Prolouge

1.6K 15 0
                                    


"Bhiee hindi ka pa aalis?" tanong ni Lia.

"Maya maya pa" sagot ko. "Alam mo ikaw, napapansin kong napapadalas ang pag sasama niyo ni manager ha. May customer bang galante?" aniya.

Ngumiti nalang ako. "Gano'n na nga. Eh kailangan na kailangan ko ng pera dahil hindi pwedeng hindi mag dialysis ang lolo ko. Tsaka dalawang beses siyang nag di-dialysis sa isang linggo."

"Ang workaholic mo. Subsob ka sa trabaho, hulaan ko hindi ka pa nakapasyal dito sa Japan ano?" tumango ako bilang sagot. "Nag gagala lang naman ako kung may gusto akong bilhin para sa lolo ko" sagot ko. Umupo siya sa harap ko.

"Beh uso magpahinga ano. What if gala us pag day off? Para naman makalanghap ka ng hangin ng japayuki" natawa ako sa sinabi niya.

Nag tra-trabaho ako dito sa Japan. Nag e-entertain ng mga lalaking hapon. Pero hindi ako ganon sa iniisip ninyo. Kumbaga pang table lang ako at hindi pang kwarto.

Kinuha ako ng mama ko rito pero hindi ko alam na ibubugaw lang ako at ibebenta sa hapon kaya tumakas ako sakanya. Si Lia ang nakakita saakin at tinulungan ako. Pero hindi ako makauwi ngayon dahil illegal pala ang recruiter ni mama.

Kaya ito nag decide akong mag trabaho at suportahan ang lolo ko na mayroong sakit. Kaya nag sisikap ako para lang kay lolo.

Isa akong waitress dito sa isang club sa japan pero may mga hapon kasi na gustong magpa-table, malalaking tip ang binibigay saakin pero hanggang table lang.

"Tara na" lia.

"sige na mauna ka na"

"Anong mauna? Naurrr sabay tayo ano! Tsaka may chika ako"

"Sige sabay na tayo" anas ko at sumabit sa kamay niya.

"Tignan mo basta chismiss eh 'no?"

Habang nag lalakad kami ay nag ku-kuwento siya ng chismiss.

"May pupunta sa club bukas. Bigatin at mayayaman. Balita ko nga ay sikat sila. Pero matagal din sila hindi nakapunta lalo na yung isang lalaki. Nako napaka pogi non!! Baka mainlove ka sakanya ha!"

"sira ka ba? Sa tingin mo may oras pa ako para diyan? Eh alam mo namang lolo ko lang ang iniisip ko ano"

"Sus baka kapag nakita mo siya mahulog panty mo"

"hoy! Sobra ka naman! Ang oa ha! Ang oa!"

"HAHAHAHA sus gusto mo makita picture niya? Businessman siya"

"Hindi ako interesado" binigyan niya ako ng nanunuksong tingin.

Kumain kaming dalawa sa labas ni lia dahil wala na rin naman kaming time para mag luto dahil pag uwi namin ay itinutulog na namin.

Dumaan kami sa isang convenience store dahil mah bibilhin daw si Lia kaya nag ikot ikot ako baka may mabili ako eh.

Noong una hirap akong mag adjust dahil nga basic lang ang alam ko sa language nila dito pero dahil kay Lia unti unti akong natuto at nasanay.

Pero until now, TNT parin ako dito kahit gustong gusto kong umuwi sa pinas. Wala naman akong magagawa at isa pa, nagkakapera naman ako rito at nasusuportahan ko ang mga gamot ng lolo ko.

Kailangan din kasi ni lolo ng dugo dahil kulang siya sa dugo.

Habang nag lalakas ako may naka bunggo saakin dahilan kung bakit nahulog ang mga binili kong pagkain.

Lumingon ako sa likod nag aakalang mag so-sorry siya pero hindi man lang siya nag atubiling huminto at mag sorry. Dire-diretso lang siya sa pag lalakad.

Napa irap nalang ako.

"SORRY HA!? SORRY NABUNGGO KITA!" Inis na sabi ko dahil mukha namang pilipino ang likod niya. Pag lalakad pa nga lang eh pilipinong pilipino na.

Pinulot ko ang mga pinamili ko at binalik sa paper bag. Kapal naman ng lalaking iyon. Patapos na ako sa pag pupulot nang may nakita akong bracelet na kulay itim.

S ang initial na pendant. Ang itsura nito ay gawang diy bracelet at may pusa pang design.

Sakanya siguro ito. Maganda siya kaya kinuha ko at sinuot. Bayad nalang niya to sa pag bunggo saakin nang hindi nag so-sorry.

Nag hiwalay na kasi kami ni Lia after namin makapamili. Soon kasi lilipat ako sa tinitirahan ni lia para magkasama kami, suggestion niya yon.

Habang nag lalakad ako medyo di ako kinakabahan dahil may mga kasama akong nag lalakad kaya panatag ang loob ko ng mga 2% slight.

Nagulat ako dahil may mga nag tatakbuhan na mga lalaki at parang may hinahanap sila nang biglang lumapit ang isang lalaki saakin na ikinagulat ko.

"Sumimasen, ojōsan, kuroi pākā o kite hashitte iru dansei o mita koto ga arimasu ka?" (Excuse me lady, have you seen a guy run in a black hoodie?)

Para akong napipe dahil sa takot ko. Umiling ako at sumagot. Baka kasi bigla akong isamurai pag hindi ako sumagot.

"Īe, kuroi pākā o kite hashitte iru otoko o mita koto ga arimasen" (No, I've never seen a guy running in a black hoodie)

Nag pasalamat ito at umalis pero nag madali na ako. Habang nag lalakad ako sa may eskinita ay tumitingin ako sa likod ko at parang may sumusunod saakin kaya lalo long binilisan ang pag lalakad ko habang kumakabog ang dibdib ko sa kaba at pinag papawisan ako.

Nagulat ako nang may humila saakin at isinandal ako sa pader. Nanlaki ang mga mata ko. Pero sa dilim ay hindi ko makita ang mukha niya dahil sa hoodie na suot niya.

Eh?

Hoodie?

B-black hoodie?

Napatingin ako sa right side dahil narinig kong may nag tatakbuhan at maingay pa.

Lalong nanlaki ang mata ko ng bigla akong halikan sa labi ng estrangherong kasama ko ngayon. Hindi na ako nakagalaw pa ng yakapin ng lalaki ang maliit kong bewang na animo'y may namamagitan saamin.

GUMAGALAW ANG LABI NIYA!!!! T____T

Napatingin ako sa lalaking nakakita saamin at siya yung lalakinf nag tanong saakin. Pero namg makita kami ng lalaking iyon ay tinignan pa niya kami ng maigi kaya pumikit na ako ng mariin kahit gustong gusto ko ng itulak tong lalaking kahalikan ko ngayon. Nang marinig kong sumigaw siya ng wala ay tinulak ko agad ang lalaki.

"W-why did you do that!?" Napa english tuloy ako pero wala na akong pake kung japanese siya o hindi. Pero nag lakad lang ito nang parang walang nangyari. Naka awang ang bibig kong pinag mamasdan ang likod niyang lumalayo saakin.

"YAH!!! THAT WAS MY FIRST KISS!!!" inis na sabi ko.

Aish!

Wala na!!! Huhuhuhu!! Ninakaw niya ang first kiss ko. Kailangan niya ako pakasalan!!! Huhuhuhu!!

Started : 01 - 26 - 24
Ended : 03 - 06 - 24

Safe Place To Hide (Chasing Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now