. I have an important thing to do. Kung ayos lang sa'yo? I know you want to explore Barcelona more but..." He held my chin and caressed it with his thumb.
"Hindi naman aalis ang Barcelona sa mapa. Pwede ko 'to balikan kapag mayaman na 'ko. Unahin na muna natin ang importante." I smiled. "And I still have trainings to do, too, back in our country. Ako naman ang papanoorin mong lumaban."
"And you still have studies to catch up." He chuckled before giving me a kiss on the cheek. Inakbayan niya na ako saka kami pumasok sa loob. Hindi pa rin ako mapakali pero hindi ko na siya kinulit pang magsabi sa'kin. I know he'll tell me. All I need is to wait.

YOU ARE READING
At The End Of The String (Insomniacs Series 2)
Romance☕ Insomniacs Series #2 By taking away all her cards by her eldest brother, Keira Monteza, a bit of a rebel wanted to prove that she can stand on her own feet and be responsible as she was always expected. With the help of her friend, she finally got...