Chapter 38

187 2 0
                                    

Napag isip isip ko, if magkikita ulit kami ni sebastien sa huling pagkakataon, sasabihin ko na sakanya na buntis ako kahit takot ang nararamdaman ko.

Kapag may nakita akong dove bird, iyon ang sign na magkikita o magkakatagpo kami ni sebastien.

Ang hands ng mga kaibigan ko sa pag aalaga saakin akala mo paralisado ako ultimong pag galaw ko naka alalay sila.

"Teka nga bakit ba nandito kayong apat? Hindi ba nag tataka si sebastien kung bakit wala kayo? Lalo ka na sevi!"

"Loh! Bakit nanaman ako? Eh tapos na lahat ng trabaho ko. Tatawagan nalang daw niya ako kapag may kailangan siya tsaka mag iinuman lang naman kami" sagot ni sevi.

"Oo nga! Halos araw-araw nalang ang pag inom namin nag aaya pala sa club tapos tamang babae" sky

"Wow babae na ang usapan ayaw mo pa? Nuks tumatanggi ka na ngayon?"

"Siyempre bagong buhay" nakangiti niyang sabi.

"Ang plastic mo sky, sana aware ka" anas ko.

"Tara lia usap tayo" anas ko at inaya siya sa kwarto ko. May pinagawa kasi ako kay Lia at Alex.

"Eh kung huwag nalang kaya? Ayokong ma-stress ka eh" Lia

"Oo nga" ani alex. Siyempre kasama siya, wala naman akong maitatago kay alex.

"Nag aalala lang kami sayo" alex

"Huwag niyo akong intindihin kakayanin ko naman ito eh" sabi ko.

Bumuntonf hininga ang dalawa at halatang labag sa loob pa nila. Pilay ni lia ang voice record.

"Hoy sebastien kamusta kayo ni karalyn?"

"What do you mean?"

"Anong what do you mean?"

"You know nothing do you?"

"Huh?"

"Why don't you ask alex?"

"Wala naman nasasabi si alex saakin tsaka hindi nga nin nakakausap si karalyn. Huling usap ko sakanya nung muntik ng makulong si karalyn, at iyon din ang huling magkasama sina ni alex eh"

"Really?"

"Oo kaya nag aalala kami kasi kahit sa bahay nila wala silang dalawa ni ian."

"You're lying right?"

"Baliw 'to! Magtatanong ba ako kung hindi ko alam? Edi kung may away kayo galit ako sa 'yo ngayon kaloka 'to"

Napatingin ako kay alex at lia. Kinwento nga ni seb ang nangyari. Nung araw kasing iton na magkakasama sila ay kasama ko ang lolo ni sebastien at siya ang nag hatid saakin. Gusto niya kasing malasiguro na maayos ang tinutuluyan ko kaya nag text ako sakanila na nakauwi na ako.

Nag bar kasi sila kaya late umuwi si lia at alex.

"Eh kung gano'n what if buntis si karalyn hindi ka ba napapaisip doon?"

"Why would I lia? Sorry to say this but think of it, paano kung hindi lang isang beses may nangyari sakanila? Knowing that they had 3 yeara of relationship."

"Ibig sabihin hindi sayo ang baby if ever?"

"Hmm"

"Pero sayo mismo nanggaling, 'paano' edi hindi sure. At what if sayo?"

"I don't know."

"Paano kung bigla siyang magpakita sayo at sabihing buntis ako ikaw ang ama anong sasabihin mo?"

"Tsk. Umalis nga siya tapos biglang magpapakita saakin at sasabihin buntis siya?"

"Eh ikaw nga mismo nagpaalis sakanya"

"Eh bakit din siya umalis?"

"Eh kasi sinabi mo sakanya"

"Kung totoo ang sinasabi niya, dapat nag stay siya sa tabi ko. Dapat pinanindigan niyang gusto niyang magpaliwanag"

"Hindi naman maiiwasan matakot. Ikaw naman"

Sinabi ko sa dalawa na nakapag desisyon ako pero kung gano'n parin at walang nag bago. Hindi ko nalang sasabihin kay sebastien.

Ayoko ng magmakaawa lalo kung alam kong sa huli, talo ako. Ayokong ilaban ang sarili ko. Hindi na niya ako pinakinggan noon, maniniwala pa ba siya ngayon?

Nagkaroon tuloy ako ng doubts and hesitations.

"Hindi ko alam kung itutuloy ko pa" sambit ko. Hinawakan naman ng dalawa ang kamay ko.

"Sa totoo lang, after akong kausapin ng lolo ni sebastien? Nakapag desisyon ako na sa huling pagkakataon na magkatagpo kaming dalawa sasabihin ko sakanya ang tungkol sa pagbubuntis ko kahit alam kong iisipin niya kay gabriel 'to"

"Sorry lyn, wala akong magawa. Ang totoo niyan kinausap ko naman siya. Pinaliwanag ko naman at ayokong maging one sided. Gusto ko nasa gitna ninyo ako pareho. Sinabi ko naman na nabanggit ni aki saakin ang totoo pero iba talaga ang pinaniniwalaan niya" Lia

"Sinabi ko rin sakanya na yung perang inabot mo saakin ay ipon mo pero iba rin ang iniisip niya saakin. Alam mo bang gusto kong magpakalalaki at suntukin siya dahil nasasaktan ako para sayo dahil sa mga sinasabi niya? Sinabi ko sakanya, hindi ka naman niya hinayaang magpaliwanag. Bakit hindi ka niya paniwalaan kahit isang beses man lang." sabi ni Alex.

"Lyn sa totoo lang gustong gusto na namim sabihin kay sebastien. Maging yung apat? Gusto na nila sabihin pero nag pipigil lang sila para sayo. At wala na raw silang pakialam kung mag away away pa sila. Alam naming lahat na nasasaktan siya, pero hindi lanh naman siya eh. Look at you! You are suffering alone, tapos may tatlong bata ka pa sa sinapupunan mo" Lia

"Pasensya na kayo kung pati kayo naaabala ko dahil sa sitwasyon ko. Kaya ko naman talaga eh-"

"No, hindi mo kaya kara. Kaya nga nandito kami. Kahit walang ama ang mga bata teh! Duhh!  May apat oh, ngayon palang nagpapakatatay na sa baby mo siyempre plus me! Edi lima kami at ito siyempre si lia. Ang dami namin kara hindi ka nag iisa." Ani alex kaya napangiti ako.

"Tignan mo yung apat may kanya-kanyang duty. Si aki kasama mo sa prenatal class akala tuloy mag asawa kayong dalawa. Si heaven siya nagpapakain sayo siya ang palaging nag hahanda ng mga kakainin mo. Si sky siya palagi ang umaalalay sayo sa pag akyat baba mo sa hagdan tapos tuwing gusto mong maglalad lakad siya ang kasama mo, si sevi duty niyang bumili ng cravings mo." Lia

"Oo nga, may four daddys na ang triplets." Alex

"Kaya nga sobrang laki ng pasasalamat ko sainyo dahil sa mga tulong niyo saakin. Hindi ko alam anong ginawa kong tama para maging deserve ko 'to." Naiiyak kong sabi.

"Ano ka ba teh! Pati tuloy kami naiiyak!" Ani alex at nagyakapan kaming tatlo.

Kung wala sila, siguro nga kami nalang ni ian ang magkasama kaya napaka thankful ko sa mga kaibigan ko dahil pati kapatid ko ay sinasama nila sa pag aalaga saakin.

Safe Place To Hide (Chasing Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now