15

125 8 75
                                    

"So, saang parte mo na naman ako ng mundo dadalhin?" tanong ko sa kanya nang makarating ako sa tapat ng kwarto niya. Saktong naabutan ko siyang nagbibihis. Hindi na ako tumalikod dahil nakita ko na rin naman ang kabuuan niya kanina. For sure, aasarin niya lang ako lalo kapag ginawa ko 'yon. 





"No spoilers." He chuckled. Umirap na lang ako saka ko napansin ang tagiliran niya na wala ng tato. Huh, he really moved on... Sumandal na lang ako sa pinto habang hinihintay siyang matapos mag-ayos ng kanyang sarili.






He's also wearing a brown turtleneck, matching my beige crop-top turtleneck, too. Matching brown and beige trousers, white shoes, and long coats. He requested this outfit. Mukha na nga kaming kape dalawa dahil sa kulay ng mga suot namin.






Mayroon pa naman akong ibang damit pero mas pinili kong mag turtleneck ngayon dahil ang daming iniwang bakas ng malaking lamok na kilala ko kanina.





Nang makatapos ay saka niya ako nilapitan para may ibigay. He handed me a black Dior sunglass and a pair of earrings. Halos lumuwa ang mata ko sa mga hawak ko ngayon. "Sure ka bang para sa'kin  'to?!" 


Tumango siya at matamis na ngumiti sa'kin. I'm holding a damn luxurious accessories! At talaga namang ngayon lang ako nakahawak ng ganito dahil kahit bilyonaryo ang mga kuya ko ay hindi ako nanghingi ng mga mamahalin na bagay.







Kahit man may pera ako ay hindi ko pa rin kayang bumili ng ganito. Parang masyadong mahal para bumagay sa'kin. Parang ang hirap suotin. I just wanted to stare at it all day. "Joaquin, this is too much." Saka ko siya nalingon ulit. 






"It's a gift." He smiled again. 


"Pero November 26 pa birthday ko."






He laughed a little. I guess those little laughs is one of my favorites. "Aantayin ko pa ba talagang dumaan ang Halloween para bigyan ka ng regalo?" asar niya. Aba, tarantado 'to, ah. Pagkatapos kang pakiligin, pagti-tripan ka.






Kinuha niya ang hikaw at isinuot iyon sa'kin. Inayos niya rin ang aking buhok saka inilagay ang sunglasses sa ibabaw nito. "There, it suits you, pretty." Saka niya ako iniharap sa salamin. "Gorgeous," pahabol niya pa.





Hindi ako sa itsura ko nakatingin ngunit sa hikaw na mukhang kahit malayo ay mahahalata mo agad na mamahalin dahil sa kinang nito. "Hindi ba ako maho-holup nito? Baka bigla na lang may humila sa tenga ko habang naglalakad tayo, ah." 







"Silly, no. We have bodyguards, Keira. And you're with me so you're safe. I got you. Hindi ko hahayaang mapahamak tayo. And of course, there are three men who will bury me alive if something bad happens to you, you know." He shrugged.






Natawa na lamang ako ro'n. At least dalawa na kaming takot sa mga kuya ko ngayon. Mayamaya'y niyaya niya na rin akong umalis. Inaalalayan niya pa ako pababa dahil masakit ang legs ko. Grabeng gera ba naman ang ginawa sa'kin. 





"Just tell me if you need a wheelchair," asar niya na naman.






"Kahit piggyback pa ialok mo sa'kin, hindi ko tatanggapin dahil kaya kong maglakad." Tinulak ko siya palayo at dire-diretsong na lang bumaba ng hagdan. 







"Welcome to Museo San Agustin, Ma'am and Sir," bati sa amin ng isang bodyguard na personal driver din ni Joaquin nang pagbuksan niya kami ng pinto. There are also big three bodyguards following us. Kakaunti lang mga taong naroon at mukhang hindi napansin ang kasama ko nang simulan na naming pumasok. 







At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon