Chapter 12

242 2 0
                                    

"Lyn kanina ka pa namin hinahanap saan ka nag punta- ayos ka lang?" Hindi ko pinansin si sevi at diretso lang ako sa pag pasok.

"Seb" tinawag ni sevi si seb dahil may nag hatid saakin na dalawang staff ng hotel.

"Jusko karalyn saan ka pumunta? Pag gising namin wala ka. Teka okay ka lang ba? Umiyak ka ba? Namumugto ang mata mo-"

"Gusto ko magpahinga" sagot ko sakanya pero may pagtataka sa mukha niya pero agad din itong lumabas. Pag labas ni lia bigla akong napaupo sa tabi ng kama at umiyak.

Wag niyo akong tanungin kung okay lang ako dahil hindi ako okay.

Hindi ako okay, nawalan ako ng mahal sa buhay. Nawalan ako ng lolo. Tumayo ako at inayos ang mga gamit ko.

Narinig kong bumukas ang kwarto at nagsara ito. "Where have you been? What happened?" Hindi ko siya sinagot at inayos ko lang ang gamit ko.

"Fck answer me! I'm asking you" inis na sabi ni seb pero nanatiling tikom ang bibig ko.

Bigla niya akong hinila paharap sakanya at agad ko siyang tinignan sa mata niya dahilan ng pag iba ng expression ng mukha niya.

Huminga ako bago mag salita. "Gusto ko ng umuwi" napapaos kong sabi. "P-please gusto ko ng umuwi. Gusto ko makita ang lolo ko" dahan dahan ako lumuhod pero pinigilan ako nito.

"Gusto ko ng umuwi" muli nanamang tumulo ang luha ko. "Kailangan ako ng lolo ko. Gusto ko siyang makita sebastien"

Hinawakan ko ang kamay niya at tinignan siya sa mata niya. "Please"

"Okay.." napapikit ako ng mariin. "Thank you" anas ko at mabilis na inayos ang gamit ko.

Kinausap ni sebastien si sevi at sinabihan na ipaready ang private jet dahil aalis kami ngayon din.

"Lyn sorry. Sasabihin ko naman dapat sayo kaso... kaso nung binalita mong makakauwi ka na ng pinas dahil may legal papers ka na nakita kong masaya ka eh. Ayokong sirain yung saya mo. Kaya pinatapos ko muna yung kasal nito at sasabihin sana ngayong araw pero.. alam mo na eh"

"Dapat sinabi mo parin lia. Lolo ko iyon eh" umiiyak kong sabi. Niyakap ako ni lia ng mahigpit. "Sorry karalyn" tumango ako. Kahit sobrang bigay ng loob ko at gusto kong magalit, ayokong magpadala sa galit at ayokong palakihin pa dahil ang importante naman ay ang makauwi ako ngayon.

Kahit nasa kotse kami ay tahimik akong umiiyak at nakasiksik sa pinto ng kotse. Pinag drive kami ni sevi.

Napatingin ako sa panyo dahil ino-offeran ako ni seb kaya napatingin ako sakanya at binigyan niya ako ng konting ngiti.

Nang hawaka ko ang panyo ay bigla itong lumapit saakin at hiniga niya ang ulo ko sa dibdib niya malapit sa may puso niya at niyakap ako.

Teka biglang umurong yung luha ko sa bilis ng pangyayari. Parang gusto ko ganito nalang kami. Jusko ang landi karalyn. Mag iyak iyakan nalang ba ako? Hindi na ako makaiyak sa ginawa ni seb.

May mabasa ako sa google, You are persued website.

"We all need a place where we can freely expose our weaknesses – a place where we are free to cry and just be honest with ourselves. We need people who accept the worst stories of our past at the same time willing to walk with us. In this broken world we live in, it's so rare to find a place we can call home. We may have a house or family and friends, but that doesn't mean they are our safe zones. One way or another, there are times when we feel so alone when we are with them. The people who should've known everything about us failed to discover what we truly feel inside. And that's so heartbreaking. It's like living inside a world full of thorns. It's like you are swimming in muddy waters. That's why we all need a place where we can hide away from pain – a place where we can gain strength and find rest."

At tama nga naman. Sometime, we all just need is a place where we can freely expose our weaknesses. Yung walang pangambang ipakitang malungkot ka, na nahihirapan, yun bang lahat ng lows mo. Kahit na may kasama ka pa kahit close friends natin minsan hindi natin mapigilang makaramdam ng loneliness. May mga taong nakakakilala saatin, family, relatives, friends na dapat alam nila ang tungkol saatin ay nag fe-fail silang makita kung ako ba talaga ang nasa loob natin. Parang may limitations. Pero kung gusto naman talaga nilang makilala ka, they will dig deeper. Hindi sapat ang alam lang nilang malungkot ka.

Pero iba.

Iba ang nararamdaman ko kay sebastien. At first, I don't know this guy for me he's just a stranger. Pero unti unti, nare-realize kong he's not a stranger.

And he is not just a stranger.

"Kara gising na"

"Hmmm"

"Wake up" minulat ko ang mata ko at bigla akong napabangon.

"P-papa!? B-bakit nandito ka!?"

"Anong tanong iyan karalyn?" H-ha?

Lumapit ako sakanya at pinisil ang pisnge niya. "Hah!! Totoo ka!?"

Tumawa siya. "Totoo ako. Ano bang nangyayari sayo bebegirl" niyaka ko siya ng mahigpit at tumulo ang luha ko.

"Papa!" Nakarinig ako ng tawa. "Bakit ka umiiyak? Huh?"

Umiling ako. "Are you okay?" Mas lalo akong umiyak dahil sa tanong niya.

"Hindi po... pa.. pagod na ako. Ang hirap." Humahagulgol kong sabi. "Pagod na po akong magpanggap na okay lang lahat. Na walang mali na wala akong mabigat na pinag dadaanan pagod na pagod na pagod na ako sa lahat pa. Nawala lahat ng taong kinakapitan ko. Pati sarili ko kinukuwestiyon ko kung anong ginawa kong mali para maramgyari lahat ng 'to"

"Mali bang humiling na maging masaya naman? Mali bang maging mabuting tao at maging mabuting anak? Mali bang humiling na masayang buhay at maayos na buhay at pamilya? Mali bang magkaroon ng masayang buhay kasama ang pamilya?" Sa pagkakataon na ito lahat ng hinanakit ko inilalabas ko kay papa. Dahil hindi ko na kayang dalhin pa lahat.

"Gustong gusto kong magreklamo. Gusto kong magreklamo ma pagod na ako physically at emotionally. Gusto kong mag reklamo na bakit ako?  Bakit nararanasan ko lahat. Bakit puro ako bakit puro nalang si karalyn? Pero wala naman akong nireklamo kahit isa. Pero bakit isang sabi ko lang na pagod ako bakit.. bakit disappointed ang lahat? Bakit may nasasabi sila?"

"Gusto ko nalang humiga forever pa, tapos matulog"

Pinunasan ni papa ang luha ko. "Sorry. Sorry kung hindi kita magabayan at maprotektahan. Sorry anak kasi wala ako sa tabi mo tuwing kailangan na kailangan mo ng makikinig sayo. Walang mali sayo anak. Napaka buti mong anak at apo. Mabuti kang tao. Kahit hindi ka galing saakin tandaan mong may isang taong nakakaintindi, nakikinig at nag mamahal sayo. Wala man ako sa tabi mo, pero handa parin akong makinig sa saya at tawa mo, sa mga rants mo, sa reklamo ko, sa lungkot mo anak. Ikaw ang bumuo saakin at tumanggap saakin ng buong buo. Kaya tanggapin mo rin ang sarili mo gaya ng pag tanggap mo saakin."

"Karalyn" napatingin ako sa tumawag saakin.

"You're awake"

"H-ha?"

"You're dreaming" panaginip?

Safe Place To Hide (Chasing Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now