Chapter 2

392 3 1
                                    



Pumasok ako sa trabaho ngayon kahit masama ang pakiramdam ko. Hindi pa ako kumakain at ang lanta lanta ko. Wala din naman akong gana. Nararamdaman ko ang pananakit ng ulo ko at nahihilo ako. Masakit din ang katawan ko dahil sa kaka trabaho.

"Dapat kasi hindi ka na pumasok ang tigas kasi ng ulo mo"

"Sayang tong araw eh" namamaos kong sabi.

"Mag pahinga ka muna diyan" ani lia. "Tang- ang init mo na oh maawa ka naman sa katawan mo! Papatayin mo na ang sarili mo eh!!"

"Ayos lang ako kaya ko naman tsaka tatlong oras nalang"

"Ewan ko sayo! Diyan ka lang!" Tumango ako.

Habang naka upo ako at nakahawak ako sa noo ko at pumikit saglit ay may tumawag saakin at pinapatawag ako sa VVIP. Kaya lanta at pinipilit ko amg sarili kong humakbang para maka akyat sa hagdanan.

Pumasok ako sa VVIP without knowing na siya pala ang lalaking nasa VVIP. Nakita ko siyang nakatayo sa salamin at nakatingin sa mga tao.

"Sit"

"May kailangan po na kayo sir?" Mahina kong sabi

"Sit" aniya at humarap saakin. Medyo madilim kaya di ko makita ang expression ng mukha niya.

"Sir may iuutos po ba kay-"

"Just sit at magpahinga ka"

"May trabaho pa po ako-"

"Just do what I said" giit niya na may halong galit ang tono ng boses kaya umupo ako.

Kumuha siya ng tubig at may kinuha sa jacket niya.

"Take this and rest"

Gamot? Pano niya nalaman na may sakit ako?

"I've been observing you the whole time. Nanghihina ka na"

Ininom ko ang gamot na binigay niya. Umupo siya sa tabi ko. "You need to rest"

Tatayo sana ako ng tignan niya ako ng masama kaya bumalik ako sa pag upo.

"Hindi pa po ako nakapag desisyon sir"

"Stop calling me sir and stop saying po and opo" tumango ako. Napatingin ako sakanya habang busy siya sa laptop niya.

I wonder kung ano ba ang magiging papel niya sa buhay ko dahil sa biglaang pag pasok niya sa buhay ko.

"Why are you staring at me like that?" Napa blink ako ng mata ko ng ilang beses dahil di man lang niya ako tinignan para malaman niyang naka titig ako sakanya.

Umiwas agad ako. "Pwede ba akong mag tanong?"

"You are already asking me"

"Uhm. Bakit ako? I mean, marami namang iba diyan at isa pa hindi ako mayaman na babae. Isang kahid isang tuka ako-"

"Because I found something on you that other girl's don't have" ano naman ang ibig niyang sabihin?

"Kapag ba pumayag ako sa kundisyon mo, makakauwi ba ako sa pilipinas? Magkakapape ba ako dito?" Napayuko ako. "Gusto ko lang makasigurado kahit alam kong kumakapit ako sa patalim"

"Kung iyan ang iniisip mo, then why don't you say yes?"

"Gusto kong kahit ganito ang desisyon ko, nasa mabuting kamay parin ako. Ayokong mag alala ang lolo ko saakin. Siya nalang ang meron ako at ako nalang ang meron siya."

"Are you asking me to take care of you?"

"Hindi ko hinihinging alagaan mo ako. Gusto ko lang masigurado na hindi ka masamang tao para pag sisihan ko ang magiging desisyon ko sa bandang huli" sincere kong sabi habang naka yuko.

"Hindi ako hihingi ng pera sayo para sa luho ko. Ang gusto ko lang, magkapapel ako rito at makauwi ako sa pinas kung kelam ko gusto. Gusto ko paring magtrabaho ng maayos para masuportahan ko ang lolo ko"

Tahimik lang siya at hindi nag sasalita. Hindi ko mahulaan kung ano ang iniisip niya.

Sana kahit papaano tama ang magiging desisyon ko dahil sa totoo lang? Natatakot ako para sa sarili ko. Dahil hindi ko naman siya kilala at ang buong pagkatao niya.

Tumayo ako at humarap sakanya. "Salamat po sir" sambit ko at nag bow sakanya. Pagkatapos ay tumalikod ako at tuluyan ng nag lakad paalis.

Hindi ako sure kung nakikinig ba siya sa mga sinasabi ko o wala siyang pakialam amg mahalaga nasabi ko yung saloobin ko.

"HUY TEH ANO NA!?"

"Ha?"

"Sige na umuwi ka na pati si manager concern sayo pinapauwi ka na. Wag ka mag alala mag sabod ka parin mag pahinga ka"

"Ayos lang ako at kaya ko naman"

"Teh wag na matigas ang ulo mo kung ayaw mong ipakaladkad kita sa mga bouncer na yan palabas" aniya na binantaan pa ako kaya wala na akong nagawa kundi tumango at kunin ang mga gamit ko.

Nag lalakad ako ngayon pauwi at iniisip parin ang ino-offer saakin ng lalaking iyon. Pumasok ako sa convenience store na nakita ko at bumili ng beer.

Umupo ako sa labas nang may umupo sa harap ko. Mukha siyang hindi japanese.

"Alone?" Tumaas ang kilay ko.

"Want me to join you miss?"

"No, I don't need someone to join me. Please leave" sabi ko pero tumawa siya.

"Stop playing hard to get miss. It seems like you don't have a boyfriend"

"You're rig-"

"Who said?" Napatingin ako sa likod ko.

O.o

"Yes you're right, because I am her husband so back off"

Aniya at may dumating na mga lalaki at lumapit sa lalaking masa harap ko.

Tinaas ng lalaki ang kamay niya na parang sumusuko siya. Umalis agad ang lalaki dahil sa takot. Tumayo ako at humarap sakanya. "A-anong ginagawa mo rito?"

"Dumaan lang dito and I saw you." Umupo siya. "Drinking?" Sabay tingin niya sa beer.

Umupo ako. "Sinusundan mo ba ako?"

"Am I that stupid?" Hindi ako nakapag salita. Nag tatanong lang eh.

"About sa offer mo-"

"If you don't want to say yes, forget it. Don't waste my time. I don't chase people especially you."

"Pumapayag na ako" mabilis kong sagot. "O-oo pumapayag na ako. Pero sana, tuparin mo rin ang sinabi mo" sabi ko.

Safe Place To Hide (Chasing Series #1) COMPLETEDHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin