Chapter 15

241 3 0
                                    

"Karalyn"

"Sorry seb kung kinailangan mong makita at marinig iyon" ngumiti ako sakanya.

Lumapit siya saakin at niyakap ako pero traydor ang luha ko at kusa nanamang bumagsak.

"Ang sakit"

"Nakakapagod seb"

"Mali ba ako? Mali ba lahat ng ginawa ko?"

"No..."

"Gusto ko rin naman maging bata sebastien pero tignan mo, sa edad kong to dapat nag e-enjoy ako eh. Dapat nasa labas ako kasama ang mga kaibigan ko pero inako ko ang pagiging Ina sa mga kapatid ko."

"Nung namatay nga yung kambal ko ni hindi man lang siya pumunta sa libing ng anak niya"

"Masama ba akong tao para maranasan lahat ng to? Deserve ko ba 'to seb?"

"Grabe yung pressure ko seb, iniisip ko ano ang magiging future ko, kung anong kahihinatnan ng buhay ko dahil bata pa ako noon at hindi alam kung paano ang takbo ng buhay. Pero napilitan akong akuin ang responsibilidad ng magulang ko."

"Nawalan ako ng kapatid, may bunso pa akong kapatid, may lolo ako na may sakit, hindi ko alam ang gagawin ko seb. Nag pursigi naman ako, kahit ubos na ubos na ako binigay ko lahat sakanila. Kahit baon na ako sa utang para sa gamot ni tatay pero bakit kasalanan ko?"

"Alam ko namang may responsibilidad ako sa pamilya ko pero sobra naman ata tong responsibilidad na to"

"Gabi gabi akong umiiyak dahil gusto kong makauwi sa pinas, umiiyak ako at paulit ulit na tinatanong ang diyos kung bakit ganito ang nangyayari saakin. Na kung bakit iniwan kami ni mama."

"Naging masama ba akong anak?"

"No you're not."

"Gusto kong maging proud ang mama ko saakin pero bakit ayaw na ayaw niya saakin? Bakit galit na galit siya saakin. Anak niya ba talaga ako?"

"Ayoko ng ganitong buhay, gusto ko rin naman maramdaman yung pag mamahal ng isang ina seb. Gusto kong yakapin niya rin ako na buo yung pagmamahal niya, pero kitang kita ko sa mga mata niya yung pagkamuhi saakin. Alam kong hindi ako perpektong anak pero hindi ko ba deserve yung pagmamahal na hinihingi ko mula kay mama?"

"Honestly speaking, I'm really not good at telling advices. But today, here with you I just want to listen to your sadness, I want to listen to your loneliness, I want to listen to your painful past." napatingin ako sakanya.

"I don't want to say that You will feel better soon, that everything will be okay, and I don't want to say hayaan mo na. It's not easy to say something. I don't know kung ano ang kailangan kong gawin para gumaan ang loob mo."

"Ayokong magsabi na kaya mo yan ikaw pa, kasi alam kong hindi yan ang makakapag pagaan ng loob mo. I know kaya mo pero sa bigat ng nararamdaman mo ngayon? I don't think na kaya mo. Kaya nga naglalabas ka ng sama ng loob sa parents mo yung hinanakit sa parents mo kasi hindi mo na kaya" tumulo ang luha ko sa mga sinasabi ni seb.

"I want to be your shoulder. If you want to yell, yell at me. If you want to cry, I can be your shoulder. If you need a pillow and a blanket, you can hug me or you can ask me to hug you."

"Life is tough and things don't always work out well, but you should be brave and go on with your life. And no amount of guilt can change the past." bigla akong napangiti. Kay yoongi galing yan eh.

"When you don't feel strong enough to stand, you can reach my hand and I'll reach your hand. You are not alone. Maybe tiniis mo mag isa lahat ng hinanakit mo, but you can share your pain to me."

Safe Place To Hide (Chasing Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now