18

92 6 7
                                    

"Wow!" sambit ko nang lumabas ako sa terrace ng kwarto niya. Nagniningning ang mga city lights sa aking paligid at ganoon din ang mga bituin sa kalangitan. Inilabas ko ang phone ko upang kunan iyon ng litrato. If I were to live here, I'd never get tired looking at this kind of view.







Nang maamoy ko na rin ang pagkain ay saka lang ako bumalik ulit kay Joaquin. Para siyang prinsipe na pinagsisilbihan ngayon. Ang daming pagkain na nakahain sa tray! What a life it is he has!








"¿Todavía necesita algo, señor?" said the maid. Umiling naman at ngumiti si Joaquin. "Eso es todo. Gracias," he answered in Spanish. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila, pilit na hinuhulaan ang kanilang sinabi.








Nang makaalis na ang maid ay saka ako nagsalita. "Thank you lang naintindihan ko," sabi ko na lang nang makaupo na ako sa dulo ng higaan.








Natawa siya at ginulo ang buhok ko. "She asked if I still needed anything." Naupo naman siya sa tabi ko saka namin sinimulang kumain.







"Anong sabi mo?"








"Wala na, ito na 'yon. Salamat," casual niyang sagot habang nilalagyan ng salad ang plato ko.
Tumango-tango na lang ako saka nagpatuloy sa pagkain pero hindi pa rin matigil ang kadaldalan ko. "Ang ganda rito sa Barcelona. Bakit naisipan mo pang tumira sa Pinas?"







"My mom wants to live there. Sinunod iyon ng kanyang pinakamamahal na asawa. Dito lang ako nabuo pero sa Pilipinas ako ipinanganak."






Sosyal, kapag tatanungin pala siya kung saan siya ginawa, ang expensive ng sagot — Barcelona, Spain. "Saan ka pinaglihi?" tanong ko na naman.







"From a model, mom told me. Nakalimutan ko lang kung sino. Sa pagkain naman, she'd say sweets."






"Ah, hindi ba sa traffic lights?"






"Traffic lights?" Napataas ang kilay niya sa'kin.





"Ang galing mo kasi magbigay ng mixed signals, eh," asar ko sabay subo ulit ng pagkain.






"Funny, Keira." Napailing-iling na lang siya at sinabayan na ako ulit kumain. Nang makatapos kami ay saka niya na ako niyayang magpahinga. Naglagay na ako ng unan sa pagitan namin dahil kung akala niya'y nakaka-recover na 'ko, pwes, akala niya lang 'yon.







Maaga kaming nagising kinabukasan upang mag-training. Sa circuit na ako nag-almusal habang pinapanood ko siyang magmaneho. Kausap ko rin si Kuya Kenzo kapag nauubusan na ako ng sasabihin o ng mga technique. Minsan kapag hindi ko maintindihan ay itinatapat ko na lang sa mic ko ang phone para sila ang mag-usap.

At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Where stories live. Discover now