Epilouge

291 3 0
                                    

Pag dating namin sa bahay nag alala naman ang mga kaibigan namin at kinwento ko kay lia at alex ang nangyari. Sila sevi naman ay galit sa nalaman nila. Kaya pinapatahan nila ako pero pinili ko munang mag isa sa kwarto at agad naman nilang binigay iyon saakin. Ang apat ay hindi na sang ayon sa ginagawa ni sebastien pero sinabi ko sakanila na wala rin silang magagawa at hindi nila mapipigilan si sebastien kahit sabihin nilang buntis ako dahil ang iisipin parin ni sebastien ay si gabriel ang ama ng mga batang nasa sinapupunan ko.

Tama si sky, kailangan kong magdesisyon para maprotektahan ko ang mga bata. Kaya kailangan kong kausapin ang lolo ni sebastien.

Nakapag desisyon na ako na kapag nanganak ako at pwede ng ibiyahe ang mga bata at aalis na kami agad. Tutal, lolo naman ni sebastien ang nag offer saakin kaya igo-go ko na para sa mga anak ko.

*KNOCK KNOCK

"Karalyn it's time to eat"

Rinig kong sabi ni heaven. Binuksan ko ang pintuan at nakangiting bumungad si heaven saakin.

"I know you're not okay. Laban lang" tumango ako at ngumiti dahil sa sinabi niya.

Inalalayan niya akong bumaba at lahat sila ay nakangiti saakin. Eh? Anong meron? Bakit nakangiti sila na parang ewan?

"Kain na!!" Masayang sabi ni sevi.

Pag upo ko ay nag dasal kami at pagkatapos ay nag salo salo kami.

"Matanong pala anong ipapangalan mo sa triplets?" Tanong ni sevi.

"Yung dalawang lalaki, sevastian klyde at seabastien ford yung babae sebrina kalea"

"Ang shala kinuha lahat sa pangalan ng tatay" ani alex.

"Medyo, nag focus din ako sa S and K" napatango sila.

"Eh maganda ang pangalan ni sebastien tapos mahaba" sabi ni heaven

"Oo nga, gusto ko nga rin mahaba pangalan ko nakaka pogi pero ang iksi ng pangalan ko" sabi ni sky. Seryoso ba siya? Kasi kung oo natatawa ako.

"Bakit? Ano bang pangalan mo?" natatawang tanong ni lia. Pati tuloy ako natatawa.

Ano bang pangalan mo? Anong klaseng tanong iyon!?

"Tangina neto anong klaseng tanong iyon!? Ano bang pangalan mo?" lahat kami ay nagtawanan dahil sa sinabi ni sky.

"Ano bang pangalan mo?" pag uulit ni sevi dahilan para mapa tawa kami ng sobra dahil sa pag imitate niya kay lia.

"Tongina nito anong klaseng tanong 'yon? Anong pangalan mo?" sabi ni heaven na inimitate ang kapatid niyang si sky kaya humagalpak na kami sa tawa.

Mapapaanak ako ng wala sa oras.

"Teh! Ilang lingo na natin sila nakakasama hindi mo pa alam pangalan niya" tumatawang sabi ni alex.

"Kaya pala HUY minsan OI ang tawag niya kay sky" tumatawang sabi ni aki.

"Grabe yung huy at oi ano 'yon depende sa mood? Pag okay sila huy na mahinahon pero pag galit oi na pasigaw HAHAHAHA!" Muling nagkaroon ng tawanan sa sinabi ni sevi.

Halos hindi na kami makakain dahil sa pagtawa namin. Nabubusog kami sa tawa. Ang ending hindi kami nakakain. Hanggang sa pag ligpit ng pinagkainan ay puro tawa parin ang nangyayari.

Ang sarap ng kakatawa namin pero infaireness sumaya ako kahit na ang sakit ng nasaksihan ko ha. Nakita ko kung paano niya halikan yung babae. Kitang kita ko kung paano gumalaw ang labi ni sebastien.

Siguro mas magaling humalik yung babae kaysa saakin kaya gano'n. Hindi ko nga alam kung kinapos sila ng hininga eh!

Eh ano naman ngayon?

Halik lang pala ang labanan mag pra-practice ako sa bote duhh!

Hindi ako papayag 'noh! Nilalamangan ako.

Pero nakakapang selos hq. Nakakahurt siya. Pero kahit gano'n ang ginawa niya hindi parin nagbago ang nararamdaman ko sakanya. Gano'n parin, mahal ko parin siya.

Minsan kahit sinasaktan na tayo ng taong mahal natin, hindi natin namamalayan mas lalo pala talaga natin silang minamahal sa kabila ng maling ginawa nila.

At mapapaisip tayo ng 'Ahh ito pala talaga siya. Ganitong klaseng tao pala siya' yung nadismaya ka pero mahal na mahal mo parin.

Pero kahit gano'n, naiisip ko parin na ni minsan naging safe place to hide ko siya.

Why?

Kasi sa lahat ng nangyari sa buhay ko, nandoon siya. Saksi siya kung paano ako umiyak noon dahil kay mama, kung gaano ako nahihirapan, kung gaano ako kapagod, pero yung time na 'yon?

Siya lang yung nasa tabi ko. Siya lang yung nakinig saakin. Siya ang naging balikat ko.

At siya lang ang taong hindi humusga saakin at sa nakaraan ko.

Mas inintindi niya ako at doon ko naramdaman na safe pala ako sakanya.

Kaya kahit sinasaktan niya ako ngayon, hindi ko parin maiwasang hindi isipin ang mga bagay na nagawa niya para saakin. Naging mabuti parin naman siya saakin kahit papaano. At okay na ako doon.

Kung totoo man o hindi ang mga pinakita niya saakin, forever akong magiging thankful sakanya. Dahil atleast, kahit sa konting panahon nakilala ko siya at naramdaman ko yung love and care niya saakin.

Paakyat na sana ako sa hagdan nang biglang sumakit ang tiyan ko.

"Ahhh!"

"Omg!!! Manganganak na si kara!!" Ani alex at napatingin sa ibaba ko dahil pumutok na ang panubigan ko.

"SHIT!!" Sabay sabay nilang mura.

"Guys kunin ang dapat kunin!!" Lia

"Aaahhh!!"

Binuhat ako ni akihiro at sinakay ako sa kotse. Kinuha naman nila ang ibang gamit.

"Aki bilis!!!" Lia

"Gago shet!!! Bilisan mo!" Sky

"Teka lang ha! Natataranta ako!"

This is it. Hindi na ako makakawala. Lalabas na ang triplet sa sinapupunan ko. Kailangan ko nang harapin ang realidad kasama sila. Magsisimula ako kasama ang tatlong anghel sa buhay ko. Alam kong mahirap sa umpisa pero kakayanin ko para sakanila.

Narealize ko, never pa ako naging mag isa.

Masyado lang talaga akong nabulag sa mga sama ng loob ko, sa hinanakit ko at sa sakit na naramdaman ko. Sa totoo lang, marami akong lesson na natutunan at mula ngayong nandito na ang tatlong anghel ko, sa tingin ko mas marami pa akong matututunan.

Hindi na ako pwede maging mahina at duwag ngayong nadagdagan ang dahilan ko para lumaban. Lumaban para sa mga anak ko. Hindi na pwedeng sumuko, hindi na pwedeng basta basta umiyak.

Naisasantabi pala ang galit ano?

Dahil sa ilang buwan na pag bubuntis ko? Yung galit na naramdaman ko kay sebastien naisantabi ko para sa mga bata sa sinapupunan ko. Sila ang naging tulay para lumambot ang puso ko kay sebastien kahit na nasasaktan ako.

Siguro, sila ang magiging dahilan para maibigay ang peace na gusto ko.

Sila ang magiging dahilan para pag dugtungin ulit kami pero sana... balang araw..

Hindi pa huli ang lahat.

THE END


Safe Place To Hide (Chasing Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now