28

51 1 0
                                    

"Do you have plans this Saturday?" tanong ni Joaquin habang abala ako sa pag-ubos ng frappe ko at sa pag-tapos ng parte ko sa thesis namin. "Matulog," sagot ko, hindi pa rin siya tinitignan.



"Ideal place to sleep?" tanong niya muli saka ako napatigil. Muntik ko na hindi ma-gets pero buti na lang at mabilis ang utak ko ngayon. Nang makatapos na ako mag-type ay isinara ko na ang aking laptop.



"Hmm..." I tilted my head. "Parang masarap matulog sa beach." Nag-simula na akong mag-imagine na nag-rerelax ako sa duyan sa ilalim ng puno at malapit sa dagat. Dinadama ang hangin at mayroong cocktail. Hay, matapos lang talaga 'tong thesis namin ay lalasapin ko lahat ng pahinga na kaylangan ng sarili ko.


"Okay, beach it is." He started scrolling through his phone. Sinubukan ko iyon silipin pero agad niyang iniwas. May pinindot siya saglit at pagkatapos ay ibinalik ang atensyon sa'kin.



"Are your brothers' free on Friday?"

"Bakit?"

"Ipapaalam kita ng maayos."

"H-huh? Saan naman tayo pupunta?"

"To your ideal place to sleep. Oh, and please tell me your schedules so I can plan ahead." He smiled and patted my head.



"Defended!" Tumakbo ako agad kay Agatha nang makita ko siyang naghihintay sa'kin sa labas ng classroom. Nagtatatalon kami sa tuwa habang magkayakap. "Yes, makakainom na tayo ulit!" aniya sabay yugyog sa'kin.


Wala na kaming klase pareho kaya naisipan naming pumunta muna sa madalas naming pinagtatambayan. Tutal maaga pa naman at mamayang gabi pa ako susunduin ni Joaquin sa amin. "Huy, apply ako sa coffee shop niyo sa Sabado. Sana si Kuya Ken ang mag-interview sa'kin," malandi at kinikilig niyang sambit habang nilalaro ang yelo ng milk tea niya.



"Malas mo, may business trip si Kuya ng araw na 'yan." Tawa ko saglit. Bigla siyang bumusangot sa sinabi ko. 'Wag na siyang malungkot, sa libo-libong fans ni Kuya Ken, siya ang pinaka-swerte. Bukod sa kaibigan niya ang pinaka-maganda nitong kapatid, nakaka-interact niya pa kahit kaylan niya gusto.



"Aggy, curious ako. I know you as a very busy person. Bees will bow down to you sa sobrang sipag mo palagi. Matagal na rin tayong magkaibigan pero minsan naiisip ko, paano kaya ang isang Agatha kapag siya na lang mag-isa?"


"What do you mean, Ma'am Keira?"

"Like how do you make time for yourself?"

"Hm, depende kung anong maisipan kong gawin. Minsan nagbabasa ako, minsan gumagala ako mag-isa. Marami at hindi ko alam kung paano ko iyon iisa-isahin. Basta, depende."



"Eh, love life?" Alanganin kong tanong. Pakiramdam ko ay masyadong private ang aking tanong. "Okay lang naman kahit ayaw mong sagutin pero kung tatanda kang dalaga, sasamahan na lang kita," bawi ko agad.


"May crush ako, engineering. J-Jayden Caballero ang pangalan," biglang humina ang kanyang boses. Napahampas ako sa lamesa at muntik nang masamid. "Kilala ko 'yan!" Napaturo ako sa kanya. Napatakip na rin ako ng bibig agad dahil napalakas ang boses ko.

"Kilala ko 'yan," sabi ko ulit pero pabulong na. "Kaibigan namin nila Lexi at Gian 'yan no'ng high school. Hanggang ngayon ay may koneksyon pa rin kami sa kanya. Gusto mo ba lakad kita sa kanya?"



Sa lahat ng mga kaibigan ko, si Lexi at Gian lang ang pinaka-pamilyar siya. Oras na rin siguro 'to para makilala niya pa ang iba. Sakto dahil isa sa mga plano ko ngayong araw ay puntahan si Mitch kaya niyaya ko siya.



At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Where stories live. Discover now