Chapter 19

204 2 0
                                    


Nandito ako sa tapat ng bahay nakaupo ako at kasama ang mga bata. Ano kayang ginagawa ni gab dito?

Ano ka ba karalyn, malamang nandito siya dahil kay tatay. Naging malapit din naman siya kay tatay at hindi ko siya pwedeng paalisin baka bigla akong multuhin.

Tama! Nandito siya para lang makiramay at wala ng iba karalyn. Iyon lang 'yon. Nandoon si gab sa chapel at si mama? Ilang araw ng wala dito ano pa ba eh kasama niya si chua.

"Mukhang malalim ang iniisip mo" napatingin ako sa nagsalita. Si sevi nasa harap ko at nakatingin pala saakin. Umupo ito at tumabi saakin.

"Dahil ba sa gabriel na iyon?"

"Ha? Hindi ano"

"Sus kahapon ko pa napapansin. Iba ang tinginan ng gabriel na iyon. Kung ako sayo iwas iwasan mo siya" napakunot ako ng noo.

"Bakit?"

"Anong bakit? Enemy kaya 'yon ni sebastien. Namin pala hehehe"

"Paano niyo naman naging enemy si gabriel? Tsaka kilala niyo ba siya personally? Sabi kasi ni sebastien business matter daw"

"Hmmm parang gano'n na nga pero high school friend namin siya" ha!? Omg!!!

"H-high school friend ibig sabihin classmate niyo?"

"Oo. Kami kami ang magbabarkada mga bulakbol nga kami eh"

"W-wala ba siyang nabanggit sainyo? Like girlfriend ganon?"

"Meron" haaahh!!!? Omg ano ng gagawin ko? "Pero hindi niya sinabi kung sino basta sinabi niya may girlfriend lang siya" dagdag niya na nakapag pahinga saakin ng maluwag.

"So paano niyo siya naging kaaway eh pansin ko mainit ang dugo nila sa isa't isa"

"Okay naman noon, masaya kami madalas kaming nasa guidance dahil sa mga kalokohan namin. Ang solid pa namin noon. Pero biglang nagkaroon ng alitan yung dalawa dahil sa isang babae. Pareho silang nagkagusto sa isang babae at ikinagalit ni sebastien iyon dahil nga may nababanggit si gabriel na may girlfriend Kuno siya." Kwento ni sevi na may ngiti pero unti unting napawi ang ngiting iyon.

"Tapos ayon sa maliit na dahilan lumaki ang away nila sumabay pa ang business. Yung parents ni gabriel gustong pabagsakin ang company nila sebastien knowing na alam ni gabriel na importante kay sebastien ang company nila. Sinabotahe nga nila ang company nila sebastien kaya nagkaroon ng malaking pagkawala ng pera sa kumpanya at maraming investors ang nawala na muntik ng ikabagsak ng ilang kumpanya nila"

"Kaya walang nagawa si sebastien noon kundi tulungan ang grandparents niya at iniwan ang highschool. Imbes na pang high school pinag aaralan niya, ang pinag aralan niya mga business nila at kung ano-anong libro binasa niya para sa pagsasalba ng kumpanya. Kaya hindi ako mag tataka kung bakit halos hindi na matulog at kumain si sebastien at puro trabaho ang inaatupag dahil ayaw niya na ulit mangyari ang nangyari noon"

Hindi ko alam na umabot sa gano'n ang alitan nila. Kaya pala ganon ang galit ni sebastien kay gabriel kahapon. Alam kong napaka importante ang kumpanya para kay sebastien dahil iyon nalang ang natira sakanya na bigay ng magulang siya. Iyon lang ang ala-ala ni sebastien sa parents niya.

"Eh hindi naman ako mayaman tulad ni seb,sky,aki, at heaven. Tignan mo nag tratrabaho lang ako kay sebastien. Pero si seb talaga ang dahilan kung bakit ako napasama sa grupo nila. Ni-hindi nga niya tinignan estado ko sa buhay. Scholar lang naman ako sa university sa pag mamay-ari nila. Kaya noong napag desisyunan niyang siya ang mag manage ng kumpanya, sumama rin ako sakanya. Pero gusto niya mag aral parin ako kaya naging working student ako. Ako at yung grandparents niya ang naging katuwang niya at siyempre sa tulong narin ng mga kaibigan namin." Napatingin ako kay seb na nag la-laptop at trabaho ang ginagawa. At may mga tumatawag sakanya na kung sino sino about business siyempre.

Safe Place To Hide (Chasing Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now