Chapter 10

266 3 0
                                    


Wedding Day

"Huy bakit malungkot ka?" napatingin ako kay lia.

Inaayusan kasi ako ni Lia. Dumating siya kagabi nagulat nga ako nandito siya pero sabi niya si seb daw ang nagpapunta sakanya dito.

"Hindi, may iniisip lang"

"Karalyn kung ayaw mo, huwag ka na tumuloy. Infact kahit na bilyonaryong lalaki siya hindi mo parin naman siya kilala"

"Hindi iyon lia. Kasi these past few days parang alam mo yon nawawalan ako ng gana tapos sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Tapos ewan ko parang kinakabahan ako. Parang may mali kasi hindi ko lang alam kung ano" hinila ako ni lia at niyakap ng mahigpit.

"Huwag mo muna isipin iyan, sa ngayon ngumiti ka muna dahil kasal mo ngayon. At isa pa nag hihintay na sila. Ito oh bulaklak mo"

Napatingin ako sa bulaklak sa inabot niya. "Wedding Flower Crochet?" nakangiti kong sabi.

"Allergy ka sa bulaklak diba"

"Buti may nabili ka? Hindi ko naisip ito"

"Secret sana ito pero I think you need to know" pinaningkitan ko siya ng mata.

"Si sebastien ang gumawa niya. Noong nabanggit mo saakin na pakakasalan mo siya. Kinausap ko siya. Pero ang suggestion ko, kahit yung artificial flower. Yung silk gano'n pero hindi ko alam na crochet pala at siya pala mismo gagawa niyan" O.O

Totoo ba?

Kaya ba madalas siyang puyat at kalagitnaan ng gabi akala ko nag tatahi siya ito pala ginagawa niya?

Biglang bumilis tibok ng puso ko. Jusko among nangyayari.

"Miss Karalyn" napatingin ako sa tumawag saakin. Yumg BG ni seb.

"Tara na" naka silk dress ako na above the knee color white tapos tube pa.

Pagsakay namin ay agad nagsalita si lia. "Kinakabahan ka ba?"

"Maniniwala ka ba pag sinabi kong hindi?"

"Eh?"

"Hindi ko alam lia kung bakit hindi ako kinakabahan lalo na tuwing kasama ko si Seb. Ang komportable ko nga eh"

"Sus baka naman inlove ka na"

"Hindi 'no! Honest lang naman ako. Kita mo hindi ako kinakabahan"

"Mukha ngang chill ka lang eh"

"Tse!" inirapan ko siya.

Sana naman walang mangyaring hindi maganda ngayon.

Ilang minuto ang lumipas ay napansin namin ni lia na parang hindi umuusad ang sasakyan.

"Anong nangyari?" Lia

"Mukhang may aksidente po"

"Ano!? Hindi pwede late na ang kaibigan ko" ani lia.

Napa tingin ako sa oras at late na nga. 6 minutes na pala. "Tawagan mo si seb" ani lia.

"Ha? Wala saakin yung phone ko. Hawak ni sevi eh"

"Ano!? Eh naiwan ko sa hotel yung phone ko"

"Paano na iyan? Hindi natin alam ang lugar dito"

Aish!! Ngayon pa talaga. "Tara!" binuksan ko ang pinto at bumaba ako agad.

Nako!!! Baka magalit si seb hindi pwede!!

"Karalyn!"

"Miss karalyn saan ka pupunta!?"

Hindi ko na sila pinansin. Si lia naman hinabol ako. "Nakakaloka ka! Baka akalain ng mga tao rito runaway bride ka"

"Wala na tayong choice. Baka magalit si seb tsaka masama pa magalit iyon. Ayaw niya ng late"

"Wala tayong magagawa eh may aksidente doon" hinihingal na sabi ni lia.

"Time first! Pagod na ako!!!" reklamo ni lia. Napahinto tuloy ako. Tinanggap ko ang heels ko maging si lia nag tanggal na ng heels.

"Ang epic naman ng kasal mo teh! May balat ka ba sa pwet!?"

"Baka ikaw!"

"Omg paano mo nalaman!?" lia.

"Teka alam mo ba kung saan!?" muling tanong ni lia. "Oo naman pumunta kami ni seb doon eh. Kaso malayo pa" hirap kong sabi dahil sa hingal.

Napatigil ulit kami sa pangalawang pagkakataon at sakto namang nakakita kami ng orasan at late na kami masyado.

Mukhang aabutin kami ng isang oras.

"Ayoko na teh!!!" ani liya at umupo na sa sahig. Napahawak na rin ako sa tuhod ko dahil sa pagod at hingal ko. Nakalayo na rin kami ni lia.

"Tara" tinayo ko si lia at hinila.

Pagkatapos ng mahabang pagtatakbo namin ni lia ay nakarating na rin kami sa destination namin. Hinanap pa namin sila dahil walang ka-tao tao kahit kuko ni seb hindi ko makita.

Civil ang wedding namin pero hindi na hineheld ngayon ang civil wedding sa courthouse. It's either home or garden or kung saan mo gusto ganapin yung civil wedding. Pero dito sa queenstown hineld ang wedding namin ni seb.

Wedding mountain siya at ang ganda ng tanawin.

Hanggang sa nakita namin sila at tumakbo kami palapit. "They're here" aki

Napatingin ako kay seb na hawak ang phone niya na tila may kausap ito.

"Saan kayo galing?" sevi

"Teka ha! Hihinga muna kami" ani lia

Agad kaming inabutan ng tubig ni heaven.

Hooo!!! Grabe ang wedding of the century. Tuloy pa ba!? Gusto ko nalang magpahinga.

"Where have you been?" seb

"Alalang alala kami sainyo hindi namin kayo matawagan" sevi

"Naiwan ko phone ko sa hotel. May aksidente kasi kanina eh mukhang matatagalan kaya tumakbo na kami. Wala naman kaming dalang pera pang bayad" lia

"Let's postponed-"

"Hindi" napatingin sila saakin. "Itutuloy natin to. S-sayang eh tsaka nandito naman na tayo"

Nag tinginan sila na parang nag dadalawang isip pa sila. Sinuot ko ang heels ko at hinila si seb papunta sa harap.

Habang nagsasalita yung magkakasal saamin napatingin ako sa apat na empty chair. Sinabihan ko kasi si sevi na mag lagay rin ng 4 extra chair. Para kay lolo at papa. At dalawa para sa parents ni sebastien. Tinanong ako ni sevi kung para saan ang sobrang upuan pero sabi ko maglagay nalang siya at pag di siya nag lagay ipagkakalat ko talaga yung pangalan niyang Sevirino Emanuel.

After nitong civil wedding, ano na kaya ang mangyayari? Ano na ang gagawin ko? Sa pinas na ba kami mag i-stay? Makakasama ko na ba ang pamilya ko?

Tama ba tong ginagawa ko?

Ano ang susunod kong magiging responsibility?

Ang daming pinasa saakin na responsibilidad na sobrang bigat at hindi naman dapat. Natatakot akong magkamali na baka isang pitik lang marami ng mawala. Ayokong umabot ulit sa time na mag makaawa ako.

After ba nitong kasal na 'to ano ang magiging karapatan ko?

Napatitig ako sa isang banda habang pinapakinggan ko ang vows ni seb. Hindi ko gets, kahit ba biglaan tong kasal tapos mangangako ka sa isang taong hindi mo kilala at manunumpang mamahalin siya habang buhay counted ba yon? I mean valid parin ba?

Of course valid malamang kinasal. I mean urgh! Hindi ko ma-explain ng maayos jusko!

"In life's darkest moments, I vow to be your guiding light. When the world seems cold and uninviting, know that my warmth will comfort you. And when the burden of hard times feels too heavy for one person alone, let me be there for you as a strong shoulder to lean on. In joy or sorrow, in good times or bad, I will stand by your side enthusiastically and faithfully until the last breath leaves my body. I promise to not only listen but to hear."

Tama ba ang vow ko? Omg baka mali!

Ayan lang ang kaya kong ipangako sakanya at sa harap ng mga kaibigan niya, dahil walang kasiguraduhan kong hanggang kailan tatagal to. Baka isang araw magising nalang ako, pipirma na ako ng divorce paper.

Safe Place To Hide (Chasing Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now