Chapter 30

240 4 1
                                    



Nakiusap ako kay akihiro na huwag nang sabihin kay seb ang nangyari dahil ayokong magkagulo pa lalo kaya nanatiling sikreto nalang namin. Nagpapasalamat ako kay aki sa pag ligtas niya saakin.

Kung hindi siya dumating, tiyak na nagawa na ni gabriel ang plano niya saakin. Hindi ko akalain na kayang gawin ni gabriel 'yon saakin. Hindi akalain na kaya niyang umabot sa gano'ng punto. Hindi siya yung gabriel na kilala ko noon. Ang layo ng gabriel na nakilala ko. Ibang iba siya ngayon.

"You're beautiful" ani sebastien at ngumiti kaya napangiti ako. See? Kahit na may nangyari saakin kanina na masama tuwing kasama ko si sebastien at nginingitian ako napapawi lahat ng iyon.

Tinulungan ako ni sebastien na itaas ang zipper ng gown ko.

Pag dating namin sa venue ng party ay nabigla ako sa dami ng tao. At dito ko napag alaman na birthday pala ng lolo ni sebastien at wala man lang ako regalo.

"Bakit hindi mo sinabi saakin na birthday pala ng lolo mo? Wala tuloy akong regalo"

"Apo" O_O

"Siraulo!"

"What iyon naman talaga ang gusto ni lolo na regalo, apo"

"Tseh! Tumigil ka nga" pag tataray ko at inirapan siya. Nauna na ako naglakad sakanya. Apo? Eh dalawang beses pa nga lang may nangyayari saamin duhh!!

Tsaka duhh!! Okay lang naman saakin, siya lang iniisip ko. Ewan ang gulo basta!

Maraming bumati kay sebastien at pinakilala ako ni sebastien at nagugulat silang lahat pag nalaman nilang may asawa na pala si sebastien.

"Sebby dito" napatingin kami sa nagsalita. Si sevi na kumakaway saamin at kumpleto na pala sila doon. Naglakad kaming dalawa ni seb papunta sakanila. At nagkatinginan kami ni akihiro at tumango ito. Nagkataon pang katabi ko si aki.

"You okay?" Bulong niya at tumango ako. "Okay lang ako aki, salamat" sagot ko at nginitian siya. Medyo awkward lang dahil walang alam ang mga kaibigan niya sa nangyari at kami lang ni aki ang may alam pero okay na siguro. Ayokong mas lalo pang lagyan ng lamat ang pagkakaibigan ni sebastien at gabriel.

At sa liit liit ng mundo nagkataon ding nandito si maggie at inirapan ako, papatalo ba ako? Edi inirapan ko rin.

Anong akala niya madadala ako sa katarayan niya? For her information, wala pa siya sa kalingkingan ko sa pagiging maldita.

Hindi siya pinansin nila seb at ng kaibigan nito.

Nang mag start ang party ay nagsalita ang lolo ni sebastien at tinawag niya ito sa stage. Nagulat ako nang tawagin din ako at pinakilala bilang apo na rin niya at asawa ni seb.

Nagulat nga ako dahil sa sinabi ng lolo niya. "Tutuldukan ko na ang bali-balitang gusto ng apo ko ay lalaki rin. Sebastien is not a part or member of LGBT. There's a humor and gossips that are spreading telling that my grandchild is a Gay but no. He's already married and inaasahan kong regalo ay apo rin dahil alam kong hindi na rin ako tatagal at gusto ko pang maabutan ang apo ko sa tuhod" Napa awang ang labi ko sa mga sinabi ng lolo ni sebastien.

Seryoso ba? Apo!?

"I told you" malaking ngiting sabi ni sebastien habang nakahawak sa bewang ko. "Tseh"

Bigla kaming napatingin sa malaking screen sa likod namin ni sebastien dahil biglang may nag play na audio.

"So kamusta ang relationship niyo ni sebastien?"

Nagulat ako nang marealize kong boses naming dalawa ni alex ang narinig ko.

"So patungkol sakanya talaga ang pag uusapan natin?"

Safe Place To Hide (Chasing Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now