29

70 1 0
                                    

"Four, five, six... Ladder! I won!" sambit ni Joaquin. Pang-limang panalo niya na 'to sa laro naming Snake and Ladder. "Ayoko na!" Mahina kong inihagis sa kanya ang dice na agad din niyang iniwasan.






"Ayaw mo na talaga. Talo ka ulit, eh." Tawa niya na inirapan ko lang. Pakiramdam ko talaga paborito siya ng mga ahas sa larong 'to! Niligpit niya na ang board saka tumabi sa'kin at ginawan ako ng s'mores. Pagalit ko iyong kinagatan at inirapan ulit siya.








"Better luck next time, grumpy curls." Gulo nito sa aking buhok. Hindi ko na iyon pinansin at nag-init na lang ng marshmallow sa bonfire sa tapat namin. Habang kumakain ay nagbabangayan kami na parang high school dahil lang sa mga nilaro namin.







"Let's play chess tomorrow before we go. If you win, you'll drive."







"Oo, talaga! At papaliparin ko sasakyan mo bukas 'pag ako ang nanalo!"







"'Pag hindi mo napalipad, ikaw papaliparin ko." Tawa niya.






"Gago mo!" Pinakyu ko siya saka kumuha ulit ng panibagong marshmallow at ininit. Marami na kaming naluto. Bumili pa siya ng chocolate milk para sa'ming dalawa. Ang dami naming ginawa buong araw at takang-taka ako kung bakit may energy pa rin siya hanggang ngayon.






We had ice cream, we bought souvenirs for our loved ones, we tried snorkeling, we went fishing, played beach volleyball, we picked up shells and raced using jet skis. Doon lang yata ako nanalo sa kanya. Matapos ang mga 'yon ay bumalik kami ng villa upang mag-shower at tumambay na rito sa tapat ng bonfire na inihanda sa'min.








"Oo nga pala, hindi ko tanda kung nabanggit mo na ba sa'kin 'to o hindi pa. Bakit ka nga ulit tumigil sa pag-aaral?" I open a topic.






"Simple reason, I wanted to help my family as early as I could. Especially, my dad. Oh, and speaking of, sasama ako ulit sa paghahanap sa kanilang dalawa ni Lolo. Magsisimula ulit ako bukas pagkauwi natin. Raven will join us, too."






"Sama ako! Malaki rin ang utang na loob ko sa pamilya mo sa pagtanggap sa'kin."








"Thank you but you don't have to if you have other stuff to deal with. Baka nahihiya ka lang sa'kin magsabi na busy ka."







"Don't worry about my schedules. Worry about the marshmallow you're cooking. Malapit na masunog." I pointed at it using my lips saka lang niya naalala ang ginagawa niya.







"Anong dream school mo pala?" tanong ko ulit. "Mine's Brent International School but I chose to be practical. Kung magkakaanak man siguro ako in the future, ibabawi ko sa kanya. Doon ko siya paaaralin."








Nakita ko siyang napangiti at tumango-tango sa aking sinabi. "I actually don't have any. Basta makapag-aral ulit, ayos na." He shrugged. Bigla kong naalala ang mga certificates at medals niya noong naroon pa ako sa kanila. His school was De LaSalle.







"Also, I haven't decided which course will I take. Siguro kapag nakapili na ako ng talagang gusto ko... There, I'll continue my studies."







"I'm rooting for you." I smiled and lay my head on his shoulder. "By the way, thank you for this. Minsan naiisip ko na pwede tayong mag-tandem. Driver ka tapos tour guide ako. Sideline natin," biro ko.






"Magandang gawain nga 'yan kapag bored." Tumango-tango siya ulit na para bang siniseryoso niya ang sinabi ko.






We spent the night in front of the bonfire 'til we decided to have a walk at the seashore. Kagaya kagabi, nagsisilbing liwanag ng aming daan ang buwan. Mas lalong gumanda ang kalangitan dahil may mga bituin pa sa paligid. Ngunit habang naglalakad ay nararamdaman ko na ang pag-bigat ng aking mga mata. Napahikab na rin ako.








At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Where stories live. Discover now