Chapter 4

353 4 4
                                    

Ilang araw ang nakalipas ay tuluyan na nga akong hindi pumapasok sa trabaho. Kaya ang ginagawa ko ay nag lilinis dito sa condo at nag luluto ng makakain. Nakakaboring lang dahil hinahanap ng katawan ko ang trabaho.

Tuwing gabi naman napapansin ko ang pag pupuyat ni sebastien at tumitipa tipa sa laptop niya kaya hindi ako nakakatulog. Nabo-bother ako kasi lahi siyang puyat kaya pinag titimpla ko siya ng kape.

Minsan din ay maaga siyang umaalis pero nag iiwan siya ng note o nag me-message saakin ang secretary niya. Ang workaholic niyang tao sa totoo lang.

Hawak ko ang black card niya para pag gusto ko raw lumabas ay pang gastos ako. Sinabi ko namang huwag na dahil may pera ako pero takot din ako dahil pag nag pumilit pa ako ewan ko lang kung buhay pa ako ngayon.

Pero nandito ako sa mall ngayon nag lalakad dahil nabuburyo talaga ako sa condo baka mabaliw pa ako ng wala sa oras doon eh. Nakakatuwa lang dahil ngayon lang ako nakakapasyal at masaya rin pala gumala gala. Pero mas masaya sama kung may kasama ako.

Habang nag lalakad ako napatingin ako sa isang long sleeves na black at turtle neck siya. Suot ito ng manequin kaya napalapit ako. Mukhang bagay ito kay seb. Siyempre binili ko pero pera ko ang ginastos.

Habang nag lalakad ako nakita ko si sebastien na may kasamang dalawang matandang lalaki at halatang japanese habang ang asisstant naman niya ay naka sunod sakanila. Nakita ako ng asisstant niya at kumaway siya saakin kaya kinawayan ko rin at nginitian. Sinenyasan niya ako kung kumain na ako pero umiling ako. May tinuro siyang restau at nag okay sign siya na sinasabing masarap yung restaurant na tinuro niya.

Lalapit sana ako kay seb pero mukhang nasa trabaho siya. Kumain na kaya sila? Umupo ako sa bench na nakita ko at hinintay sila. Baka kasi bumalik pero lumipas ang ilang minuto ay hindi ko na sila nakita. Tumayo ako at pumunta sa restaurant ma tinuro ng asisstant ni seb.

Pero di pa man ako nakakapasok napatingin ako sa loob ng restau. Ang simple ng suot ko kumpara sa mga taong kumakain. Umatras ako at nag lakad palayo. Humanap nalang ako ng ibang kakainan na mura.

Kumakain na ako nang biglang may umupo sa harap ko na kinagulat ko. "Why are you eating here?"

"Huh diba nasa trabaho ka?" Sabi ko at tumingin sa paligid at hinanap ang dalawang matanda na kasama niya kanina.

"I saw you and I pretend that I didn't saw you because I was with my client"

"Hinintay ko kayo bumalik pero akala ko nakaalis na kayo"

"Get up, let's eat"

"Huh? E-eh kumakain na ako. Dito nalang tayo kumain"

"Do I look like na kumakain sa ganitong lugar?" Oo nga pala. "S-sige" tumayo ako at sumunod sakanila.

Huminga ako nang malalim bago pumasok sa restau at lahat ng nadadaanan namin tinitignan ako.

"Miss karalyn?" Napa tingin ako sa asisstant ni seb. Nag lakad ako palapit sakanila pero bigla akong sumemplang at may waiter pa sa harap ko kaya tumapon ang mga pagkain saakin. Hindi ko rin nabalanse ng maayos ang katawan ko sa pag bagsak kaya kanang kamay ko ang napuruhan.

"Ahhh"

"Miss karalyn" tumakbo agad yung assisstant ni seb saakin at tinulungan ako makatayo.

"Next time watch your step" ani ng babaeng pumatid saakin.

"You're mess" sabi ni seb kaya napayuko ako.

"M-mag c-cr lang ako" sabi ko at tumakbo. Narinig kong tinawag ako ako ni seb pero di ako lumingon. Aishh!! Nakakahiya!!!

Naiiyak ako. Nakakahiya!

Habang nililinisan ko ang sarili ko sa cr pinag titinginan ako ng mga babae. Nakakahiya. Hindi talaga ako bagay sa gano'ng lugar eh.

Safe Place To Hide (Chasing Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now