Chapter 9

261 2 0
                                    


Nandito kami sa hindi ko malamang lugar. Nakita ko kanina Auckland ata to pero mukha siyang columbarium pero sa park siya. Nakasunod lang ako kay seb.

"Tabi tabi po" bulong ko

Siyempre pinoy tayo tapos dayo ako dito baka mamaya magkasakit ako eh. Tumigil si seb sa paglalakad kaya huminto rin ako.

O.O

"Semantha Rowanne Cavendish"
"Sebastian Kelzeint Finley Cavendish"

Omg! P-parents ni seb!?

Hindi man lang ako ininform ni sebby na pupunta kami dito sa parents niya para bumisita. Kaya pala siya may dalang flowers, actually kanina ko pa iniiwasan yang bulaklak kasi may allergy ako sa bulaklak. Kaya medyo distance ako sakanya hehehe.

Muli akong napatingin sa lapida. Omg!!! Kahapon ang death anniversary ng parents ni seb!?

Kaya siguro ang lungkot niya kahapon tapos bigla siyang nag open up about his parents, hindi ko alam na death anniversary pala ng parents niya. Bumaling ang tingin ko kay seb at naka yuko siya at nakatingin sa lapisa ng parents niya. May nilagay siya sa baba at picture ng parents niya.

Omg kamukha niya ang daddy niya. At sobrang ganda ng mommy niya. Halatang inlove sila sa isa't isa at ang saya nila sa picture. Picture nilang tatlo. Baby pa si seb at hawak siya ng mommy niya at magkatinginan ang mommy at daddy niya sa photo at ang laki ng ngiti nila.

Pero behind that smile? Ang tragic ng love story nila. Ang sama ko siguro kung sasabihin kong naging selfish sila dahil sa pag iwan nila kay seb. Pero alam kong in another lifetime masaya na sila at wala ng humahadlang sakanila.

"Hello po seb's parent. I heard what happened to the both of you. I hope you are happy there, alam ko pong payapa na po kayong nagmamahalan diyan at alam ko rin pong binabantayan niyo si seb. I can see that he's a strong man. Huwag po kayong mag alala kay seb"

Hinagod ko ang likod ni seb at dahan dahan akong umatras at lumayo para mapag isa siya at mabigyan ko siya ng time sa parents niya.

Pinag mamasdan ko si seb medyo may kalayuan. Nakaupo siya ngayon sa harap ng columbarium ng parents niya. Hindi man lang nila nakita personal ang umpisang paglalakad ni seb at hindi nila narinig ang first word na sinabi ni seb.

Alam kong mabigat ang pinag dadaanan niya at dala dala niya ang bigat ng pagkawala ng parents niya until now.

Halos kalahating oras din kaming nandito pero hinayaan ko lang si seb. Maya't maya pa ay naglakad ito papunta saakin at inaya na akong umalis. Kakain pa sana kami sa labas kaso sabi ko kung kakain kami paano yung mga kaibigan niya sa hotel? Sabi niya 'they have their own money to buy their own food' pero sabi ko bili nalang kami at doon nalang kainin sa hotel kahit may pagkain sa hotel.

Pag dating namin nagulat kami ni seb dahil sobrang gulo at yung mga throw pillow nasa lapag na my gosh!!!

Tapos may mga snacks sa lapag mga plastic huhuhu!!! Sana pala hindi nalang ako nag mabuting loob.

"Oh buti nandito na kayo!" Masayang sabi ni sevi.

"Gusto ko nalang ulit umalis" bulong ko sa sarili ko at bagsak ang balikat na naglakad papasok. "Hey! Can you- fvck" halata sa mukha ni seb ang inis.

"Hoy!!!" Nagulat sila dahil sa malakas kong boses. "Umalis kaming maayos dito pag balik namin ang dumi at ang gulo na!" Bigla silang nanahimik at nakatingin saakin. "Pulutin niyo yan!" Kinuha ko ang throw pilow at pinag hahampas sila.

"Aww!"

"Ouch!! Fine!!!"

"O-okay! Aray!!"

"Sus ginoo!!"

"Bilis! Bilis!" Anas ko.

Sumasakit ang apdo ko sakanila huhuhu!

-----------------

"Karalyn are you sure na pakakasalan mo na siya? Siya na ba talaga?" Nakita ko namang palihim na kinurot ni heaven ang kapatid niyang si sky.

"Ouch! What? Just asking" mahinang sabi ni sky kay heaven. "Dude shut up ang daldal mo parang hindi mo alam ang reason" aki

"So kailan ang baby?" Bigla akong napaubo sa sinabi no sevi. Agad naman akong inabutan ng tubig ni aki na agad kong ininom.

"Yah shut up" seb

"Tatanong lang eh! Ano ba gusto niyo! Babae o lalaki?" Napatampal ako sa noo ko. Sevi tumahimik ka na!!!!

"Boy!" Sabay sabay nilang sabi. Hindi na ako makatingin kay seb dahil sa kahihiyan.

"Wait, after the wedding uuwi na kayo sa pinas?" napatingin ako kay heaven.

"Maybe, But I'm hoping makasabay kami sainyo" sagot ni seb. "Baka kami ang sasabay sa private jet mo" sky

"Ano ba kayo baka doon sila mag ho-" agad na tinignan ni seb si sevi kaya hindi natuloy ang sasabihin niya.

Alam ko naman yon eh. Buoin natin siyempre Hon-eymoon ang anh karugtong. Bakit ba baby at honeymoon ang bukambibig nang mga 'to? Ang awkward kaya!!

Pero sana nga makauwi na talaga kami.

"At isa pa kailangan niyo talagang umuwi" sabi ni akihiro dahilan ng pag tahimik nila.

Oo nga pala death anniversary kahapon ng parents ni seb tapos nasa pinas ang lolo at lola niya baka hinihintay rin siya.

Tumayo si aki at seb at pumunta sa balcony mukhang may pag uusapan silang dalawa kaya ito naiwan ako sa tatlo.

"You have sibling?" tanong ni sky

"Don't mind him. Sasabihin lang niya na ireto mo siya" heaven.

"Meron. Twin sister" sagot ko.

"May kambal ka!?" gulat na tanong ni Sevi. "Oo nga" inirapan ko siya. Sakit sa tenga eh!

"Fraternal or Identical?" heaven

"Identical twin" sagot ko.

"Woah so where is she?" tanong ni sky.

"Heaven" napaubo ito dahil sa sagot ko. Pati ang dalawa natahimik. Loh bakit nanahimik?

Nag titinginan pa silang tatlo na parang nag uusap sa mata. "That means she's dead. Okaayy" heaven.

"Ano kinamatay niya?" sevi

"Leukemia"

"I see"

Parang may mali. Hindi ko alam kung ano pero sigurado akong may mali. Parang may hindi tama kasi iba pakiramdam ko eh. Gani-ganito lang ako pero iba pakiramdam ko. Ang bigat tapos sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Sana walang masamang mangyari bukas. Iba kasi itong pakiramdam ko ngayon eh.

Safe Place To Hide (Chasing Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now