7: Town Council Meeting

26.8K 942 77
                                    

Sakay na ako sa magarang kotse ni Matteo dahil ihahatid na n'ya ako pauwi. Malapit nang gumabi at ayokong kauri n'ya ang kasama ko 'pag wala nang araw.

"Marami ka bang nalaman ngayong araw?" bigla niyang basag sa katahimikan.

"Yeah, salamat," sagot ko naman.

Ngumiti siya habang nasa daan pa rin ang tingin. Kung titingnan siya ay para siyang ordinaryong teenager na walang ibang problema kundi babae at lakwatsa.

"Ganito ka ba talaga lage?"

Sinulyapan n'ya ako. "What do you mean?"

"Carefree. Parang walang malaking responsibilidad."

"I have to. Kailangan may balanse ako sa buhay ko. Hindi ko kayang gawin ang ginagawa ni T na palaging seryoso lalo na sa pagiging future pinuno ng bayan."

"Talaga bang mahirap s'yang mahagilap? Parang nagulat kasi ang mga tao n'ong bigla siyang sumulpot sa party."

"Nitong mga nakaraang buwan, yes. Dati naman kahit antisocial s'ya ay dumadalo pa rin siya. Pero nitong nakaraang tatlong buwan ay lage s'yang missing. Hindi ko alam kung saan s'ya nagtatago. Nagulat nga rin ako n'ong party eh. Hindi ko s'ya inaasahan n'on."

Hindi na lang ako nagkomento. Hindi naman kasi ako interesado sa kanya. Gusto ko lang sanang magpasalamat dahil kung hindi s'ya dumating ay baka nakalibing na ako ngayon sa ilalim ng lupa.

Agad nang umalis si Matteo nang maihatid ako sa bahay ng mga Atwood.

Si Lorenzo ang agad na sumalubong sa akin nang makapasok ako sa gate. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin na para bang nag-aabang talaga siya doon.

"I heard nagpunta ka sa Bloodworth mansion," aniya.

Tumango ako. "Nagpatulong kasi ako kay Matteo tungkol sa founding families."

"I see. Kumusta naman?"

"Babalik kami d'on bukas para sa special power. Kailangan kong matuto kung paano ito i-develop."

Nakita ko ang pagkadisgusto ni Lorenzo sa sinabi ko at naiintindihan ko naman kung bakit. Para akong nagpapakamatay sa ginagawa ko. Kung may ibang paraan nga lang sana.

"Just be careful," aniya pagkatapos ng isang malalim na buntung-hininga.

I gave him a reassuring smile. "'Wag kang mag-alala. Hindi ko iwawala itong amulet."

"Good. Pumasok na tayo," sabi n'ya.

Saka ko lang nakompirma na sadya talaga siyang naghintay sa akin d'on. Nahiya tuloy ako. Talagang inabala ko pa s'ya.

Agad akong sinalubong ng yakap nina Max at Rianah nang makapasok kami ni Lorenzo. Lahat pala sila ay nag-alala. Ipinaintindi ko naman sa kanila na kailangan ko 'tong gawin at walang ibang paraan kundi ang lumapit sa kahit na isang founding family member man lang.

Nasa kwarto na kami ni Rianah nang pumasok doon si Max. Nasa mukha pa rin niya ang pag-aalala sa akin.

"Okay lang ako," sabi ko sa kanya.

Umupo siya sa kama saka hinarap ako. "Alam ko naman ate na pinag-isipan mo itong mabuti. Alam ko rin na kailangan mo itong gawin. Sooner or later, gustuhin man natin o hindi, kailangan mo talagang gampanan ang responsibilidad ng pamilya natin."

"Salamat naman at naiintindahan mo kung bakit ko ito ginagawa. Nandito na tayo. This is our home now, whether we like it or not. Mas magkakaroon tayo ng peace kapag ginawa natin ang expected sa atin."

"Oo naman. Three years from now ay matutulungan din kita."

Ngumiti ako sa kanya. Ang bait talaga ng kapatid kong 'to.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon