11: Simmons Mansion

283 14 0
                                    

Natuod ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa napakalaking mansyon sa harapan ko. May tatlong palapag yata iyun at napakalapad. Nakatayo iyun sa malawak na piraso ng lupain at may matataas na bakal na bakod.

An estate.

"Ano 'to?" sambit ko.

"The Simmons Manor?" patanong na sagot ni Faizah.

Hindi ako makapaniwala na dito sa Upstate tumira ang Lola Caridad ko at iba ko pang ancestors.

Dito lumaki si Mama.

"Limang taon na rin siyang abandonado. N'ong namatay ang Lola mo, wala nang nag-alaga. Umalis na rin ang mga tagasilbi."

Napatingin ako sa paligid. Mas tamang sabihin na napapalibutan ng talahiban ang property.

"So, mayaman ang mga Simmons?"

"It's a founding family, Savannah. What do you expect?" ani Faizah sa tonong parang nagsasabing 'duh.'

"Okay. That makes sense."

"Gusto mong pumasok?"

"Paano?"

"Through the door?" patanong nanaman niyang sagot kaya itinaas ko ang kamay para batukan siya pero nakatakbo na siya habang tumatawa.

Naiiling na sinundan ko na lang siya palapit sa main door ng mansyon na kulay puti na ngayon ay nababalot ng mga baging at gumagapang na mga halaman.

Napatingin ako sa inaapakan kong cobblestones. Ang dami sigurong pera ng pamilyang Simmons.

May pera kami dati- marangya at masagana ang buhay- ngunit hindi ganito. Wala kaming mansion na ganito kalaki. Sa isang high rise building kami nakatira na may apat na kwarto.

"Locked," ani Faizah na pinipihit ang brass doorknob. Nagmukha siyang maliit dahil sa taas at lapad ng pintong solid wood na may carvings ng kung anu-anong hayop at halaman.

"Baka mahuli pa tayo rito for trespassing," sabi ko.

"Girl, sa inyo ito. Ano'ng trespassing pinagsasabi mo," aniya saka pinihit uli ang doorknob, this time, mas agresibo.

May naalala ako bigla. "Wait, wait," dali-dali kong hinalukay ang aking tote bag na puno ng kung anu-anong mga walang kwentang bagay. "Here!"

Nanlaki ang mga mata ni Faizah at napangisi siya nang makita ang sobreng itinaas ko.

"Tama! Ipinadala pala 'yan ni Grams sa Mama mo five years ago n'ong namatay ang Lola mo," bulalas niya.

Dali-dali kong binuksan ang envelope at nakita kong kumunot ang noo ni Faizah.

"Hindi binuksan ng Mama mo?"

Umiling ako. Sinilip ko ang laman ng envelope at nakita kong may sulat doon.

Dear Ariana,

Hindi ko alam kung naaalala mo pa ako. Ako ang kaibigan ng Mama Caridad mo na si Octavia Atwood. Ikinalulungkot kong ibalita sa'yo na pumanaw na ang iyung ina. Iniwan n'ya sa'yo ang kanyang estate at responsibilidad sa bayan ng Hellville. Umasa siya na haharapin mo ang duties ng pamilya n'yo sa bayan.

Sana ay bumalik ka na ng Hellville. Kailangan ka namin.

Sincerely,
Octavia

Napatitig ako sa sulat na 'yun at inisip ang aking ina. Ni hindi niya binuksan itong sulat.

She didn't look back.

"Savannah, okay ka lang?"

Nag-angat ako ng tingin kay Faizah saka tumango. I didn't think I will understand my mother's feelings to leave. But I respected her decision. Hindi niya ito gagawin kung wala siyang rason.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon