Chapter 36

188 2 0
                                    

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Akala ko mababangga na ako. Napapapikit ako dahil sa lakas ng ilaw ng kotse. Biglang bumaba ang nagmamaneho ng kotseng muntik ng makabangga saakin.

"Fuck! Magpapakamatay ka ba talaga miss!?" Natulala ako boses na narinig ko.

"Kung magpapakamatay ka! Doon ka sa tulay huwag dito! Namimirwisyo ka pa!" Galit nitong sigaw.

Tinanggal ko ang kamay kong nakaharang sa mga mata ko at yumuko sakanya.

"S-sorry"

"Freja?" Napintig ang tenga ko sa pagtawag niya saakin. Napangiti ako dahil sa pag tawag niya saakin.

"What are you doing? Balak mo bang magpaka matay?"

"H-hindi may pupuntahan lang sige alis na ako" anas ko at patakbo na sana nang biglang may motor na dumaan sa harap ko at naramdaman ko ang pag hila niya saakin.

"Fuck! Can you watch your steps?" Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Yung amoy niya!

Waaahhh!!!!! Gusto ko siyang yakapin!

"What are you doing? You pervert!"

"Hindi 'no!"

"Ganitong oras may pupuntahan ka!? Seryoso ka ba!?"

"O-oo mukha ba akong nag bibiro? Ewan ko sayo nagugutom ako eh!"

"What? Ganitong oras? Wala bang pagkain sa bahay niyo?"

"Ano naman? Eh wala doon ang gusto ko!" Pag tataray ko at inirapan siya. Nag lakad na uli ako at hindi alam saan pupunta. Nang makakita ako ng tindahan biglang kuminang ang tindahan sa mga mata ko.

"Pabili po!"

"Ano 'yon?"

"May jelly po kayo?"

"Anong jelly?"

"Jelly nga po"

"Ano ngang jelly miss? Jelly ace?" Jelatin?"

"Jelly"

"Aba! Hindi ko alam ang sinasabi mo! Umalis ka na nga"

"Jelly lang hindi mo pa alam!" Inis na sabi ko at napa padyak sa inis at napakamot sa ulo ko. Napaupo nalang ako sa hilid ng tulay dahil sa pagod at sakit ng paa ko.

"Jelly lang hindi alam. Ano ka alien para hindi alam kung ano ang jelly!?" Inis na sabi ko na parang may kaaway.

"Get up" napatingin ako sa nakatayo sa gilid ko.

"What do you want to eat?" Napatayo agad ako dahil sa tanong niya.

"J-jelly"

"Tara" napangiti akong nakasunod sakanya at dumidikit ako sakanya para maamoy siya. Ang bango talaga!

Pinasakay niya ako sa kotse niya. "S-saan tayo pupunta?"

"Hotel. Wala ka ng mabibilhan dahil anong oras na"

Hindi ako mapakali dahil straight ang upuan at hindi ko makapa yung dahil na hihilain.

"Urgh nasaan na ba kasi iyon!" Inis kong sabi.

"What are you doing? Para kang kiti kiti hindi mapakali"

"Eh ang straight nitong upuan eh! Nahihirapan ako gusto ko ihiga ng konti hindi ko naman makita yung dapat na hihilain!" Inis na sabi ko sakanya.

"Hays!" Nagulat ako sa biglang pag lapit saakin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, yung mukha niya ang lapit saakin. Napalunok ako at napatingin sa labi niya.

"Okay na" anas ko at umupo ng maayos. Wag ka na umasa karalyn.

Kumirot ang tiyan ko at napangiti ako dahil nagwawala ang tatlong bata sa sinapupunan ko ngayong kasama nila ang tatay nila.

Safe Place To Hide (Chasing Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now