Chapter 21

195 2 0
                                    

Pagkatapos ng libing ay nanatili akong nandito at hindi umalis. Iniwan din muna ako ni sebastien pero alam kong nakatingin siya saakin sa malayo.

Buong lakas kong sinilip si tatay nang ihahatid na siya. Kahit sobrang hirap para saakin na tanggapin lahat. Tatlong tao na ang nawala saakin. Tatlong importanteng tao....

Pero wala akong nagawa para iligtas sila.

Wala akong nagawa para sakanila.

Magkakatabi lang silang tatlo.

"Karlyn, kasama mo na si papa at lolo. Alam kong masaya at malaya na kayo. Hindi man madali pero kailangan kong tanggapin. Pero sana bigyan niyo ako ng lakas ng loob. Kahit masakit, titiisin ko. Ako na ang bahala kay Alex at Ian. Magpapaka tatag ako." Sabi ko habang nakatingin sa langit.

Hindi ko kayo bibiguin.

Pinuntahan ko si sebastien at sevi para sabihin na aalis na kami. Pag dating namin sa bahay ay dumeretso agad ako sa kwarto at umiyak.

Naramdaman kong may humagod sa likod ko. Napatingin ako kay seb kahit humihikbi na ako. "I'm here to check you" nginitian ko siya.

"You've been strong for so long, but don't forget to remind yourself that it's okay to cry, to be fragile, and to be vulnerable at times. Just keep going even life if is full of shibal" bigla akong napatawa ni sebastien dahil sa huling sinabi niya.

"What? I'm serious" aniya pero hindi ko mapigilang tumawa.

"See my wife is beautiful when she's smiling"

"Ewan ko sayo nag e-emote yung tao eh!"

"Wanna eat something?"

"Ikaw?"

"Are you sure about that baby?" Naka smirk niyang sabi at nanlaki ang mata ko ng ilapit niya ang mukha niya saakin.

"Be careful what you wish for" aniya na nakatingin sa mata ko at bumaba sa labi ko.

"S-sabi ko, ikaw a-anong gusto mo bang kainin?" Utal kong sabi.

"You"

"Tigilan mo ako seb" anas ko at tumayo agad. "Tara na nga baka may makarinig sayo" sabi ko at lumabas pareho.

"So? We're married after all so we can whatever we want wherever we want"

"Yang bunganga mo nga" kinurot ko siya sa tagiliran niya dahil sa pinag sasabi niya.

"Alex told me na bigyan natin siya ng inaanak"

"Ewan ko sayo seb"

"EHEM!" natigil kami ni seb dahil nakatingin at nakikinig pala sila Alex, Sevi, Ian, Gabriel, Mark at ang mga kaibigan niya nagulat pa ako nang makita sila aki, sky, at heaven at ang laki mg ngiti ng mga loko.

"I'll pretend that I didn't here anything" Heaven.

"Ian alam mo, masama ang narinig mo tara sa labas" ani sevi na nakatakip ang kamay sa tenga ni Ian.

"Wala told, wala ka ng habol kasal na pala" pang aasar ng mga kaibigan ni mark sakanya.

"Ahihi tama agree ako pogi!" Masayang sabi ni alex.

"See I told yo-" siniko ko agad si sebastien.

Nag order pala ng pagkain si seb. Agad akong lumapit sa pagkain at kumuha ng styro plate. "Are you sure ayaw mo ng offer ko? Masarap, and unlimited pa with freebie" aniya at kumindat.

"Seb"

"What? Triplets ang freebie" Humahalakhak niyang sabi.

"Ewan ko sayo. Maligo ka na nga"

Safe Place To Hide (Chasing Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now