Chapter 20

211 2 0
                                    

Nagpapahinga ako dito sa kwarto at okay na rin ako. Si seb lang ang may ayaw na patayuin ako sobrang sakit na nga ng likod ko. Nangalay ang likod ko sa pag higa ko jusko.

Biglang bumukas ang pinto kaya napatingin ako. Parang biglang sumama pakiramdam ko. "Can we talk?" tinignan ko siya ng walang ekspresyon ang mukha.

"Anong ginagawa mo rito" malamig kong tanong.

"I just want to talk to you"

"Nagpapahinga ako"

"Please? I want to apologize. I didn't mean na pakainin kita ng sandwich na may peanut. Alam kong allergy ka sa peanut. I'm sorry"

"Tapos ka na? Pwede ka ng umalis" huminga siya ng malalim.

"I'm sorry" nakatingin lang akin sa tsinelas ko at hindi siya tinitignan.

"I'm sorry for what I did in the past. I'm sorry for breaking up with you without any valid reason. I'm sorry kung pinabayaan kita, I'm sorry dahil sinaktan kita. I-"

"Anong point ng pag hingi mo ng sorry gab? Alam naman natin pareho na hindi talaga ako gusto ng parents mo. Kaya umalis ka na sumasakit ang ulo ko sayo."

"Gusto kong mag usap tayo para maging maayos na tayo-"

"Sana noon mo pa ginawa. Diba nakikipag usap ako sayo pinuntahan pa kita sa school niyo, pinuntahan pa kita sa company niyo, pati nga sa bahay niyo pinuntahan kita dahil gusto kong mag usap tayo pero tinataguan mo ako tapos ngayon sasabihin mong gusto mong mag usap tayo? Ano ako tanga?"

"Look, that's why I'm sorry. Naging duwag ako for not fighting our relationship-"

"Oo duwag ka talaga. Hindi ko matatanggap ang sorry mo sa ginawa ng pamilya mo saamin" hindi ko mapigilang tumaas ang boses ko sa galit ko.

"Tuwing nakikita kita bumabalik yung ginawa ng magulang mo saamin gab. Kahit ikaw kumukulo ang dugo ko sayo!" inis na sabi ko sakanya.

"Please karalyn. Don't blame my parents. Wala silang kinalaman sa break up natin noon. Alam kong against sila sa relationship natin pero-"

"Gabriel hanggang ngayon bulag ka parin sa katotohanan? O nag bubulag bulagan ka at nag tatanga-tangahan? Dahil ayaw mong marumihan ang pangalan ng pamilya mo?"

"What are you saying? This is just between us karalyn. Please huwag mong isama ang parents ko dito"

Tumayo ako sa inis ko sa mga sinasabi niya.

"Talaga gabriel? Sila lang naman ang naging dahilan kung bakit hindi natuloy ang pagpapagamot ng kambal ko. Sila lang naman ang dahilan kung bakit ayaw ng doctor na bigyan siya ng gamot. Lahat ng doctor at nurses hindi kami pinapansin" tumulo ang luha ko nang maalala ko kung paano ko habulin ang mga doktor at nurses pero hindi nila ako pinapansin.

"Wala silang pakialam saamin. Ni hindi nila chine-check up yung kakambal ko dahilan ng pag lala ng sakit niya. Lumuhod pa ako sa mga magulang mo gabriel. Pinaluhod nila ako kapalit sa pagpapagamot sa kapatid ko. Hindi mo alam paqno ako ginipit ng magulang mo. Gustong gusto kong humingi ng tulong sayo, kahit iyon man lang matulungan mo ako pero iniwan mo rin ako sa ere. Kaya sabihin mo saakin ngayon gab na huwag kong isali ang magulang mo. Isa sila sa gumipit at nagpahirap saakin, saamin ng kambal ko."

Natulala ito at hindi makapaniwala sa mga sinabi ko. Wala talaga siyang alam sa pinag gagagawa ng magulang niya?

"Kahit saang hospital ako pumunta, binabalewala kami ng pamilya ko dahil sa pamilya mo. Pati pag di-dialysis ng lolo ko hinarangan nila. Kaya dapat bang nandito ka para makiramay o mang insulto? Hindi ako makahanap ng trabaho dahil pilit hinaharangan ng magulang mo yung pinapasukan kong trabaho kaya nga sumama ako kay mama sa japan. Pati mga taong malapit saakin nadadamay dahil sa p*tang *nang kagagawan ng magulang mo!"

Safe Place To Hide (Chasing Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now