23

58 1 0
                                    

Inabot na kami ng hatinggabi bago tuluyang makauwi sa mansyon. Dumiretso ako sa kwarto ko upang makapaglinis na. Wala na rin naman akong balak kausapin si Joaquin dahil naiinis pa rin ako sa kanya. Sinimulan ko nang maghalungkat ng damit sa aking cabinet nang biglang may magsalita sa'kin.





"I'm sorry about what happened earlier. I didn't mean to start a fight." I can see him in my peripheral vision, standing at my door with his hands in his pockets. "Keira, I'm sorry. I was worried," aniya ulit dahil hindi ko pinansin.






"Understandable, feelings validated," sagot ko pabalik matapos kong kumuha ng damit. Lalakad na sana ako papuntang banyo nang hatakin niya 'ko pabalik at ikinulong sa braso niya. "Hindi ako titigil dito hangga't 'di tayo nagkakaayos," mahina niyang sambit.





"Nagseselos ka sa pulis?" Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.




"Bakit ka ba kasi nandoon kanina? Bukod sa nag-alala ako dahil hindi kita mahagilap kanina, oo, nagselos ako. But only a little." He placed his pointer and thumb in front of each other, leaving a little space between, to show how 'little' his jealousy was.






Saglit akong natawa saka ako kumalas sa mga braso niya. "Sana nagtanong ka muna kung ano ba talagang pakay ko ro'n." Ginaya ko ang ginawa niya sa kanyang daliri, ngunit ang espasyo sa pagitan ng aking hintuturo at hinlalaki ay malaki. "Ganito naman ang irita ko sa'yo kanina."






"Ramdam ko naman. Hanggang ngayon nga ramdam kong gusto mo 'kong sapakin..." Unti-unting humina ang kanyang boses nang banggitin niya ang huling salita.





"Gusto kitang wrestling-in." Umirap ako saka naglakad na patungong banyo.






"We can do it inside your bathroom." Tawa niya. Bubuksan ko na sana ang pintuan ngunit natigilan ako saglit at hinarap siya muli. "Alam mo, ang gago mo." Bago ako tuluyang pumasok ay pinakyuhan ko siya. Huminga ako ng malalim bago isabit ang damit at twalya ko. "Alam na alam mo talaga kung paano ako kunin, hayop ka. Isang asar mo lang..." Isinandal ko saglit ang aking sarili sa pinto.






Napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses niya ulit sa labas. "Bati na ba tayo?" Katok niya pa. Mahina ko namang hinampas ang pinto pabalik. "Oo!" sambit ko. Naghintay pa ako ng kanyang sasabihin ngunit hindi na siya nagsalita ulit kaya sinimulan ko na maligo.







"Can you promise me something?" he asked. It's already two in the morning and we're both in my bed, naked - just finished satisfying each other after we missed each other the whole day.





"What?" Pikit na ang aking mata dahil sa pagod. Napadilat lang ako muli nang tanggalin niya ang unan sa pagitan namin. "White flag muna. Hindi ko na kayang umisang round pa," sabi ko.






Natawa siya at hinalikan ako sa noo. "Silly. Promise me you'll tell me what's bothering you so that we can resolve it right away. Lalo na kung ako ang problema mo. I don't want to be a burden to you, Keira."





Medyo nabuhayan ako ng kaunti. Tumagilid ako upang makita siya ng maayos. I'm a little shock with his last words. That was the first time a guy told me that, though. My heart started beating fast but at the same time, I need to control this.






"Hindi naman natin maiiwasan 'yon. That being a burden to someone... Hindi natin masasabi kung kelan tayo magiging sakit sa ulo ng isang tao." Tawa ko.







"Well, you're always a pain in the ass since day one, though." He shrugged. Kumuha ako ng unan at inihampas sa kanya. "Anyway, kidding aside." Hablot niya no'n sa'kin saka inilagay sa kanyang likuran. Hinawakan niya pa ang mga palapulsuhan ko upang hindi na 'ko makakuha pa ulit ng unan.





At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon