Chapter 35

194 2 0
                                    


• | Harana

Araw-araw na pumupunta si akihiro dito sa bahay at palaging may dalang pagkain, mostly fruits. May grocery pa nga tapos may gatas pa ako. Nakakatuwa nga eh tsaka madalas akong walang kasama dito. Si alex nag wo-work si ian nasa school at ako? Ito oras oras akong tinatawagan ni alex para kamustahin at kung may gusto ako ipabili sakanya eh ang kaso nandito si aki.

Kaya siya ang madalas lumabas para bumili ng cravings ko. Habang tumatagal mas tumatana ako pero ang ganda ko naman daw. Tapos ang blooming ko pa so hindi ko alam ano ang paniniwalaan ko. Grabe rin kasi ang tinakaw ko pero sabi ng doctor healthy diet.

Inutusan ko kanina pa si aki pero anong oras na wala pa siya. Nakauwi na nga si Ian galing school wala pa si aki. Umuwi na yata eh, lagot talaga siya saakin bukas!

Pag uwi ni alex ay agad itong nag tanong kung kumain na ako pero sinabi ko sakanya na na inutusan ko si aki na bumili mg cravings ko pero wala pa siya hanggang ngayon.

"Nako huwag mo na hintayin 'yon. Anong oras na rin baka wala na siyang mapag bilhan at baka nag hahanap iyon sa kung saan" ani alex.

Tinawag ni alex si ian at pinauna ko na sila kumain since hindi pa naman ako nagugutom. "Grabe ang laki na ng tiyan mo"

"Oo nga ate malapit na lumabas si baby. Magiging tito na agad ako" natawa kami ni alex dahil sa sinabi niya.

"Ilang taon palang ito oh, tapos tito na agad" alex

"Bakit excited na ba kayong lumabas ito?" Sabay silang tumango. Habang kumakain ako ng prutas at kumakain ang dalawa ay may narinig kami.

"Naririnig niyo ba iyon?" Mahinang tanong ko dahil pinatahimik ko ang dalawa.

"Oo nga ano? Parang may kumakanta" ani alex

Naglakad kami papunta sa balcony para maki usyoso pero nagulat kami dahil may apat na lalaking naka suot ng cardboard face mask na mukha ni sebastien. May teddy bear pa na malaki at crochet flower boquet.

"Ang dating alam, panaginip nalang"

"Mga sana'y di mabilang,
Hinahanap-hanap, tamis ng nakaraan"

"Ba't tatalikuran?"

"Ako ay litong-lito, saan ba ito patungo?"

" 'Di ko na alam kung dapat bang ihinto"

Hindi ko mapigilang ngumiti ng malaki dahil sa ginagawang pag harana ng apat na sebastien. Hindi ko alam pero natutuwa ako at hindi ko mapigilang makaramdam ng saya.

" 'Di alam ang sasabihin, 'di alam
ang aking gagawin,
Kung mananatili sa 'yo,
Minamahal kong estranghera"

Nag iba naman ngayon ang pag strum ng isang lalaki.

"Mga saglit na inilikha"

"Kakaiba ang tama"

"Ng sinag ng sa 'yong kutis na maputi"

"Oh. Sa'n ba 'ko dinadala?"

"Bawat ngiting biglaang nabura"

"Iyong naipinta"

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kilig sa ginawa ng apat na 'to.

"Sino sila?"

"Hindi ko rin alam HAHAHAHA" ani alex

"Parang nga kaboses ni kuya sevi yung isang lalaki eh!" Ani ian.

"Oo pansin ko rin" sabi ni alex.

So wala silang Idea sa kaganapan ngayon?

Pero ang saya ng puso ko sa ginagawa ng apat na 'to.

" 'Di pinapansin, ingay sa tabi"

"Magulong kapaligiran, sa 'yo
Lang ang tingin"

" 'Di pinapansin, ika'y paiikutin"

"Nang dahan-dahan lang
Sa gitna man ng daan"

Muli nanamang nag iba ang strumming ng lalaking nag gigitara. At this time familiar na ang kanta saakin. Dahilan ng lalong pag ngiti ko.

" 'Tong alay kong harana, para sa dalagang"

"Walang kasingganda, amoy-rosas
Ang halimuyak"

"Kung nanaisin ng tadhanang
Mapanlinlang"

" 'Di hahayaang mawala pa"

Mas sasaya siguro ako kung mismong si sebastien ang gagawa nito saakin pero na-appreciate ko ang apat na 'to sa ginagawa nila. Nang matapos nila ang kanta ay nag palakpakan kami dahil maganda naman ang boses nila at lahat talaga sila may linya sa kinantang kanta. Bumaba kami at binuksan ang pinto. Pag bukas ko ay hindi na ako masyado lumabas dahil gabi na rin.

Isa isa nilang tinanggal ang cardboard face mask na mukha ni sebastien.

Si sevi, sky, heaven, at akihiro ang apat na lalak at nakangiti sila saakin. Hindi ko alam pero bigla akong naiyak dahil na-touch ako.

Lumapit sila saakin kaya niyakap ko sila. Hindi ko akalain na gagawin nila 'to para saakin kahit iba na ang sitwasyon namin ng kaibigan nilang si sebastien.

"So nasaan ang pinabibili ko sayo?" Tanong ko kay aki.

"Ehh wala na akong mabilhan ng pink na orange eh" sabi ni aki habang kumakamot kamot pa sa ulo niya at tinaasan ko siya ng kilay.

"Okay, nagustuhan ko naman ang ginawa niyo eh hihihi"

Kinamusta nila ako at nakipag kwentuhan sakanila pero ni-isa sakanila ay walang nag bring up sa nangyari noon at okay ako doon dahil hindi sila naging insensitive.

Tinanong nila ako kung kailan ako manganganak at silang apat mismo inaalalaya ako sa pag tayo ko kaya nagugulat ako sakanila.

Natutuwa ako dahil naisip parin ako ng mga kaibigan ni sebastien at concern at worried din sila saakin. Sayang lang at wala si lia.

Ang unexpected nga dahil mas nagmumukhang ako ang kaibigan ng apat na ito kaysa kay sebastien. Hindi ko alam na magiging ganito sila saakin, na ganito nila ako tratuhin at tinuring na rin akong parang kaibigan nila. Nang hawakan nila ang tiyan ko ay sumipa ang tatlong bata sa sinapupunan ko na ikinatuwa nila.

Pero kinailangan ko rin magpahinga inalalayan nanaman nila akong lahat sa pag akyat at pag higa ko sa kama. Sinabi kong dito na sila matulog dahil gabi na at may isa pa namang kwarto kaya sila na ang bahala kung paano ang set up nila sa pag tulog.

Katabi ko naman sa pag tulog ang damit ni sebastien. Minsan ay umiiyak pa ako para makatulog lang ako. Hindi ko nga alam kung normal pa ba ito sa buntis dahil sabik na sabik talaga ako kay sebastien.

Nagising ako ng mga 2am at hindi alam ang gagawin. Nagising ako bigla at nakaramdam ako ng gutom. Gusto ko ng jelly!

Naghamap hanap ako sa kusina at sa fridge pero wa akong nakitang jelly kaya naiyak ako. Kahit naka dress ako ar nag suot ako t-shirt. T-shirt ni sebastien kaya maluwang saakin tsaka ko sinuot yung jacket ni aki na nagustuhan ko. Hindi kasi halatang buntis ako sa jacket ni aki at may pagkalali ang size kaya gano'n.

Kinuha ko ang wallet ko at tinignan kung may pera ako at napansin ko ang picture sa wallet ko. Yung first picture namin ni sebastien, yung bumibili kami ng phone.

Nagkaroon ng ngiti sa labi ko.

Lumabas ako at naglakad. Sa totoo lang? Hindi ko talaga alam ang lugar dito dahil hindi naman ako lumalabas at kapag lalabas naman ako palagi kong kasama si alex kaya hindi ako pamilyar dito sa lugar nila. Kaya ang ginawa ko vinedeo ko ang dinadaanan ko para just in case na mawala ako ay mga video akong masusundan hehehehe.

Sa paglalakad ko ay napalayo na ako dahil umabot na ako sa highway at walang bukas na tindahan. Sobrang sakit na ng paa ko pero gusto ko talaga ng jelly!

Papatawid na ako pero nagulat ako nang makarinig ako ng malakas na busina ng kotse kaya napatingin ako sa gilid ko at nanlaki ang mga mata ko.

Safe Place To Hide (Chasing Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now