Chapter 28

194 2 0
                                    



Ayon, si inday sobrang taas ng lagnat dahil sa kaartehan ayon nagkasakit. Dami pang pakeme keme noong una pa emote emote pang nalalaman ang ending nagkasakit si inday.

Balot na balot ako sa comforter. Ito namang si sebastien parang normal lang sakanya ang makakita ng mataas na lagnat. Oras oras inoonserbahan ni sebastien ang temperature ko pero hindi ito bumaba.

Grabe rin ang uno at sipon ko at sobrang sakit ng ulo ko. "Kain na" aniya nang makapasok siya sa kwarto dala ang tray na may pagkain.

"Nagluto ako ng soup"

"Wala akong gana" paos kong sabi. "You need to eat dahil iinom ka pa ng gamot. Kapag hindi pa bumaba ang lagnat mo mag drip ka na" aniya kaya napatingin ako sakanya.

"Ayoko nga! Ano ka doktor para tusukan ako ng karayom? Ayoko nga!" Aniko ar napaubo ng diretso.

"I thought you trust me?"

"Hindi sa ganitong paraan seb!" Inis na sabi ko.

"Trust me. So gusto mo si sevi?"

"Mas lalong ayoko!"

"Kaya nga kumain ka na kung ayaw mo" inirapan ko siya at sinubuan ako. "May sakit lang ako seb hindi ako paralisado"

"Tsk" aba nagsusungit na!

Ayan ang napapala ng mga nag e-emote sa ulan. Ayan kina-cool mo yan karalyn, deserve mo iyan!

Pagkatapos kong kumain ay uminom na agad ako ng gamot. Pansin ko ngang hindi na nakakatulog si seb dahil sa pag babantay niya saakin.

Pagkatapos ay humiga na ako at napatingin ako sa likod niyang lumalayo saakin. Medyo fit ang suot niyang damit kaya kita ang hubog ang katawan nito.

Maganda naman ang pangangatawan ni seb eh, may biceps, maugat ang kamay pati... kimmy lang. tapos malapad ang balakang, may abs pero nagugulat lang ako minsan dahil sa paglalakad niya. Para siyang matanda kung mag lakad tapos aangas bigla ang paglalakad niya, meron pa bigla bigla rin yung lakad niya biglang magiging parang nag aamok ng away.

Gaya niyan, pag labas ng pinto naging matanda paglalakad niya. Pero pogi parin. Kung siya lang magiging doktor ko nako! Heal me doc!

Luluhuran, pagsisilbihan, pakakasalan, pakakainin, aanakan, paliliguan, ikakama, tutuwaran, joke lang. kasalanan niyo talaga 'to!

Pero sa totoo lang ha, pogi siya.

Kahit ganyan siya, siya 'yan eh. ^^

"Daydreaming again?"

"Hindi 'no!"

"Siguro iniisip mong hubad ako?"

"Wow kapal mo naman asa ka"

"Kasi palagi kang hubad sa isip ko"

"Manyakis" sabi ko umupo ito sa tabi ko.

"Magpahinga ka kaya, hindi ka na natutulog namamayat ka na"

"Worry about yourself"

"Pft hirap mo naman pasiyahin sebastien" naglalambing na nga ako ginaganyan pa ako. Binabalik lang saakin ang sinasabi ko, so ano ako?

Nakita kong napangiti siya.

"Alam mo-"

"Hindi ko pa alam" inirapan ko siya.

Safe Place To Hide (Chasing Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now