Chapter 37

206 2 0
                                    

Hindi ko sinabi sakanila na nakasama ko si sebastien baka sabunutan pa ako ni alex sabihin ang rupok ko. Sana ay hindi mag duda si sebastien gayong nakasamaa ko siya. Ayokong saabihin sakanya na buntis ako, natatakot akong malaman niya baka ang sabihin paa niya ay kay gabriel itong bata.

Ang pinagtataka ko lang at bakit nandito si sebastien? Anong ginagawa niya rito para makita niya ako?

"Hoy anong binibili niyo? Jusko hindi pa nga lumalabas tong tatlong bata balak niyo ng bilhan ng nerf gun!?" Anas ko dahil siraulo tong si sevi bibilhan ba naman ng ner gun!

"AHIHHIHIHI!!! Advance ako! Edi ito lulutuan"

"Anong lutuan? Dapat ito!" Aning tatlo na may hawak na laruang baril!

"Naloloka ako sainyo! Hoy!" Stress kong sabi.

"Hoy! Tigilan niyo nga iyan ito kaya? Barbie" ani naman nitong si Lia. Oo nga pala nakauwi na si lia hehehehe ito dumeretso dito at gusto raw akong makasama at maalagaan.

"Isa ka pa lia talagang nakikipag sabayan ka sa mga 'to" turo ko sa apat.

"Anong barbie? Dapat nga ito eh!" Ani alex at napa face palm ako dahil sa laruang make-up ang bitbit niya.

"Tara na bayaran na natin" pag aaya ni sevi at lahat sila nag sama sama papunta sa cashier at ako nakasunod sakanila.

"HOY!!! Hoy!" Masaya pa sila at tumigil ako sa paglalakad at hinayaan silang magtakbuhan. Hindi ko mapigilang mapangiti at tumawa sakanila dahil sa kalokohan nila. Mas excited pa sila kaysa saakin.

Wala na, hindi pa kayo lumalabas spoiled na agad kayo. Sambit ko sa utak ko at hinawakan ang tiyan kong malaki na.

Next month ang due ko pero sabi nila baka mas mapaaga raw depende raw kasi sa bata kung kailan gusto lumabas. Oh 'di ba?

Pero bumibilo na sila ng gamit ng baby pati pampers yung gloves, bin lahat ng need pag nanganak ako. Hinayaan ko nalang sila ang mamili mukha naman masaya sila sa ginagawa nila.

Kinakabahan nga ako baka mas gustuhin ng mga anak ko ang mga tito at tita nila kaysa saakin ba naman masyadong spoiled nasa tiyan palang.

Nagulat ako nang makita ko si sebastien kaya agad akong nag tago. Napansin kong naglakad ito papunta sa mga kaibigan namin kaya nanlaki ang mata ko. Nanatili akong nagtago dito sa section ng pang baby.

Omg!! Kausap niya sila sevi!

Ano kayang pinag uusapan nila?

Nag message ako kay alex na lalabas muna ako dahil nandito si sebastien. Buti at palagi kong suot ang jacket ni akihiro.

Pag labas ko ay dumeretso ako sa jollibee at doon tumambay. Siyempre nag order ako at nagpa asisst nalang ako. Kumuha ako ng sundae, fries, nuggets, at burger hehehe.

Habang kumakain ako may lumapit saakin kaya nang tumingala ako para tignan siya nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang lolo ni sebastien kaya napatayo ako agad.

"M-Mr. Cavendish" anas ko at napatingin siya sa tiyan ko kaya napahawak ako dito at napayuko. Inalok ko siyang maupo.

"A-hmm.. K-kasama niyo po siguro si sebastien"

"Nagkita ba kayo?"

"Ahh hindi po. Nakita ko lang po siya per hindi po kami nagkita. Hindi rin po niya alam na nandito ako ngayon"

"Gano'n ba?"

"Uhmm.. Gusto ko po sanang mag sorry sa nangyari noon. Nasira po tuloy yung birthday party ninyo dahil po saakin. Nakakahiya po"

Ngumiti siya. "Ang totoo niyan, nagulat ako" napakagat ako sa ibabang labi ko. "Nagulat ako sa narinig at napanood ko. Aaminin kong nadismaya ako sa 'yo" napayuko ako.

"Pero after ng party, nag alala ako sayo at sa apo kong si sebastien. Napapansin ko ang madalas na pag iinom ni sebastien at halos pabayaan na ang kumpanya. Alam mo naman siguro ang nangyari kay gabriel at sebastien hindi naging maganda ang nakaraan nila pero magkaibigan silang matalik" nakinig ako sakanya at hindi siya inenterrupt.

"Nasaktan ang apo ko sana naiintindihan mo. At alam kong nasaktan ka rin pero masisiguro kong mahal ka ng apo ko iha"

"Mukha naman pong masaya siya at mas maayos siya ngayon"

"Buntis ka pala" nakangiti niyang sabi. "Ilang months na?"

"8 po" hindi naalis ang ngiti niya.

"Alam na ba ni sebastien?"

"A-ahh hindi po. Wala rin po akong balak sabihin sakanya pero pag labas po ng bata huwag po kayong mag alala-"

"Alam kong sa apo ko iyan iha. Naniniwala ako. Alam mo bang personal akong pinuntahan ni Akihiro sa brazil?"

"Po?"

"Sinabi niya saakin na hindi totoo lahat iyon at siya ang magpapatunay. Hindi pala alam ni sebastien ang ginawa sayo ni gabriel."

"Pasensya na po. Ayoko lang pong mas lalo pang magkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nila nang dahil po saakin"

"Kaya pumunta saakin si aki dahil simabi niya ang totoo kay sebastien pero mukhang hindi naniniwala si sebastien kaya ako ang pinuntahan niya. Gusto sana kitang makausap pero bigla kang umalis maging sa bahay niyo kaya kinausap ko si akihiro na hanapin ka at ito kaya nandito ako ngayon"

"Bakit po?"

"Wala ka bang balak sabihin kay sebastien ang pag bubuntis mo? Tiyak akong magiging masaya siya" nakangiti niyang sabi at kinukumbinsi ako ng lolo ni sebastien.

"Sorry po pero wala po akong balak sabihin sakanya. Pero huwag po kayong mag alala hindi ko naman po ipagkakait ang mga bata sainyo lalo na po sa daddy nila kapag nalaman po ni sebastien."

"Alam ko pong may karapatan si sebastien pero natatakot akong isipin niya na baka hindi sakanya ang bata at hindi siya ang tatay at ipinapaako ko ang responsibilidad sakanya dahil sa pera niya."

"Hindi po ako gano'ng tao sir. Kaya nga po bata pa lang ako ay nag trabaho na ako sa japan para sa kapatid ko at sa lolo ko. Alam ko po ang hirap ng buhay dahil maaga akong namulat sa realidad ng mundo pero kahit kailan hindi ko naisip na manloko ng tao para sa pera, lalong lalo na si sebatien."

"Mahal ko po ang apo niyo pero kung alukin man niya ako ng divorce, sana maintindihan niyo pong hindi ako pipirma. Kahit man lang apelyido nalang niya ang matira saakin okay na po ako. Kahit iyon man lang maibigay ko sa mga anak ko, ang apelyido ng tatay nila. At maisip ng mga bata na pinaglaban ko parin iyon para sakanila"

"Galit po ako sa apo niyo sir pero dahil sa tatlong batang nasa sinapupuna  ko ngayon, sila po ang nagiging dahilan kung bakit napapawi ang galit ko. Sa totoo nga ay lalo pa nilang pinag iigihan dahil mas nami-miss at hinahanap hanap ko si sebastien"

"Naiintindihan ko. Kung gano'n rerespetuhin ko ang desisyon mo. Pero kung gusto mong ma-secure ang marriage nito. Ito" may nilabas siyang papel.

"Pumirma ka para kahit anong i-alok ng apo ko sayong divorce ay mapapawalang bisa iyon"

"T-talaga po?"

"You have my word. Para sa apo kong paparating" agad akong pumirma sa papel na pinapirmahan niya saakin.

"Teka, tatlong bata? Tama ba ang dinig ko?"

Ngumiti ako. "Opo, triplets po"

"Nako! Yung apo ko talaga. Napaka galing" kahit ako at nagawa sa sinabi niya.

Nagkaroon kami ng conversation na parang mag lolo kaming dalawa. Ipinag shopping pa niya ako at yung mga gamit ng bata. Pinipigilan ko nga pero ayaw magpa-pigil.

Pero isa lang ang hiling niya saakin. Pag labas ng mga ay agad ko siyang sabihan para makabisita siya sa mga apo raw niya sa tuhod.

Safe Place To Hide (Chasing Series #1) COMPLETEDDove le storie prendono vita. Scoprilo ora