24: A Visitor

24.7K 910 119
                                    

Kanina pa masama ang tingin ko kay Titus dahil hindi man lang niya ginagalaw ang pagkain n'ya. Wala raw siyang gana maghapunan kaya matutulog na lang daw s'ya. Kaya heto s'ya at nakadapa sa kama niya habang naka-topless at nakasuot ng navy blue na jogging pants. Bakit ang sarap titigan ng likod niya? Lahat yata ng muscles ay nasa tamang lugar at mas nai- emphasize iyun sa bawat flex niya.

"Stop gawking at my body," he said in a husky voice.

Shoot.

Agad akong napaiwas ng tingin nang mapansing nasa akin pala ang mga mata n'ya. Para akong tangang nakatayo dito sa paanan ng kama n'ya bitbit ang isang baso ng tubig. Sa halip na ibigay 'yun sa kanya ay ako ang napainom n'on.

"Why aren't you taking care of me?" sabi nanaman n'ya pero hindi ko pa rin siya tinatapunan ng tingin.

"Ehem. I'm... I'm taking care of you. Matigas lang ang ulo mo," sagot ko naman saka lumapit sa bedside table kung saan nakapatong ang amulet ko na pinatanggal n'ya kanina.

"You should feed me. See? I can't even lift my own hand," umarte pa siyang nahihirapan gayung wala namang problemang tinanggal n'ya kanina ang suot na t-shirt.

Huminga ako ng malalim saka ko s'ya binalingan.

"I'm very weak because of you," mariin niyang sabi.

"Oo na nga 'di ba? Inaalagaan ka na nga 'di ba?"

"Are you angry?" kunut-noo siyang pumihit patagilid kaya tumambad naman sa paningin ko ngayon ang kanyang dibdib at abs.

Kaya wala akong nagawa kundi ang mag-busy-busyhan sa pag-a-arrange ng mga pagkain na nasa bedside table kahit na arranged na arranged na ang mga 'yun.

"You're nervous, aren't you?"

"I'm not."

"Oh, c'mon. Admit it. Are you nervous because I'm half naked?"

"Titus! Magbihis ka kasi."

"Tsk. Fine. Arte," padabog siyang tumayo at isinuot ang puting t-shirt na nasa sandalan ng couch na naroon.

Nakahinga naman ako ng maluwang dahil sumunod s'ya sa gusto ko.

"Kumain ka na."

"Tsk. Later," aniya saka muling dumapa sa kama n'ya.

"Okay," kibit-balikat kong sagot.

May narinig akong mahihinang katok kaya mabilis akong lumapit sa double doors at binuksan iyun.

Isang maid na witch na kaedad lang yata namin ang nakita ko at may bitbit siyang itim na duffel bag kaya tinanggap ko 'yun.

"Ito na po ang mga damit n'yo, Ms. Savannah," medyo nahihiya pa niyang sabi.

"Salamat," I took the bag and I closed the door. "T-Titus, saan ang kwarto ko?"

"Here."

Eh? "Bakit dito?"

"Aalagaan mo nga ako 'di ba? So, why would you stay in another room when your patient is here?"

Patient? Eh mukhang mas malakas pa s'ya kesa sa akin eh. Baka ako pa ang mukhang pasyente sa aming dalawa.

"Whatever, Titus."

"Whatever, Nichola."

Grrr. This man!

"Put your stuff in my closet. And take a shower."

S-Shower? B-Bakit ako magsha-shower. Napayakap ako sa sarili ko saka ko s'ya tiningnan ng masama. At ang loko mukhang nagpipigil lang ng tawa.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon