12: Rights

278 12 1
                                    

I asked for a meeting with the Town Council the next week. Pinaghandaan ko ang araw na ito dahil may proposal akong ipi-present sa harapan ng mga Council members na may superiority complex.

Kinakabahan ako habang nakaupo sa upuan ko sa mesa. Sa may sulok ay nakaupo si Grams Octavia, Lorenzo at Faizah. Nandito sila dahil hiningi ko ang kanilang moral support.

Inayos ko ang aking suot na puting collared shirt na pinaresan ko ng itim na pantalon at sneakers.

"Hey," nilapitan ako ni Lorenzo at tinanggal niya ang aking mga kamay na kanina pa hila nang hila ng aking kwelyo. "Breathe in, breathe out."

Ginawa ko naman ang sinabi n'ya kaya napangiti siya. Oh, I was aware of his warm hands around mine. It was... comforting.

"You can do this. Ilang gabi mo itong pinagpuyatan. You got this," pagbibigay niya sa akin ng lakas ng loob. Inayos niya ang aking kwelyo gamit ang kanang kamay habang hawak pa rin niya ako gamit ang kaliwang kamay.

Noon bumukas ang double doors ng conference room at pumasok si Magnus Bloodworth. Sa tabi niya ay ang nakapamulsang si Titus Bloodworth na nakasuot ng puting round-necked cotton shirt, black jogging pants, at white sneakers. May suot siyang gold chain na hindi masyadong mahaba at makapal.

Nagtama ang paningin namin bago siya napatingin sa mga kamay namin ni Lorenzo.

Siya ang unang nag-iwas ng tingin at nagpunta sa kanyang upuan sa tabi ng kanyang ama.

Tiningala ko si Lorenzo saka ngumiti. Pinisil n'ya muna ang kamay ko bago siya nagtungo sa kanyang silya sa sulok.

"Good morning, Mrs. Atwood," pormal na bati ng mag-ama kay Grams Octavia.

"Good morning," ani Grams sabay tango.

Sunod na dumating sina Nadine at Matteo kasama ang kanilang mga ama na parehong kunot ang noo.

"Good morning, everyone," magiliw at malakas na bati ni Matteo. Lumapit ito kay Grams Octavia saka nakipagkamay sa matanda.

"What is this about?" bulong ni Nadine nang bigyan ako ng mabilis na yakap. Nagulat pa ako.

"Something very important," sagot ko at tumango naman siya bago umupo.

Dumating na rin si Mayor West.

"I believe this is it. Our wives have some business on their own," anang ama ni Matteo kaya tumango ako.

Tumayo si Faizah at may puting folders na iniabot sa bawat isa sa kanila.

They scanned the contents of the folder. They didn't look dismissive. Mukhang pinag-aaralan nila ang laman n'on. Maging si Titus na patamad na nakasandal sa kanyang upuan ay binabasa ang laman ng folder.

Napalingon ako sa mga Atwood at binigyan nila ako ng encouraging na ngiti.

Huminga ako ng malalim.

"It's been three weeks since my siblings and I arrived in this town. I immediately saw a problem that my ancestors failed to address," tumingin silang lahat sa akin at gusto kong manliit.

Hindi ako sanay sa public speaking. Kaya naman ilang gabi akong nag-memorize at nag-practice sa kwarto namin ni Rianah ng aking speech.

"Nakita kong mayayaman ang ninety-nine percent ng mga bampira. One percent of you are poor. They are the orphans, and the widows. Hindi ko alam kung bakit hindi ninyo sila tinutulungan. They are vulnerable and helpless," lakas-loob kong sabi, afraid they would be offended.

Oftentimes, the truth hurts. The truth offends. Usually, people respond with defensiveness or violence.

Kaya nandito ang mga Atwood. They were not here for moral support alone. They could protect me if the vampires decided that the truth was offensive.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon