Chapter 11

246 3 0
                                    

After ng wedding of the century ayon nag inuman sila. Knockdown silang lahat. Hindi pala. Kami lang naman ni akihiro ang nag akyat sakanila papunta dito sa hotel. Ang nakakaloka pa dito sila natulog iisa lang naman ang bed dito kaloka.

Si sevi, sky, at heaven ayon hinayaan naming sa lapag humiga. Kanya kanyang pwesto pa sila. Si seb? Ewan ko kung lasing to o hindi.

"He's not drunk." paninigurado ni akihiro.

"Mga drunk heads. Hoy bangon!" pinag sisipa ni aki yung tatlo. Si Lia ayon nasa kama sinolo. Si seb nakaupo at katabi ko.

"Hmm? Tutulog pa ako hihihi" sevi

"Hey aki. Just sleep there" tinuro ni seb ang sofa.

"Paano kayo?" aki

"Wag mo kami isipin" sagot ko.

"Ikaw matulog ka na. Tabihan mo si lia"

"Pano ka?"

"I can sleep here"

"Eh?"

"Try me"

O_o

Bhie hindi ako makatulog. Ang ingay ni sevi nananaginip!

Kanina pa tawa ng tawa huhuhuhu!

Umiikot ang oras at anong oras na mulat parin ang mata ko. Hindi ako makatulog.

Bigla kong naalala ang phone ko nasaan na nga pala yung luma? Bumaba ako sa kama at hinanap ang phone ko.

Hindi pa pala ako nakakatawag sa pinas baka nag aalala na sila gosh! Nang mahanap ko ang phone ko ay chinarge ko agad dahil lowbat. Yung binili kasi ni seb ang ginagamit ko na ngayon. Nakalimutan ko kasing i-log in account ko doon. Whatsapp ang ginagamit ko nakalimutan ko na dahil nawala sa isip ko.

Hinintay ko muna makapag charge ang phone ko at lumabas. Pag labas ko sa kwarto nagulat ako sa mga lalaking 'to.

Si aki nasa lapag na at nakadagan si heaven kay sky. Si sevi naman....

Ayoko nalang mag talk.

Yakap yakap lang naman niya ang paa ni akihiro na akala mo isang malambot na unan at naka ngiti pa ito.

Si seb naman pinag dugtong ang upuan at doon nahiga. Kinuha ko yung blanket ko sa kwarto at kinumot sakanya.

Kinuha ko ang phone ko at isa isa silang pinicturan. Akala niyo ha!

Nag timpla ako ng kape at pumunta ako sa balcony. Habang nandito ako sa balcony may naririnig akong phone na nah ri-ring. Ilang beses itong tumunog kaya bumalik ako sa sala at pinakinggan mabuti kung saan ang tunog.

Mukhang kay seb kaya agad akong pumunta sa pwesto ni seb. Phone niya niya at nasa bulsa niya kaya agad kong kinuha at sinagot ang phone call.

"Oh god! Buti naman and you answered my call na. You know what yesterday pa kita tinatawagan and you're not picking up. I'm here at new zealand where are you ba so we can meet. I missed you so much babe"

Agad kong pinatay ang call at binalik sa bulsa niya. "Babe?" bulong ko sa sarili ko.

So may girlfriend siya?

Kung may girlfriend siya anong purpose bakit saakin siya nag offer ng kasal?

Nagulat ako nang tumunog ang phone ko sa kwarto. Alam kong phone ko ang tumunog dahil yung ringtone ko ay windshield laugh lang naman ng nag iisang Kim Seokjin.

Agad kong kinuha at sa whatsapp pala. Si Ian. Pumunta ako sa balcony.

"Oh Ian! Sorry ngayon lang ako nakatawag naging busy ako these past few days"

"Okay lang ate. Kamusta ka ate kailan ka uuwi?"

"Hmm malapit na"

"Siya nga pala ate natanggap namin ni kuya alexander yung perang pinadala mo sa kaibigan mo. Ate ang gwapo ng lalaking nag abot type ni kuya alex"

Pera? Wala naman akong perang pinadala sa ngayon nakalimutan ko nga mag padala.

"Pera?"

"Oo ate. Diba kuya alex?"

"Kausapin ko saglit ang kuya alex mo" agad nitong binigay kay alex.

"Sis kamusta?"

"O-okay lang naman ako"

"Oo nga pala ang bongga ng funeral ha tsaka nandito kami sa chapel. Mukhang masyadong malaki ang nagastos mo"

Bigla akong kinabahan sa sinabi ni alex.

"H-ha? Teka nalilito ako. First of all wala akong perang pinadala o pinaabot sa kaibigan ko kaya anong sinasabi niyo? 2nd wala akong ginastusan para sa funeral at kaninong lamay? Nako alex ha!"

"Gaga nag uulyanin ka ba? May lalaking pumunta rito. Vins ba pangalan non? May binigay na pera na allowance para sa pamilya mo, may binigay din pera para sa abuloy tapos sabi nung vins ata yon na siya na raw mag aasikaso ng funeral ng lolo mo-"

Bigla kong Nabitawan ang phone ko sa huling sinabi ni alex.

" Funeral ng lolo mo"

"Funeral ng lolo mo"

"Funeral ng lolo mo"

Paulit ulit nag re-replay sa utak ko.

"Hello? Sis nandiyan ka pa? Hellooo"

Pinulot ko ang phone ko.

"A-anong sinabi mo? Tama ba yung narinig ko? Alex hindi magandang biro yan!"

"Oo. Teka hindi ako nag bibiro" bigla niyang binack ang camera at pinakita ang kabuoan ng chapel at may kabaong at may bulaklak. May malaking picture frame rin si tatay sa gilid.

Sunod sunod na tumulo ang luha ko.

"Alex bakit hindi mo sinabi!"

"H-hindi mo alam!? Sinabi ko kay Lia kasi hindi ka namin matawagan. Hindi mo ba siya nakakasama?"

"Wala! Wala siyang sinabi!" umiiyak kong sabi.

Napatakip ako sa bibig ko at pinipigilang lumikha ng ingay.

Bakit walang nagsabi saakin. Gusto kong sumigaw.

Tatay....

Dahan dahan ako tumayo at humakbang papunta ka sevi.

"Sevi! Gumising ka! Gising!" Pilit kong ginigising si sevi pero masyadong mahimbing ang tulog nito. Napag isipan kong lumabas at naglakad sa sa hallway ng hotel.

"Ma'am are you oka-" dumeretso lang ako ng lakad at hindi pinansin ang staff ng hotel.

Sa pag lalakad ko napunta ako sa pool area pero walang katao-tao. Hindi ko alam pero bigla nalang akong napahagulgol dahil sa nabalitaan ko.

Bakit walang nag atubiling sabihin saakin? Bakit?

Nagpapakahirap ako para sa pag tra-trabaho, hindi ako nakakatulog, hindi ako nakakakain, pagod na pagod ako tapos ganito. Bakit naman gano'n tatay.

Ginagawa ko ang lahat sayo. Kasi okay lang naman kahit hindi ako matulog at kumain basta may maibigay ako sayo para gumaling ka. Okay lang naman eh, kaya kong tiisin pero hindi ko kaya tiisin na nahihirapan ka kaya ginagawa ko lahat lahat para gumaling ka. Bakit naman hindi mo ako hinintay.

"AHHHHH!!!!!!!!!!!!"

Safe Place To Hide (Chasing Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now