Chapter 24

196 2 0
                                    

Hinayaan ko silang mag inuman sa labas kahit naririnig ko sila. Ayoko sana marinig pero kasi rinig sila sa kwarto at nasa tapat lang sila ng bintana ko sa kwarto. Kaya sakto lang para marinig ko.

Pinag uusapan nila yung nangyari kanina. At naririnig kong may dumadaan na mga kalalakihan sign na sila mark at ng tropa niya iyon. Noon pa man basta pag sila ang dumadaan ay nangingibabaw ang boses ni mark at tawa ng mga kasamahan niya.

Hindi tuloy ako makapag focus sa pag ce-cellphone dahil nakiki usyoso ako sa usapan nila. Knock down ma si mark kaya nandoon na siya sa kwarto ni ian.

"And what he did was wrong. Kahit sinong babae pa mali yung ginawa niya kanina. Para lang mapunta ang sympathy sakanya? It's not right babae parin yon" rinig kong sabi ni sky.

"Kung tayo tayo okay lang sana pero ibang tao iyon at hindi natin kilala" Sabi ni heaven.

"Alam niyo curious ako sa sinabi ni Gabriel noon about his girlfriend na hindi natin kilala" pag iiba ni sevi ng usapan.

"Ahh in high school?" Sky

"What are you curious about?" Tanong ni heaven kay sevi.

"Naisip ko lang since babae pinag uusapan natin. Naalala niyo ba nung sinabi ni gabriel yung tungkol sa girlfriend niya about her family?" bigla akong napatayo at lumapit sa bintana" tinted naman ang bintana ng kwarto ko. At isa pa may makapal namang kurtina.

"Hmm?" pare-pareho nilang inaalala yung sinabi ni gabriel sakanila.

"Ahh, I remembered it. When he said na walang time mag date yung dalawa because of his girl's family. At minsan ay naiiwan pa si gabriel sa family nung babae para bantayan yung pamilya niya?" para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil alam kong ako ang tinutukoy nila pero wala silang idea na ako ang girlfriend ni gabriel noon.

"Naalala ko na. Pero nainis ako sakanya. I know na nag o-open up siya saatin pero hindi ko gusto yung sinabi niya na ginawa siyang caretaker ng girlfriend niya knowing na nakakaawa nga yung situation ng girlfriend niya" sabi ni aki.

Bumagsak ang balikat kong bumalik sa kama. Ayoko ng marinig ang pinag uusapan nila. Now I know na gano'n pala ang sinasabi ni gabriel saakin noon. Pero bakit hindi niya ako kinausap?

"You know what, you guys need to sleep. Ayokong umabot sa point na tutulugan niyo na ako" rinig kong sabi ni sebastien.

"Tama! Gusto ko na rin matulog" ani Sevi at bigla itong bumagsak mabuti at nasalo ni aki.

"Knockdown" tumatawang sabi ni sky at heaven. Pinag tulungan ng tatlo na buhatin si sevi at naiwan si sebastien at inumpisahang iligpit ang kalat sa lamesa kaya agad akong lumabas.

"Oh tapos na kayo?" pag kukunwari ko.

Ngumiti ito saakin. "Yeah. Mukhang bagsak na ang mga kasama mo ah" sabi ko at tinulungan siya.

"Maupo ka, ako na mag liligpit dito"

"Nah, let me do this."

"Naparami ata kayo"

"Weak mga kasama ko" pagmamayabang nito kaya agad akong tumawa.

"Sadyang mahina lang silang uminom"

"I know, that's why palaging ako ang natitira" umupo ito at hinayaan ko lang siya.

"Pft! Yabang. Sige na maligo ka na para mahimasmasan ka at mawala ang pagiging mayabang mo" tumawa ito nanh hindi ko inaasahan. Yung tawa niyang kita buong ngipin pati gilagid kitang kita.

"It's already in my blood"

"Alin? Ang pagiging mayabang?"

"Hmm yes" aniya na tumatawang tumango tango at sumasabay pa ang balikat niya sa pag tawa.

Safe Place To Hide (Chasing Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now