37

25 1 0
                                    

Sa rami ng empleyado, bakit ako pa?



"Ma'am Keira, ikaw daw po ang sasama kay Sir De Vera sa photoshoot niya ngayon," balita sa akin ng isa naming ka-trabaho.




"H-ha? Akala ko ba si Ate Venus?"




"Pupunta po sila sa sister's company natin kaya ikaw po ang naatasan. Pasensya na po at ngayon ko lang po nasabi. Ngayon lang din po kasi nabanggit sa'kin ni Ma'am Thea."





"N-nakaalis na ba sila?" Gusto ko pa sanang pakiusapan si Ma'am kung pwedeng iba na lang. Tumango ang ka-trabaho ko bilang sagot. Mukhang wala na talaga akong magagawa. Nang makaalis na siya ay saka ko ibinagsak ang aking sarili sa pahabang couch sa office. Kumuha ako ng unan at doon tumili.






Nang makakalma ng kaunti ay saka ko tinawagan si Aggy saka kinuwento sa kanya ang mga nangyayari sa'kin sa kompanyang 'to.




[Agatha: Kaka-promote lang sa'yo, magre-resign ka na? Tanga ka ba? Akala ko ba moved on ka na?] Tawa niya.





I don't know. Am I? Hindi na lang ako umimik sa sinabi niya. Alam ko sa sarili kong moved on na 'ko pero hindi ibig sabihin ay handa na akong humarap sa kanya.




[Agatha: Huy, nand'yan ka pa ba? Baka umiiyak ka na r'yan, ah.] Tawa niya muli.




"Gaga, tapos na akong iyakan 'yan."




[Agatha: Oh, bakit ka galit?] Habang natagal ang pag-uusap namin ay lumalakas ang tawa niya, halatang inaasar ako. Pinakinggan ko na lang siyang matawa sa'kin habang umiirap ako rito na para bang nakikita niya. Kung magkalapit lang kami nito ay kanina ko pa siya binalibag.





[Agatha: Anyway, may pinadala ako r'yan. Saktong kararating lang base sa aking tracing app.] Hindi pa ako nakakatanong kung ano iyon nang may kumatok na sa labas ng office. Tumayo ako at dali-dali kong pinagbuksan. "For Ms. Keira Monteza po. Galing po sa manliligaw niyo," biro ng ka-trabaho kong nag-abot sa'kin.





"Siraulo ka." Natawa na lang ako at kinuha ang isang box na malaki. "Ano 'to? House and lot na natutupi?" balik ko na kay Agatha matapos isara ang pinto.





[Agatha: Gago. Basura 'yan. Pakitapon. Tambak na kasi rito sa office ko, eh.] Tumawa siya ulit saka niya na pinagbuksan sa'kin.



Nag-video call pa kami dahil gusto niya raw makita. Kumuha ako ng cutter at inisa-isa nang alisin ang mga balot. Parang limang patong ng wrapper iyong tinanggal ko. Baliw talaga 'to kahit kailan! Parang kung kailan tumatanda kami ay saka lumalakas ang pangti-trip niya sa'kin.




[Agatha: Happy birthday, my love!] Rinig kong bati niya matapos kong buksan ang kahon at kinuha ang isang life-sized teddy bear. Sa pinakailalim ay mayroong maliit pa na kahon. Naghahalo ang kunot-noo at nakangiting ekspresyon sa aking mukha. Pero birthday ko ba talaga? I checked my phone and saw the date - November 26 it is.





[Agatha: Ayan, masyado kang abala sa trabaho mo, pati birthday mo hindi mo na alam.]





Napansin kong mayroong zipper sa may bandang gilid ang teddy bear kaya binuksan ko. Saka bumungad sa'kin ang mga maliliit na papel. Mayroon pa sa isang gilid at binuksan ko rin saka nasilayan ang isang walang laman na garapon.





[Agatha: Iyong isang zipper ay mga letters ko para sa'yo. You can pick anytime. Iyong kabila naman, pwede kang magsulat ng kahit anong thoughts mo at ilalagay mo lang d'yan.] Turo niya sa garapon.




At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Where stories live. Discover now