Chapter 3

373 3 0
                                    



"Huy teh ayos ka lang?"

"Ha? Ako?"

"Hindi. Yung puno sa tabi mo" sarcastic na sabi ni lia. "siyempre ikaw sino pa ba?"

"Ahh. Oo naman ayos lang ako pero..." napayuko ako. "Ano?"

Sinabi ko sakanya ang lahat at gulat siya at hindi makapaniwala. Parang ayaw pa nga niyang maniwala.

"Pero sure ka na ba talaga sa desisyon mo? Kasi wala ng atrasan iyan. Kasal na yan" tumango ako. "Nag aalala lang ako karalyn, kahit naman sabihin nating sikat siya at sobrang yaman pero siya ang nag offer sayo ibig sabihin may kapalit at may kailangan siya sayo"

"Desperada na ako Lia. Gustong gusto kong makauwi sa pinas alam mo iyan lalo na napapadalas ang pag punta ng lolo ko sa hospital dahil sa kondisyon niya. Muntik na siyang mawala saakin Lia"

"I know and I understand kung ano ang nararamdaman mo. Pero nandito lang ako, if you need anything or kung may ginawa sayo ang lalaking iyon, sabihin mo lang hindi na siya sisikatan ng araw" aniya kaya ngumiti ako at tumango.

"So anong balak niyong dalawa ngayon?"

"Hindi ko alam, hindi pa kami nakakapag usap"

"Ganon? So wala pa kayong plano?" Tumango ako. "At isa pa hindi ko alam anong plano niya eh" sagot ko.

"Oh bakit nandito ka?"

"Mama bakit?" Nag tataka kong tanong. "Eh siyempre mag tra-trabaho ako"

"Hindi mo ba natanggap ang email ko sayo? You're fired"

"HA!?" Pareho kaming nag react ni Lia sa sinabi ni Mama. "T-teka fired?! Mama naman bakit!?" Lia

"O-oo nga po m-maayos naman po trabaho ko may ginawa ba ako?" Naiiyak kong tanong.

"Ehem!" Napatingin kami sa isang misteryosong lalaki sa gilid namin. "Miss Karalyn, pinatayawag kayo ni Boss sa VVIP room"

Nag tinginan kaming tatlo nila Lia at Mama.

Agad akong sumunod sa lalaki. Pag pasok ko ay nandoon nga siya nakatayo at mukhang kanina pa kami pinapanood ni Lia.

"Pinapatawag mo raw ako?"

"Did you get all your things?"

"Huh?"

"Hindi ka na mag tra-trabaho simula ngayon-"

"H-ha? P-pero kailangan kong bayaran yung tinutuluyan ko pati bills ko may binabayaran ak-"

"Inutusan ko ang asisstant ko to pay your rent and bills so you don't have to worry. Ang gagawin mo ngayon pack your things and move in my condo" napa pilit pilit nalang ako.

"P-pero-"

"No buts. Just do what I say. In fact your manager fired you. And you need to get ready for our wedding pinaaayos ko na rin ang papel mo" ganon kabilis!?

Ibig sabihin makakauwi na ako!?

"What's with that smile?"

"A-ahh wala. Ibig sabihin makakauwi na ako sa pinas?" Lumapit siya saakin na walang expression ang mukha niya.

"Remember this, kapag may ginawa kang kalokohan at bumali ka sa kasunduan natin, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. Don't you dare make stupid things hindi mo alam ang kaya kong gawin" giit niya kaya napalunok ako sa takot.

Tinanong ko lang naman kung makakauwi na ako sa pinas. Wala naman akong balak na masama. Napayuko nalang ako.

Lumabas siya sa room kay sumunod ako. Pagbaba namin hinila ko agad si Lia para mag paalam ako at imessage ko nalang siya dahil may trabaho pa siya at ayokong abalain siya.

Paano niya nalaman kung saan ako nakatira para papuntahin ang asisstant niya?

Tahimik lang ako sa kotse at pinag lalaruan ang sarili kong kamay. Pag dating namin ay bumaba agad ako at hinarang sila.

"A-ahh a-ako nalang h-hintayin niyo nalang ako dito mabilis pang nama-"

Sinenyasan niya ang mga tauhan niya na tumuloy at hindi na ako pinapasok. Pag pasok nila nag salita agad siya.

"Looks like you're hiding something"

"Uhmm.. wala"

"Mag bibihis lang ako" sabi ko at pumasok sa kwarto. Kaya nag bihis agad ako. Pag labas ko inuumpisahan na pala ng mga tauhan niya ang pag kuha ng gamit ko.

Lumapit siya sa tauhan niya nang may ibulong ang tauhan niya sakanya. Napatingin ako sa trash can kaya agad akong tumakbo doon.

"A-ahh itatapon ko n-"

"Bakit may dugo?" Hindi ako makapag salita at naka titig lang ako sa mga mata niya na takot na takot.

"W-wala m-may sugat lang ako-" may mga lumapit sakanya na tauhan niya at may binulong.

Tinignan niya ako. "Explain"

"H-hindi ko alam. W-wala akong ginawang masama" naiiyak kong sabi. Lumapit siya saakin at hinila ako sa kwarto at hinubad niya ang jacket na suot ko pero naka long sleeves pa ako sa loob. Nagulat ako ng punitin niya ang long sleeves t-shirt ko.

Naka sando nalang ako sa harap niya at tumambad ang mga pasa at sugat ko sa katawan na fresh na fresh pa.

Agad niyang kinuha ang ang phone niya sa bulsa niya. "H-huwag" sambit ko pero di niya ako pinakinggan. Hinubad niya ang jacket niya at binalot saakin.

Inutusan niya ang tauhan niya na dalhin ako sa kotse pero biglang may nag datingan na mga pulis. Kinausap niya ang pulis at kakatukin sana ng pulis ang bintana nang kausapin niya ang pulis.

Sa tagal ko dito, pinag mamalupitan ako ng may ari ng bahay na inuupahan ko. Hindi ako nakakapag bayad sa tamang petsa kaya pinapasok niya ang bahay at sasaktan ako. Kumukuha pa siya ng mga gamit ko bilang pang bayad sakanya. Hindi ako makapag sumbong dahil nga ilegal ang papel ko baka ako pa ang makulong.

"Huwag kang mag alala miss, hindi ka makukulong. Si sir Sebastien na ang bahala makukulong ang may gawa sayo niyan" napatingin ako sa lalaking nasa passenger seat na gwapo at may katangkaran at naka salamin pa.

Sebastien ang pangalan niya?

"Secretary at asisstant ako ni sir sebastien at kaibigan narin hehehe" aniya at ngumiti na parang pina gagaan ang loob ko.

"Wag kang mag alala mabait siya. Nang very very slight" ngumiti ako ng konti.

Ilang minuto pa ay sumakay na siya sa kotse at tahimik lang ako. Hanggang pag dating condo niya ay sinenyasan niya akong sumunod sakanya at pumunta kami sa kwarto.

"Bakit hindi ka tumawag ng pulis?"

"I'm talking to you nicely so answer me" dagdag niya na may halong inis sa tono ng boses.

"P-pag ginawa ko yon, baka ako ang makulong dahil ilegal ang pag punta ko rito sa japan"

"Yung mag asawang may ari ng tinitirahan mo, may history ng kasong murder" napa tingin ako sakanya.

"M-makululong sila? Paano ako? Makukulong ba ako? A-ayoko makulong mag aalala ang lolo ko" naiiyak kong sabi.

"Don't worry inaasikaso na ng lawyer ko. You're with me kaya hindi ka makukulong. May pupuntang doktor dito para gamutin ang mga sugat mo at para tignan ka. Gusto kang kausapin ng pulis pero tumanggi ako at sinabi ko that you are traumatized"

Yumuko ako. "S-salamat h-huwang kang mag alala b-babayaran kita p-pero pwedeng hulugan?"

"Do I look like a loan shark?"natawa ako at umiling.

"Here, you can use my shirts since you don't have clothes here pero nagpabili na ako sa asisstant ko"

Lumabas siya at naiwan ako mag isa sa kwarto. Nilibot ko ang tingin ko sa kabuoan ng kwarto. Hindi ko alam kung ano ang mga susunod na mangyayari.

Safe Place To Hide (Chasing Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now