Chapter 8

359 2 0
                                    

Anong oras na hindi pa ako makatulog. Hanggang ngayon iniisip ko parin ang kwento ni seb about sa parents niya. Wala lang masyado akong naantig sa nangyari sa parents niya.

Nandito ako sa balcony at pinag mamasdan ang tanawin. City of lights mula dito sa hotel.

"It's cold. Bakit nandito ka?"

"Ahh wala hindi ako makatulog" sagot ko.

Muling nabalot ng katahimikan. "Seb ikaw, kung sayo nangyari yung nangyari sa daddy mo anong gagawin mo?"

"hmm" napatingin ako sakanya at hinihintay ang isasagot niya. Ang elbow niya ay nakatukod sa bakal na humaharang saakin at naka likod siya habang ako nakaharap sa city of lights.

"Siguro disappointed and at the same time mad. But I am my father's son so I'll do what my father did. I ask the person I love to marry me and she just answered it. Sinagot lang niya ang tanong ko. If she answered no then I'll be patient to her"

"May I ask anong work ng parents mo?" ang ramdom naman ng tanong ko.

"Are you interested to them because I told you their Story?"

"Oo naman ang sweet ng daddy mo sa mom mo eh" sagot ko.

"My Father was a Successful business man and he has a lot of companies and he is also a Pilot. My mom was a successful surgeon doctor and a beautiful fine lady"

"Was? Ibig sabihin hindi na sila nag wo-work?"

"Yeah. Because they died"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "S-sorry h-hindi ko na dapat brining up-"

"My parents chose to end their lives because against ang grandparents ko sa relationship nila. You know why mom said no to dad triple times? Dahil hindi pa ready si mom na bumuo ng family dahil alam niyang against ang parents ni mommy sakanila. Ayaw niyang may gawin sila kay dad."

"Not until they decided to end their lives together, without any hesitations"

"Even they already had me" kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

Hindi ko alam na ganon pala kabigat yung nararamdaman niya. "Ilang taon ka nang mawala ang parents mo?"

"8 months if I'm not mistaken" h-ha!? E-eight months!?

"T-talaga? Baby ka palang noon?"

"Ang bedtime stories ko ay ang story ni mom and dad. Si lolo at lola ko ang nag kukuwento saakin about them."

"How about your grandparents sa mother side?"

"Nah, they are all blaming me for what happened to mom" hindi ko alam pero kusa kong hinawakan ang kamay niya at nginitian siya.

---------

Late nanaman akong nagising dahil napuyat nanaman ako. Pag gising ko wala si seb at si sevi ang nakita ko. Nag luluto ng pancake.

"Oh bakit nandito ka? Si seb?"

"May inaasikaso pa. Kain na"

"Go lang" anas ko at umupo. "Ilang araw kitang hindi nakita"

"Namiss mo agad ako? Ikaw ah, uyy crush mo ako ha. Nako wag baka mag selos ang honey my love so sweet kong si sebastien" natawa ako sa sinabi ni sevi.

Habang kumakain kami ay tinanong ko siya agad.

"Anong name mo?"

"Sevi"

"Full"

"Sevi Gwapong Nilalang Hernaez" O_o

Safe Place To Hide (Chasing Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon