Chapter 32

179 2 0
                                    

"Ohh!!! Dahan dahan kinakabahan ako sayo punyetes!!!!" Ani alex dahil bumaba ako sa hagdan at nakita niya kaya agad niya akong inalalayan. Muntik na kasi akong madulas at mahulog dito at kinabahan talaga siya dahil dinugo ako.

"Ano ka ba naman kara! Napakalaki na ng tiyan mo oh! Parang anytime manganganak ka na jusko! Gustong gusto mo talaga yung pinapakaba ako!" Tinawanan ko siya dahil sa itsura niya.

Inayusan niya ulit ako dahil lalabas kami, siyempre pupunta sa palengke. Palaging hawak ni alex ang kamay ko lalo't madalas nawawala ako sa paningin niya dahil sa kakulitan ko. Minsan pa ay nakasabit ako sa braso niya.

"Manang nandito nanaman po kami"

"Nako ang mga suki ko. Ang laki na ng tiyan mo"

"Kaya nga po" sagot ko.

"Ito dinamihan ko na iyan" ani manang at nagpaaalamat namin kami ni alex.

"Alex, nagugutom ako"

"Kakatapos lang natin kumain eh! Saam ba gusto mo?" Nakanguso akong tumuro doon sa isang milktea.

"Ayy bet!!!" Masaya niyang sabi at pumunta sa isang milkteahan.

May aircon naman kaya hindi mainit. "Gusto ko yumg wintermelon tapos ito bacon salad"

"Iyan lang ba? Wala ng iba?" Umiling ako. "Sige dito ka lang hintayin mo ako" tumango ako sakanya at pumunta siya sa counter para mag order. After niyang mag order ay nagpaalam itong may bibilhin dahil may nakalimutam siyang bilhin na kailangan ni ian sa school.

Nandito ako at naglalaro. May jenga blocks kasi sila dito at may iba pang board games pero jenga ang kinuha ko at naglaro mag isa. May pumasok at halatang lalaki dahil sa pabango niya.

"Ang baho!" Anas ko kaya napatakip ako sa ilong at naduduwal ako. Pinag bawalan ko rin kasi si ian at alex sa pabango dahil ang baho talaga!

"Alex" tawag nung babae kaya tumayo ako at pumunta sa counter mukha namang kaya kong buhatin.

"Ahh miss pwede bang paki dala nalang sa table namin hindi kasi ako confident na buhatin dahil sa tiyan ko"

"Sige po ma'am wala pong problema"

"Thank you! Hihi ang ganda mo" masaya at nakangiti kong sabi.

"Ka-karalyn?" Napatingin ako sa likod ko dahil galing naman sa likod ko yung boses.

Nagulat ako bigla at napa atras ako. "A-aki, a-anong ginagawa mo rito?"

Napatingin siya sa tiyan ko pero agad kong tinakpan gamit yung cardigan ko.

Inaya kong umupo si aki sa table namin at nakatingin lang siya saakin habang kumakain ako.

"Saan ka nakatira ngayon?"

"Sa bahay ni alex"

"Akala ko namilikmata lang ako nung nakaraan"

"Nakaraan? Bakit?"

"Nakita kasi kita bumibili mg tangerine akala ko kahawig mo lang, ikaw pala talaga"

"Ahh" anas ko at natawa pero nagpatuloy ako sa pagkain ko.

"Y-you look different. Kamusta ka na?"

Ngumiti ako pero agad ding napawi ang ngiti ko at nag seryoso. "Okay lang. Ito inaalagaan ako ni alex"

"Buntis ka pala. Alam mo bang hinanap kita nung araw na iyon?"

"Ahh umalis kasi ako non. Nagpaka layo layo obvious naman 'di ba?"

"Masaya akong nakita kita ngayon"

"Bakit naman? Dahil nakikita mo kung gaano ako katakaw?" Natawa siya sa sinabi ko.

"Puwede ba akong dumalaw sayo? Sainyo?"

"Hindi naman kailangan aki"

"Don't worry, wala akong pag sasabihan. In fact nandito ako para tumingin ng lupa para sa itatayong business ni dad"

"Ahh gano'n ba? Sige"

Nagulat ako ng kunin niya ang kaliwang kamay ko at tinignan ang pulsuhan ko dahil may malaking scar doon at tatlo pa dahil nga sa unang pag attempt ko noon sa condo ni seb at nasunda pa yon noon. At sobrang lalim talaga no'n.

"Sayo ba yung dugo doon sa condo ni sebastien noon?"

"A-anong sinasabi mo?"

"Noong pumunta ako doon walang tao at may nakita akong dugo at kutsilyo"

"Ahh iyon ba? Hindi ko alam" pag de-deny ko.

"Alam mo ako, wala na akong pakialam. Okay na ako at ayoko ng balikan ang nakaraan. Ang dami ng nangyari at ayokong ma-stress lalo't malaki na ang tiyan ko. Okay ako, okay ang baby ko salamat kay alex dahil inaako niya ang responsibilidad ng tatay nitong anak ko"

"Hindi mo man sabihin. Alam kong si sebastien ang ama ng dinadala mo. But don't worry I'll keep it from him"

"Salamat"

Pag dating ni alex nagulat siya nang makita si Aki. At nag order ulit ako ng bacon salad, fries and sandwich.

Sa pag uwi namin ay si aki ang naghatid saamin siyempre inalalayan niya ako. Nagtagal pa si aki sa bahay dahil gusto rin daw niya akong alagaan pero sinabi ko na okay lang naman ako ar kaya naman namin ni Alex.

Bukas nga raw ay susunduin niya ako dahil pupunta sana ako sa OB-Gyne ko kasi may work bukas si alex at hindi ako masasamahan kaya mag isa sana ako pero si aki nalang daw ang kasama ko.

"Gusto mo hawakan?" Tanong ko kay aki dahil kanina pa siya nakatingin sa tiyan ko.

"P-puwede?" Nagkatinginan kami ni alex at ngumiti siya ng malaki.

"Oo naman" sagot ko at dahan dahan niyang hinawakan ang tiyan ko at unti unti ang pag aliwalas ng mukha nito at ang laki ng ngiti niya.

"Oh!" Nagulat kami sakanya.

"N-naramdaman mo iyon!? S-sumipa siya!" Masaya niyang sabi.

"Nako! Nagustuhan niya ang tito aki niya pero duhh!! Mas gusto niya ako" ani alex.

Naramdaman kong sumipa ng ilang beses yung baby sa tiyan ko at tuwang tuwa si aki. It looks like nagustuhan siya ni baby.

Minsan nag bibigay kasi ng sign yung baby ko. Pag may hindi magandang pangyayari saakin sumasakit ang tiyan ko pahiwatig na huwag ako tumuloy or ituloy ang pupuntahan at gagawin ko. Ilang beses na nangyari iyon at pag may gusto ito sumisipa siya kaya alam kong sign na gusto niya or harmless si aki.

Hanggang sa gumabi ay nandito parin si aki at halos ayaw ng umalis pero hinayaan lang namin ni Alex si aki.

Ewan ko ba pero parang ang saya ko dahil nandito si aki. Mula nang iligtas niya ako mula kay gab mas gumaan pa lalo ang loob ko sakanya.

Safe Place To Hide (Chasing Series #1) COMPLETEDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt