Chapter 5

334 3 0
                                    

Nakatingin ako ngayon sa mga paperbag na nandito sa kwarto ni seb. Punong puno yung kwarto ng paperbag.

Paperbag na may konting kwarto.

Nagulat ako nang bumukas ang pinto.

"A-ahh saan ko ilalagay lahat ng pinamili?" Tanong ko.

"In my closet, for a while. And I'll buy a luggage for you" aniya at sinimulan buksan ang mga paperbag at inaayos sa closet niya.

"Mag tatagal pa tayo dito?"

"I don't know. Maybe hanggang matapos ang papers mo? And marami pa akong business na gagawin dito."

"Ang workaholic mo ano?" Hindi siya sumagot. "Oo nga pala anong gusto mong pagkain for dinner? Mag luluto ako"

"Nagpabook ako sa restaurant no need to worry" tumango ako. Ihh ganon?

"Uhmm... salamat. Babayaran ko lahat to sayo-"

"I didn't ask you to pay" sagot niya.

Para mawala ang awkwardness saaming dalawa nginitian ko nalang siya na parang timang. Hindi ko na alam ang ito-topic. Tahimik ba talaga siya?

"Don't worry, if the papers are done we can go back to the philippines"

"Talaga!?"

"You heard me right"

Hindi mawala ang mga ngiti ko sa sinabi ni seb. Ahhhh makikita ko na si Lolo.

"Happy?"

"Oo naman. Ilang taon ko ng gustong umuwi. Hindi lang talaga ako pinalad"

"Then why your papers are illegal? Bakit ka nag trabaho dito kung ayaw mong malayo sa pamilya mo?" Bigla akong napaiwas sakanya ng tingin.

Hindi ko alam amg sasabihin sakanya, hindi alam kung ano ang isasagot.

Ang sasabihin ko ba ay ilang taon ako ng kunin ako ng nanay ko na ang buong akala ko ay magbabakasyon kaming dalawa dito pero ibebenta lang pala ako sa mga hapon?

Na halos dito na ako lumaki?

Na kinailangan kong tumakas sa nanay ko at sa hapon para hindi matuloy ang balak nila saakin?

"Sir fren" napatingin kami sa pinto ni seb. Si sevi.

"What?"

"Ayy hehehe nag mo-moment pala kayo"

"What is it?"

"Wala. Gusto ko lang ng kausap" bigla akong natawa.

Sa totoo lang parang babae si Sevi kung magsalita. "Bago ka dumating, meron siyang ako duhh" napataas ang isang kilay ko at tumingin kay seb na parang siya ang nahihiya para kay sevi sa pinag sasasabi niya.

Pumasok si sevi sa kwarto at umupo sa kama.

"Leave"

"Ayoko. Pagod ako sa trabaho dami dami mong pinagawa. Hindi ka ba naaawa saakin?"

"Karalyn, you will be my new Asisstant Secretary. You'll start tomorrow-"

"Joke lang!!! Hindi ka naman mabiro sebastian kahit buong kumpanya ipatrabaho mo saakin no worries. Ako pa mag thank you sayo"

"Should I kill him?" Tanong ni seb saakin at tumango nalang ako.

"Sabi ko nga lalabas na ako eh" aniya at mabilis na tumakbo palabas.

------------

Gabi na at hindi ako makatulog. Kaya dahan dahan at maingat akong lumabas mg kwarto dahil baka magising si seb na natutulog sa sofa. Nag lakad ako papunta sa ref at tumingin ng maiinom. Kumuha ako ng baso at nag salin ng tubig. Pero napansin ko si seb sa sofa.

Safe Place To Hide (Chasing Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now