33

41 2 0
                                    

Nagising ako sa kalagitnaan ng hatinggabi dahil maaga akong natulog kanina. I'm still wearing my uniform, and I've probably fallen asleep while crying so much lately. Nang tignan ko ang phone ko ay puro iyon missed calls at text ng dalawa — Agatha at Joaquin. Sabog din ang notifications ko dahil group chat naming walong magkakaibigan.






I smiled upon reading the messages on the notification bar. Ayoko munang buksan ang aking social media dahil panigurado nakabalandra pa rin ang mukha ko ro'n. Nagpakawala na lamang ako ng mabigat na paghinga saka nag-shower. The possibility of everything I'd been through before was so high and it frustrates me down to the core.






I thought a shower could help but even every drop of it is heavy. Getting heavier... and heavier... Pinatay ko na lang iyon saka nagpatuyo ng sarili. I sat in front of the vanity table after putting on some PJs when I suddenly heard voices coming from downstairs. Napatayo ako at nagtungo sa pinto nang makilala ko ang mga boses na iyon.




What the hell are these two doing here in the middle of the night at Kuya Kel's house?





Binuksan ko ng bahagya ang pintuan ng kwarto takang-taka nang maging malinaw na sa aking pandinig na nagtataasan sila ng boses. Bababain ko na sana upang awatin pero napatigil ako agad nang marinig ko ang pangalan naming dalawa ni Joaquin sa kanilang usapan.






"I just know Joaquin wouldn't do something like this!" Turo ni Kuya Ken sa phone sa coffee table.





"Oh? Then why did it end up like that? How sure are you he's not behind this?" hamon ni Kuya Kean sa kanya.






"I have known Joaquin for years and I know he wouldn't put Keira in this kind of situation. Nakita ko kung paano niya protektahan ang kapatid mo, Kean. I saw how happy Keira was when she was with him and no doubt he'll guarantee our sister's safety as he always does. Eh, ikaw? Anong lang ang nakikita mo? Pagkakamali naming lahat? Pagkakamali ni Keira? O pagkakamali ko lang?"






By that, Kuya Kean grabbed his collar. Napaabante ako ng kaunti dahilan ng tuluyang pagkabukas ng pintuan ng kwarto. Nagsisimula na ring bumigat ang aking dibdib. "Kung ako sa'yo, hindi ako bababa r'yan para maging referee ng dalawa." Napalingon ako sa aking gilid at natagpuan si Kuya Kel sa bandang dulo ng hallway ng aming mga kwarto.






"Anong nangyayari?" naiiyak kong tanong nang makalapit na siya sa'kin. "Ikaw na ang bahala makinig," iyon lamang ang kanyang sagot. Sabay na naming pinagmamasdan ang dalawa sa baba. Sa sobrang init ng ulo nila sa isa't-isa ay hindi nila kami mapansin-pansin ni Kuya Kel.






"You're the one who asked him a favor to watch over her, not me."





"And you agreed, you and Kelvin, too. You trust him. I know you do. You're a damn asshole — a hypocrite kung itatanggi mong hindi mo pinagkatiwalaan si Joaquin. Lahat tayo may mali rito. Maybe I was wrong for asking someone a favor to protect my sister, okay." He threw his hands in the air. "But you were also wrong for agreeing with me and letting Joaquin be there for her. And we are all fucking wrong for being careless for the second time. 'Wag ka ring umasta na parang hindi natin naranasan 'tong dalawa noon." 






Binitawan na ni Kuya Kean ang kwelyo ni Kuya Ken dahilan upang makapaglakad na siya palabas ng bahay. It's like Kuya Ken left him dumbfounded. Mayamaya'y inakay na ako ni Kuya Kel pabalik sa aking kwarto. Dahan-dahan akong umupo sa aking higaan, pilit na iniintindi kung ano nangyayari.






"Keira."




I didn't respond. Tuluyan na lamang akong humiga at yumakap ng unan, nakatalikod na sa kanya. Naalala ko rin ang sinabi ni Kuya Kean na si Kuya Ken ang nagpasimula no'n. All along I thought it was him — Kean — kaya sa kanya masama ang loob ko. Hindi man ganoon kalalim dahil kapag kaylangan ko ng kahit isang kamay man lang na hahagod sa aking likod, si Kuya Kean din ang nand'yan.







At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Where stories live. Discover now