Chapter 14

323 4 0
                                    


Karalyn's POV ;

Lumabas agad ako ng kwarto at pinuntahan ang lolo ko. Gusto ko siya makita.

"Karalyn! Fragolina!"

Pumunta ako sa chapel pero nanh makita ko ang kabaong bigla akong napagigil.

"Karalyn" seb

Nawalan ako ng lakas na mag lakad papasok sa chapel. Napa-atras ako. Hindi ko kaya. Hindi pa ako handa.

"H-hindi ko kaya"

"It's okay for now you need ro rest"

"Hindi ko kaya. H-hindi ako ready" paos kong sabi habang nakatulala sa kabaong na natatanaw ko.

"Karalyn look at me" napatingin ako kay seb. "It's okay huh? Tara muna-"

Biglang may humila saakim at sinampal ako ng malakas dahilan ng pagkatulala ko ng makita kung sino ang sumampal saakin.

"What the fck!?"

Napahawak ako kay seb ng mahigpit at umatras ako.

"Ikaw! Bakit ngayon ka lang ha?! Kasalanan mo kung bakit namatay si tatay! Ikaw ang may dahilan! Dahil sayo tandaan mo yan!! Kung sinunod mo lang ako! Kung sumunod ka lang sa mga sinabi ko hindi hahantong sa ganito ang lahat!!"

"M-ma"

"Huwag mo akong tatawaging mama! Dahil wala akong anak na walang kwent-"

"STOP! You have no rights to tell her that!"

"Back off dude!"

"No! You back off!!"

"M-Mr. Cavendish?"

"You know him?"

"Y-yes"

"I'm warning you Mrs. Tejada, Don't you dare lay your hands even your nail to her. Hindi nito magugustuhan ang gagawin ko"

"AT SINO KA PARA TAKUTIN AKO WALA KANG KARAPATAN KUNG SINO KA MANG PONCHO PILATOT KA HINDI AKO NATATAKO-"

"WELL I'M NOT SCARED EITHER!! NOT A WOMAN LIKE YOU MRS. TEJADA!! WAG NIYO AKONG SINUSUBUKAN!"

Hinila ako ni seb pabalik sa bahay.

Tama si mama ako ang may kasalanan. "Tama siya" bulong ko.

"Ako ang dahilan. Kung nakinig lang sana ako sakanya noon hindi ako mangyayari ito baka doon palang gumaling na ang lolo-"

"Cut it! It's not your fault okay? She's just blaming you dahil wala siyang masisisi"

Umiling ako. "Kung noon palang seb sumunod ako sa mga sinabi niya, maganda sana ang buhay namin ngayo-"

"Fcck! What the hell are you saying?"

"Hindi mo kasi naiintindi-"

"Alam ko karalyn. Pero hindi pwedeng ikaw ang sisihin niya kahit nanay mo pa siya hindi ko siya sasantuhin. Naghananap siya ng sisisihin niya dahil alam niya mismo sa sarili niya na siya ang may kasalanan and now she's putting the blame on you"

"Look, I'm not mad to you. I'm mad to your mom and that Chua"

"S-siya si Mr. Chua?" Napatayo ako.

Ibig sabihin yung chua na yon na kasama ni mama noon na ibenta ako? Siya ang may connection sa pang bubugaw saakin. Kung sino sino ang tinatawagan niya para ibenta ako.

"W-what is it? Are you okay?" Hindi ako okay...

Bigla akong nabalot ng takot.

Habang nandito kami sa kwarto nakarinig kami ng ingay ni seb. "Ano iyon?"

"May umiiyak" anas ko.

"Ian?"

"Ate!!!"

Lumabas agad kami sa kwarto at nakita naming si Ian nga ang umiiyak.

Napatingin ako kay mama na may hawak na PVC na maliit kaya agad kong hinila si Ian papunta sa likod ko.

"Anong ginagawa mo ma!?"

"Huwag kang makialam dito karalyn!!!"

"Anong huwag makialam? Hinahatawan mo ng pvc yung kapatid ko! Hindi ka na nagbago! Anong klase ka!"

"Wala kang karapatan na pagsalitaan ako karalyn anak lang kita! Kaya wala kang karapatan kuwestiyunin ang pag dedesiplina ko sa anak ko! Ina niyo parin ako!"

"Iyan talaga ang ibabato mo saakin? Na anak mo lang ako? Pagkatapos ng pag iwan mo saaming magkakapatid? Bakit napaka selfish mo?"

"Tinawag mo talagang Ina ang sarili mo? Mula ng iwan mo kami wala na kaming Ina. Baka nakakalimutan mong iniwan mo saakin ang responsibilidad mo bilang ina?" hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil matagal kong tiniis lahat ng to.

"Ang dami mong responsibilidad na iniwan saakin! Yung kambal ko may leukemia ni piso wala kaming natanggap sayo. Si Ian nagka dengue lumapit ako sayo ulit pero kahit piso wala kang binigay at pinagtabuyan mo pa ako! Nag hanap ako ng trabaho kahit menorde edad ako. Kung saan saan ako pumunta at kung kani-kanino ako lumapit para sa mga kapatid ko."

"Ma ang dami kong tiniis! Tapos ikaw ang sarap ng buhay mo sa mga lalaki mo pero hindi mo naisip na may mga anak kang nagugutom! Na may anak kang nag hihintah sayo!"

"Sobrang bigat ng responsibilidad na pinasa mo saakin. Dapat nag aaral ako dapat nagpapakasaya ako sa kabataan ko pero naging ina ako sa mga kapatid ko."

"Inalagaan ko ang mga kapatid ko, nasubaybayan ko ang pag laki ni Ian, pero ako ma kinailangan ko rin ng mag aalaga saakin. Kinailangan ko rin ng isang Ina na mag aalaga saakin tuwing may sakit ako. Gusto ko ring maranasan na magkaroon ng ina pero wala."

"Gusto ko rin namang maging bata gaya ng iba.  Buong buhay ko nasa pag aalaga ng mga kapatid ko ako naka focus."

"Kahit pagod na pagod na pagod na ako wala naman kayong narinig na reklamo saakin. Kahit pagod na pagod na pagod na ako hindi ko na inisip ang sarili ko, may maibigay lang ako!"

"Pero ni isa walang nag tanong kung okay lang ba ako, kung kamusta na ako, kung nahihirapan ba ako. Sukong suko na ako pero pag nawala ako paano na si Ian at Lolo? Pero ako? Walang nag iisip saakin! Kasi kahit sarili ko hindi ko na maisip!"

Hindi ko na napigilan ang sarili kong humagulgol sa harap ni seb at ni mama. At wala na akong pakialam kung marinig pa kami ng mga kapit bahay.

"Naalala mo, humingi ka ng tawad, akala ko magiging okay ma tayo kasi sabi mo pupunta tayo sa japan doon ako mag aaral at tutulungan kita para makasunod si Ian. Pero bakit pag dating doon agad mo akong binenta? Humihingi ako ng tulong sayo, tinatawag kita, nagmamakaawa ako sayo pero wala ka man lang pakialam saakin"

"Ma, gusto ko pang I-enjoy ang buhay ko. Gusto kong magkaroon ng kalayaan, gusto ko maglaro, pero tuwing may nakikita akong ibang tao na masaya sa ginagawa nila inggit na inggit ako kasi dapat ganon din ako kasaya gaya nila pero napunta saakin ang pasanin at responsibilidad mo"

"Hindi ikaw ang nagpalaki kay Ian. Hindi ikaw ang nanay niya. Sayo lang siya galing, pero ako ang naging nanay niya kaya wala kang karaparan sa Kapatid ko."

"Napaka selfish mo ma. Hindi mo alam kung anong hirap pinagdaanan ko sa japan. Araw-araw akong nababalot ng takot na baka makita mo ako at ibenta ulit sa mga hapon. Pera lang naman importante sayo, hindi ang mga anak mo."

"Tandaan mo Karalyn, kung hindi dahil saakin wala ka ngayon. Kung nakinig lang ako sa tatay mo noon na ipalaglag ka edi sana-"

"HINDI KO HINILING SAYO NA BUHAYIN MO AKO!!!" buong lakas kong sigaw.

"SANA NGA PINALAGLAG MO NALANG AKO!! DAHIL MAS GUGUSTUHIN KONG IPALAGLAG MO AKO KAYSA MAGING INA KA!!"

Safe Place To Hide (Chasing Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now