Chapter 16

212 3 0
                                    

Ilang araw na kami dito pero hanggang ngayon hindi ko parin kayang tignan si tatay. Pumupunta ako sa chapel para mag bantay pero hindi ko siya sinisilip. Nandito rin pala si sevi, dumating nung isang araw pa.

At ayon palakas ng palakas yung sugal. Ewan ko ba, ayoko sana ng may sugal dito pero mga tao rito ang nag pupumilit. At kung tatanungin niyo kung saan natutulog si seb ay siyempre dito sa kwarto ko. Wala na kasing extra na kwarto. Si Ian natutulog sa kwarto ni tatay kasi tabi talaga sila matulog. Si alex naman ay natutulog sa kwarto ni Ian. Yung isang kwarto naman kay mama.

Si sevi naman katabi niya si Ian. Ewan ko ba anong ginawa ni sevi at naging close sila ni Ian. Madalas sila ang nakikita kong naglalaro at magkasama.

Si Alex naman tinutulungan kami. Kaibigan ko si alex at gay siya pero masculine siya magsuot although wala namang kaso saakin kung ano ang isuot niya, sinasabi ko lang.

"Kara kamusta?" Napatingin ako sa gilid ko. Si mark yung gustong gustong manligaw pero di ko pinapayagan manligaw.

"Okay lang naman, Ikaw?"

"Gwapo parin" nye.

"Ewan ko sayo hanap ka kausap mo" biro ko.

"Ganda mo parin"

"Anong kailangan mo?"

"Wala ah! Sinabi ko lang na maganda ka parin hehehe"

"Hoy kuya mark sumesegwey ka nanaman kay ate. Wala ka talaga pag asa kay ate noh hmp!" Ian

"Aba aba! Dumating ka lang ginaganyan na ako ng kapatid mo. Nung wala ka rito nakadikit yan saakin eh" tumawa ako. "Oh eh bakit ka nag rereklamo saakin? Sakanya ka mag reklamo" tumatawa kong sabi.

"Loko iyon ah" napailing nalang ako.

"Sino pala yung kasama ni Ian na lalaki? Hun din yung nag punta dito nung nakaraan"

"Ahh si Sevi"

"Boyfriend mo?"

"Ha!? Ayon!? Si sevi boyfriend ko!? Hindi noh!"

"Akala ko boyfriend mo. Baka pinopormahan ka"

"Nako hindi noh takot lang niya. Kaibigan yon si sevi"

"Baka ka-ibigan ayaw mo lang aminin"

"Gaga! Hindi nga!" Aniko pero ayaw nito maniwala at inaasar pa ako.

"Kaibigan nga."

"HAHAHAHA Ulit!"

Napatingin kami sa malakas na tawa siyempre kilala ko na. Si sebi labas na labas lahat ng ngipin niya tuwing natawa tapos pumapalakpak pa na parang seal.

"Normal ba yan?"

"Grabe ka naman. Ganyan lang talaga siya, tsaka makulit at madaldal yan siya" tumawa siya.

"Akala ko boyfriend mo. Wag ka magkakagusto sakanya hindi ko siya gusto para sayo mukhang may saltik eh"

"Eh sino gusto mo? Alangan ikaw? Ayoko"

"Ayaw mo ako nalang? Kung ayaw mo edi dapat mas pogi saakin"

"Huwag mo akong hinahamon"

"Sus wala kang makikitang mas pogi saakin. Masipag naman ako, may trabaho nga ako eh" napatango tango ako.

"Okay.. kasi may Matangkad, gwapo, hardworking, mabait, cute, seryoso, galitin na lalaki akong natitipuhan eh"

"Mayaman?"

"Oo"

"May pera din naman ako ah! Tsaka may business din kami"

"Bakit? Wala naman akong sinabing gusto ko ng mayaman ah. Wala nga yung word na mayaman sa mga sinabi ko"

Safe Place To Hide (Chasing Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now