Chapter 31

188 2 0
                                    

Umuwi ako dito sa bahay namin kahit kalagitnaan ng gabi. Kinwento ko kay alex ang lahat at sakanya ako umiyak. Maging siya ay hindi makapaniwala sa sa nangyari.

Nadaanan nga ako ni gab sa condo ni seb pero sinampal ko siya at sinigaw-sigawan dahil sa ginawa niya. Nang ayaw niya akong lubayan ay kinuha ko ang kutsilyo at tinapat sa pulso ko at nagbanta na pag hindi pa siya umalis tutuluyan ko ang sarili ko at natakot siya kaya umalis din siya pero tinuloy ko yon. Kaya ayon umuwi akong duguan ang kamay ko at halos atakihin si alex nang makita niya ako at tinakbo niya ako sa hospital. Pero hindi naman masakit iyon.

Mas masakit yung nangyayari saakin.

Nasaktan ko si sebastien Oo alam ko iyon pero nasasaktan din naman ako eh. Hindi niya man lang ako hinayaang mag explain.

Iniwan ko na rin ang singsing ko pati ang phone ko. Lahat ng bigay niya iniwan ko doon sa condo niya. Pati ang mga binili niyang damit saakin pati ang pera. Kaya umuwi ako konti lang ang dala dahil mismong personal kong gamit lang ang dinala ko.

Ilang araw, linggo at buwan ang lumipas ay pinipilit ko ang sarili ko maging okay. Nandito rin kami sa probinsya kung saan lumaki si alex. Pinilit ko kasi siyang umalis kami doon para makalimutan ko si sebastien pero hindi pala magiging madali.

Palagi akong umiiyak at halos patayin ko na ang sarili ko dahil hindi na ako nakakatulog ng maayos at hindi na rin ako kumakain. Ang gusto ko nalang nakahiga sa kwarto, matulog, at umiyak.

Nag aalala na si Ian at alex saakin dahil sa pagiging moody ko at hindi ko na napapansin nasisigawan ko na sila at palaging mainit ang dugo ko sa lahat.

Lahat nang tungkol kay seb kinakalimutan ko at kakalimutan ko. Hindi ko na hahayaan ulit na mapahiya ng ganon ganon nalang kaya iba ang naging pagbabago ko.

Dahil kitang kita ko noon kung paano ako tignan ng mga taong nasa party, pinandidirian ako at hinuhusgahan, maging si seb hinusgahan din ako ng hindi man lang ako pinapakinggan sa mga paliwanag ko.

Hindi ko kakalimutan ang kahihiyan na iyon dahil mapa social media ay ako ang laman at nakalagay doon na isa akong Gold Digger.

Nagpapasalamat nalang ako sa mga kaibigan ni sebastien lalo na si akihiro na naniwala saakin.

Pero pag alis ko wala na akong balita sakanila dahil tinalikuran ko na ang lahat. Nasabi pa ni alex ma tumatawag si sevi sakanya pero sinabi kong I-block ang number ni sevi o kung sino sakanila dahil ayoko nang magkaroon ng koneksyon na kahit na sinong malapit kay sebastien.

Sobrang sakit, nawala na ang dignidad ko noon dahil sa pag luhod ko, at ngayon! Ipinahiya pa ako sa harap ng maraming tao. Maging yung taong mahal ko hinusgahan ako at iyon ang pinaka masakit. Sa totoo lang wala naman akong pakialam sa mga ibang tao, ang gusto ko lang naman paniwalaan ako ni sebastien at pakinggan niya ako pero anong ginawa niya? Hinusgahan niya ako agad, mas naniwala siya sa narinig at napanood niya, and worst tinalikuran niya pa ako.

Ayoko ng magpaka tanga pa ulit. At dahil don natuto na akong lumaban at makipag sabayan. Dahil hindi ko na ulit hahayaang may magpahiya saakin. 

Nandito kami sa palengke at namimili kasama si alex. Si Ian naman ayon nakatagpo ng mga kalaro ayaw sumama kaya iniwan nalang muna namin.

"Hindi ba siya yung babae?" Napatingin kami ni alex sa babaeng katabi namin. Pumamewang ako at hinara ang babae. "Ako nga, ano naman ngayon?" Pag tataray ko at nagulat sila sa ginawa ko kaya dali dali silang umalis.

"Wala naman pala ibubuga" umiirap kong sabi. "Pinatulan mo pa kasi" ani alex.

"So? Inumpisahan nila ngayong papalag ako umatras? Wag gano'n nakakabastos" tumawa si alex sa sinabi ko.

"Alam mo naiintindihan ko naman pero relax ka lang okay? Yung inaanak ko baka mapano jusko ka!"

"Eh sabi niya patulan ko eh"

"Nakakaloka ka talaga. Baka mamaya makuha ng inaanak ko yung pag uugali mo nako!" Inirapan ko si alex.

Nalaman kong buntis ako, noong una na frustrate ako. Gusto kong tanggalin ang batang 'to sa sinapupunan ko pero si alex ang pumigil saakin. Dahil galit ako. Galit na galit ako kay sebastien.

Habang nag lalakad kami nakakita ako ng tangerine kaya iniwan ko si alex at hinayaan siyang mag lakad ng mag isa ka ikinatawa ko. Nagdadaldal siya hindi niya alam wala na ako sa likod niya. Bumili ako ng tangerine isang kilo, kasi ito talaga yung cravings ko.

"Huy!! Punyeta ka kinabahan ako sayo! Buti nakita agad kita!!"

"Ano? Bumibili lang naman ako eh!" Nakanguso kong sabi.

"Lumalaki na ang tiyan mo" ani ng tindera. Suki kasi ako ni manang at may katandaan na rin siya.

At ang alam niya asawa ko si alex eto namang si bakla ganap na ganap sa pag papanggap. "Oo nga po kaya asahan ninyo mas mapapadalas po kami ng bili"

"Nandito lang naman ako palagi at alam ko namang araw-araw ay naghahanap ka pero laging may sobra"

"Salamat po manang"

"Nako wala iyon, para masustansya ang bata" aniya at hinawakan ang lumalaki ko ng tiyan.

"Ikaw iho alagaan mo ang mag ina mo" nagkatinginan kami ni alex. Alam kong napo-poison na siya pero kasalanan naman niya inumpisahan niya edi panindigan niya.

"Opo huwag po kayong mag alala" sagot ni alex at umalis na kami.

"Oh my god! Nakakalason!"

"Kasalanan mo iyan, panindigan mo!"

"Para may sobra palagi sa tangerine mo heheheh at para naman sa inaanak ko kaya no problem" malaking ngiti ang binigay niya saakin.

Nagpapasalamat nalang ako dahil nandito si alex sa tabi ko. Inaalagaan naman ako ng mabuti. Kaya madalas napagkakamalan kaming mag jowa at mag asawa. Pag nasa public place kasi kami nagpapaka straight siya sinabi rin niya na hindi ako mag isa sa pag papalaki ng anak ko dahil magpapaka tatay siya sa anak ko kaya nakakatuwa kasi pag dalawa na kaming magkasama mas babae pa siya saakin at palagi niya akong inaayusam kaya ang blooming ko palagi kahit tumataba na ako at maraming nagsasabi na mas gumaganda ako.

Safe Place To Hide (Chasing Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now