5

149 12 62
                                    

Nakatitig lamang ako sa tatlong maleta at apat na backpack na nakasalansan sa gilid ng higaan ko. Parang sa abroad ako pupunta dahil sa sobrang daming dala! "Wow, pang walang uwian na bitbitin na 'yan, ah?" Tumawa ng malakas si Kuya Kel sa gilid ko habang sinasabayan akong titigan ang mga 'yon.





Siya ang tumulong sa'kin mag impake dahil simula mamayang gabi ay sa bahay na ako ng mga De Vera tutuloy para malapit na lang ako sa Womenscape. Kapag nanatili akong nakatira rito sa amin ay sobrang layo ng iba-byahe ko araw-araw. They want it less hassle for me. Even Joaquin's father asked permission for this.





"Eia, ayos na ba ang mga dadalhin mo, anak?" Rinig ko sa paakyat na si Mrs. Risma. "Jusmiyo! Aba'y mukhang hinakot mo na ang buong kwarto mo papunta sa bahay ng mayor, Eia!" Napahawak siya sa dibdib niya nang makita ang mga dadalhin ko. Inilibot ko rin ang tingin ko sa buong kwarto ko at halos maubos na nga rin talaga ang laman nito.




"Hindi ko po kasi alam kung hanggang kaylan ako mananatili ro'n kaya mainam na pong dala ko ang lahat. Hehe."




"Para namang hindi ka na uuwi rito, anak. Bumisita ka kapag may oras ka, ah? O kung hindi man, tawagan mo lang ako." Hindi pa ako umaalis ay sobra na ang pag-aalala niya. I hugged her tight and assured her that everything will be fine there. Nang makabitaw ay saktong tinawag na rin ako ni Kuya Kenzo dahil dumating na ang susundo sa'kin.




"Just call when you need me," huling pasabi sa akin ni Kuya bago tuluyang isara ang pintuan na malapit sa shotgun seat. Nasa compartment na rin ang mga gamit ko. Kinausap niya pa si Joaquin at nang makatapos ay saka na siya sumakay sa driver's seat.



Mga hapon na kami nakarating sa kanila. Hindi naging ganoon katagal ang pagpunta namin pero noong nilakad namin ito ni Gianna nakaraan, it took us forever. Muli kong nasilayan ang mga makalumang gamit sa loob ng bahay nila. Ang madalas kong tignan sa mga iyon ay iyong mga paintings.




Puro historical, iyong iba naman gawa ng mga kakilala nila o 'di naman kaya mga binili nila. Sa bawat lakad ko rin talaga ay para akong nasa isang museum. Sinimulan na rin akong ilibot ni Joaquin sa buong lugar. Itinuturo niya lang kung ano ang mga nasa ganitong parte pero hindi man lang niya 'ko binibigyan ng historical background. If he's gonna be a tour guide someday, well, he's the worst already. I'll be rating him three over ten.



Hindi na niya tinagalan pa 'yon at dinala na rin ako sa magiging kwarto ko. The design was kind of a vintage with the shades of beige and red colors. It was the same color as my room back home. Huh, looking at it feels like this room was really meant for me to stay with.



Iniwan na ako ro'n ni Joaquin kasama ang mga gamit ko. Pagkasara niya ng pintuan ng kwarto ay agad kong initcha ang sarili ko sa higaan. Pinagmasdan ko ang buong paligid at kinuhaan iyon ng mga litrato. Nang i-check ko sa gallery ay halos lahat ay Instagram story worthy.





Lumabas ako saglit sa maliit na terrace para silipin ang labas. There's a view of the sea not really that far away from this place. At hindi rin sa kalayuan no'n ay may natanaw din akong field ng mga bulaklak. It looks like a garden. Agad ko iyong kinuhaan ng litrato at isinend kay Solene. I'm sure she'll love this place when she get to visit here.



At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Where stories live. Discover now