Chapter 18

198 3 0
                                    

Nandito ako sa kwarto at nag ce-cellphone at kumakain ng cheese ring. Namiss ko tong cheese ring eh. Tamang scroll ako sa facebook at tamang nood lang.

Naramdaman kong may humiga sa tabi ko, si seb. "Oh nandito ka"

"Am I not allowed here?"

"Ahh hindi. I mean hindi ko kasi naramdaman ang pag pasok mo" sabi ko at tinignan niya ang Rolex niyang relo.

"30 minutes na akong nandito, you're busy with your phone" sagot niya.

"Gano'n ba? Hehehe sorry naman. May kailangan ka ba?"

"None"

"Sige matulog ka nalang kung naboboring ka" sabi ko pero ng tignan ko siya nakapikit na siya. "Ayon, tinulugan ako" sambit ko.

Sa kalagitnaan ng pag i-scroll ko ay biglang may nag notif sa facebook ko, may new friend request na agad kong tinignan.

Gabriel Bryce Loughty sent you a friend request.

Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Parang hindi ako makahinga. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

"Fck you" inis na sabi ko.

"What?"

"H-ha?"

"Did you just cursed at me?" Napatingin ako kay seb na nakatingin saakin at magkasalubong ang dalawang kilay.

"H-hindi ikaw ano ka ba. Bakit naman kita mumurahin? Hindi ikaw teka akala ko ba tulog ka?"

"Tsk. May kaaway ka ba?"

"Wala, ito kasing pinapanood ko"

"Wala akong narinig sa phone mo na may pinanood ka"

"I mean yung nakita kong post kasi!" Pag dadahilan ko. Kinuha niya ang phone ko.

"Gabriel Bryce?" Tanong niya. "Why did he sent you a friend request? Does he know you?"

"Kilala mo ba?" Tanong ko.

"A competitor"

"Saan?"

"Business. But why the hell did he sent you a friend request?" Nag kibit balikat ako.

"Do you know him?" Tinignan niya ako ng diretso sa mga mata ko. "Hindi" maiksing sagot ko. Binalik niya ang phone ko.

Ia-accept ko ba?

Muling may nag notif saakin and this time sa Instagram naman. Finollow ako ni gab.

"He followed you" napatingin ulit ako kay sebastien na nakaupo na at naka tingin sa phone ko.

"What he's up to? Nakita ba niya recent post ko at nakatag ka?"

"I don't know" sagot ko.

"Weird" napapaisip niyang sabi.

"He looked skeptical" dagdag niya.

"Sige na matulog ka na" sambit ko.

Ano nanaman kayang balak nito at nag add saakin?

Siya ang unang mag unfriend saakin afrer what happened in the past bigla akong inunfriend. Bahala siya diyan.

"Decline it" rinig kong sabi ni sebastien na agad kong ginawa pero nag add nanaman ito kaya hinayaan ko na. Gagawin ko 'tong follower ang kulit ba naman.

Ang tagal narin mula nang magparamdam siya, ngayon lang ulit ano kayang nangyari sakanya? Wala na akong naging balita sakanya eh.

Bumuntong hininga ako.

Safe Place To Hide (Chasing Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now