Chapter 39

231 2 0
                                    

Kasama ko si sky ngayon naka duty siya ngayon.

"Ohh!! Dahan dahan lang nag mo-mop yung janitor!" Ani sky dahil mabilis ako mag lakad.

Hinawakan niya ang kamay at braso ko. "Ano ka ba hindi ako madudulas"

"Anong hindi? Gusto mo sipain ko tiyan mo?"

"Ahh ganon ba sky? Talaga? Sisipain mo tiyan ko?" Anas ko at umiiling itong umaatras. "Wala naman akong sinabi ah!" Pag dedeny niya.

"Hindi!! Tama yung dinig ko na sisipain mo tiyan ko! Halika rito lapit!"

"Joke lang!!!" Aniya pero binatukan ko agad siya.

Tuwing umaalis talaga ako suot ko na ang jacket ni aki para if ever na makita ako ni sebastien ay hindi niya mapapansin ang tiyan ko.

Si sky naman bitbit ang sling bag ko at suot pa niya pero binagay niya naman infaireness.

Naboring ako sa bahay kaya inaya ako ni sky mag mall. Pagabi na nga eh pero ang inatupag namin ni sky ay ang kumain, manood sa cinema, tapos maglaro sa timezone at mag ikot ikot sa buong mall.

Diba nakakaloka buti nga hindi rin boring kasama itong si sky dahil sa kakulitan nito. Eh ang gago nga eh, tuwing may babaeng nakatingin sakanya grabe makalapit saakin parang linta ayaw pahiwalay. Tapos kapag may babaeng lumalapit sakanya para kunin ang number niya ba naman sinasabi kasama niya girlfriend niya tapos pag nawala na yung babae biglang tatawa gustong gusto niya ang ginagawa niya saakin oo.

Tapos ako hindi makapag react dahil sa kalokohan ng damuhong na 'to.

Eh hindi nga kami mukhang mag jowa, mas nagmumukha kaming mag ate sa kakulitan niya. Alam mo yung tantrums niya ang paglilikot jusko sumasakit ang ulo ko sakanya.

Paalis na sana kami dahil gabi na ay bumalik siya sa loob ng mall pero sabi ko diretso na ako sa parking lot at kinuha ang susi ng kotse niya. Nang mahanap ko ang kotse ni sky ay bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse nang may mahagilap ako.

Nanigas ako bigla sa kinatatayuan ko dahil sa nakikita ko ngayon. May kahalikan na babae si sebastien at... nakahawak pa siya sa bewang nang babae at nakayakap ang kamay ng babae sa leeg ni sebastien.

Bigla nalang tumulo ang luha ko. Hindi ako makagalaw at pinapanood ko sila sa paghahalikan nila. Ang sakit.

Sabi ko kapag nakita ko si seb magkakaroon ako ng lakas ng loob para sabihin sakanya ang totoong sitwasyon ko eh. Pero ano 'to?

Bakit ganito naman ang timing. Sobrang sakit. Habang pinapanood ko sila may kamay na humarang sa mga mara ko habang patuloy ang pag tulo ng luha ko.

Sobrang sakit sa dibdib. Kaya niya palang gawin 'yon?

Bigla akong niyakap ni sky palikod kila sebastien kaya hindi ko na sila nakikita.

"Shhh..."

"Ang sakit" bulong ko. "Sobrang sakit" iyon nalang ang lumabas sa bibig ko dahil iyon ang totoong nararamdaman ko. Ayokong maging peke ngayon lalo pa't harap harapan kong nakita.

Napayakap ako kay sky at halos manlambot ako kaya sinalo na ako ni sky.

Sinakay ako ni sky sa kotse at mabilis siyang sumakay sa kotse niya nang makaalis na kami doon. Hindi ako tumitigil sa pag iyak at hinahawakan ni sky ang kamay ko at pinipisil iyon.

"Hindi mo dapat nakita iyon. Sorry karalyn, sana hindi na ako bumalik sa mall. Kasalanan ko, sorry talaga"

"Hindi mo naman kasalanan iyon sky eh. Huwag kang mag sorry, wala kang ginawang masama. Sadyang nakita ko lang na may kahalikan siyang babae. Masakit lang dahil ako pa mismo ang nakakita. Ayoko magpanggap pero sobrang sakit. Kung alam ba niyang buntis ako gagawin niya paring makipag halikan sa iba?"

Safe Place To Hide (Chasing Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now