52: Ultimate Power

21.6K 787 41
                                    

No. Not Matteo.

Dahan-dahan nang itinaas ni Florence ang isa n'ya pang kamay upang pugutan na ng ulo ang kaibigan namin.

"Matteo!!!" sabay-sabay naming sigaw  nang makita ang sunod na nangyari.

Mabilis na kumilos si Noura. Mabilis siyang tumakbo at itinulak si Florence kaya naman bumagsak ang babae pati na rin si Matteo.

Si Titus naman ngayon ang tumakbo at mabilis na kinarga ang walang malay na kaibigan at dinala sa likod ng isang puno.

Hindi pa man nakakatayo si Florence ay si Lucinda naman ang inatake ni Noura ngunit agad itong napaluhod. Mas handa si Lucinda mula sa mga atake sa paligid niya.

Si Saide naman ang sumugod ngunit sinalubong siya ng mga matutulis na sanga ng kahoy na kanina lang ay nasa lupa lang naman. Kinokontrol pala ang mga 'yun ni Florence na ngayon ay nakatayo na.

Nakita ko sina Yadira at Nadine na naka-recover na sa injuries nila. Sabay silang tumakbo papunta sa direksyon nina Lucinda at nang iharap ng witch ang kamay n'ya sa dalawa ay agad silang lumihis ng direksyon upang iwasan kung anuman ang gagamitin nitong kapangyarihan.

Bumalik si Titus sa tabi ko nang may kunot sa noo.

"Is he okay?" tanong ko at tumango naman siya kaya nakahinga ako ng maluwag.

Itinaas ko sa aking gilid ang aking mga kamay at nagsimula na akong mag-chant upang makapag-cast ng offensive spell.

Ikinuyom ko ang aking mga palad at isa-isang kumilos ang mga nakausling ugat ng mga puno. Gumapang ang mga 'yun at isa-isang iginapos ang mga nadadaanang Turned.

Humakbang ako palapit kina Lucinda at Florence at sumunod sa akin ang mga ugat.

Nakita ko si Titus na pinapaslang ang mga kalaban malapit sa amin. Hindi siya lumalayo sa akin.

Napatiim-bagang ako habang parami nang parami ang mga ugat na kinokontrol ko.

May hinigpitan ko ang pagkakakuyom ng aking mga palad. Kasabay n'on ay humigpit ang mga ugat na nakagapos sa mga Turned at witches na nadaanan n'on. Their bones were broken to pieces in an instant.

Sumigaw si Lucinda at sa isang iglap lang ay tumilapon kaming lahat dahil sa lakas ng hangin na pinakawalan niya.

"Ugh!" napangiwi ako nang maramdaman ang kirot sa likod at kanang braso ko nang tumama ako sa pader ng mausoleum.

Damn! Medyo malayo rin ang binagsakan ko.

Mabilis akong tumayo at tinanggal ang isang pako na nakabaon sa braso ko. Nakausli pala 'yun sa pader at doon ako swerteng tumama.

Nakita kong tulad ko ay tumilapon din sa kung saan-saan ang mga kasama ko.

Napakalakas nina Lucinda at Florence. Maging si Titus ay hindi makalapit sa dalawa.

Muli kong itinaas ang aking mga kamay at nag-chant.

"We won't win this way," muntik pa akong mapatalon nang biglang may nagsalita sa tabi ko.

"Matteo, nanggugulat ka naman. Okay ka na?" kunut-noo ko siyang tinitigan. Mukhang naka-recover na rin siya mula sa ginawa sa kanya kanina.

"Yeah. Pero sabi ko nga kanina, hindi tayo mananalo sa ganitong paraan," aniya. Napakaseryoso na n'ya ngayon. Hindi na kasi biro ang nangyayari.

Masyado kaming dehado dahil sa nakuhang kapangyarihan ng dalawang kalaban.

Tiningnan ko ang mga naglalaban-laban. Hindi pa man nakakakilos ang mga kasama namin ay nauunahan na sila ng dalawa.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon