Chapter 33

177 2 0
                                    

Nandito si Aki at may mga dalang pagkain at prutas. May mga laruan pa ng pang baby. Napaka excited ng taong to.

"Nuks ang ganda naman ng buntis na iyan" aniya ng makita ako. Umakyat ito sa hagdan at inalalayan ako bumaba. "Dapat palagi kang may kasama bumaba sa hagdan lalo't malaki na ang tiyan mo"

"Si alex"

"Eh paano pag wala si alex? Mahirap pag mag isa ka dito. Di bale dadalaw naman ako palagi dito" aniya.

Pati sa pag sakay at pag upo sa sasakyan ay naka alalay ito. "Ang blooming, gumaganda ka lalo"

"Hayy grabe nakakasawa na marinig ang ganyang puri"

"Bakit? Eh totoo naman eh"

"Eh ayan palagi yung naririnig ko sa mga nakakausap at nakakasalamuha mo"

"Nagiging honest lang sila ikaw naman"

"Nahihirapan ka ba?"

"Hmm?"

"Yung upuan"

"Medyo, masyadong straight yung upuan"

"Gusto mo ibaba?" Tumango ako

Kinapa ko yung pag hihilaan pero di ko makapa. "Teka di ko mahanap"

"Ako na" aniya at lumapit saakin. "Relax ka lang wala akong gagawin sayo" natatawa nitong sabi.

"Ba naman ang lapit ng mukha mo!" Inis na sabi ko.

"Ikaw ah kinakabahan ka saakin uyy crush mo na ba ako? Wag ka mag alala handa ako akuin yang baby mo" pinalo ko agad siya sa braso niya at humagalpak ito sa tawa.

Yung posisyon namin parang nakayakap siya saakin pero sinosoportahan niya ang likod ko at binaba ang upuan.

"Okay ma ba iyan?"

"Okay na hehehe"

"So ano palang balak mo after mo manganak?"

"Wala, siyempre palalakihin namin ni alex yung baby ko"

"Wala ka bang balak sabihin sakanya?"

"Bakit ko sasabihin eh pinakulong ako!"

Bigla niyang prineno ang kotse. "Aki!"

"Ano? Anong sinabi mo?"

"Ha? Wala! Sabi ko bakit ko sasabihin sakanya pagkatapos niya akong itaboy?"

"No, you didn't said that. Pinakulong ka? What!?" Gulat niyang sabi.

"Ahh wala matagal na iyon"

"Tell me what happened wala akong alam doon"

Wala akong choice kundi sabihin sakanya.

FLASHBACK......

Nandito kami sa mall ni alex para bumili ng dress dahil buntis ako, oo dai buntis ako at lumalaki na ang tiyan ko. Ito namang si alex excited para raw hindi na hustle. Pero gusto niyang dress na isuot ko galing sa mall jusko. Ayaw daw isipin ng inaanak niya na tinitipid ako ni alex huhuhuhu!

"Ano may napili ka na?"

"Ayoko ang papangit"

"Teh pangit talaga iyan eh malaking size yan hindi mo size!"

"Sabi ko nga eh baklang to nagagalit agad"

"Sinong bakla?" Aniya na biglang nagpaka lalaki.

Napailing nalang ako.

Habang nagmimili ako ng dress nakaramdam ako ng mali dail naiihi ako! Nagpaalam ako kay alex na mag c-cr lang ako, malapit lang naman kaya hindi na need na samahan niya ako.

Safe Place To Hide (Chasing Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now