16: Council Meeting with Outsiders

25.5K 1.1K 370
                                    

Second week na wala ang maglo-lola. So far ay mabuti naman ang lagay namin ng mga kapatid ko.

Lunes ngayon at ako ang papasok. Dapat ay si Max ngunit tinatamad daw s'ya. May Monday blues yata kaya hinayaan ko na lang. Magdidilig lang daw sila sa garden ni Rianah at maglalaro na pagkatapos.

Tahimik ang buong school. Wala ang normal na ingay ng mga bampira tuwing umaga. Kokonti lang din ang mga estudyanteng nandito.

Naisip ko ang party kagabi. Baka pagod lang sila.

Inilagay ko sa upuan ko ang chair cushion saka ko inilabas ang notebook at ballpen ko. Binasa ko ang notes ko doon para naman makapag- review. Gusto kong lageng handa in case na may pop quiz. Ayoko pa naman ng pakiramdam na nagpa-panic dahil wala akong maisagot.

Isa-isang nagdatingan ang mga kaklase ko. Mukha silang mga gwapo at magagandang zombies sa hitsura nila. May iba pang agad na yumukyok sa kanilang mga armchair.

"Savannah!!! Yo," agad akong napangiwi dahil sa malakas na sigaw ni Matteo. S'ya lang yata ang hyper.

"Ingay mo. Hindi ka dumalo sa party kagabi?" tanong ko.

"Huh? Dumalo. Ako pa ba ang mawawala? Eh di malulungkot ang nga chickababes n'on," naupo na s'ya sa tabi ko.

Napailing ako. Lasing pa yata 'to eh.

Magkasunod na dumating sina Nadine at Titus.

Nadine looked beautiful as always and Titus was quiet and serious.

"Good morning, Savannah," nakangiting bati ni Nadine.

"Good morning," sinundan ko s'ya ng tingin. Mukha naman siyang okay na.

Napasimangot ako nang bigla na lang may dumaan sa harapan ko na parang sinadya talagang malapit na malapit sa mukha ko.

Tiningnan ko s'yang nakasimangot na umupo sa likuran ko. Nang magtama ang paningin namin ay agad siyang sumimangot.

Anong problema n'ya sa akin ngayon?

Inirapan ko na nga lang bago ako bumaling uli kay Nadine.

"Okay ka na?"

Ngumiti s'ya. "Yeah. Nagpunta ka raw? Sinundo ka ni Matteo?"

"Yes. But you were asleep."

Ngumiti s'ya. "Thanks."

Napatingin kami kay Titus na bigla na lang tumikhim ngunit nakatingin naman sa ibang direksyon na nakatiim-bagang.

Ano nanaman ba ang problema n'ya?

"They tied me up for the rest of the week," muli akong bumaling kay Nadine. Nakita ko ang lungkot sa mga mata n'ya nang sabihin 'yun.

Hindi ko alam ang isasagot. Hindi ko kailanman maiintindihan ang nararamdaman nila.

"Hindi ko nga inakala na dadalhin ka d'on ni Matteo."

Tumikhim nanaman si Titus.

"T, okay ka lang?" tanong ni Matteo.

"Huh? Yeah. Enjoying the credit?"

Kumunot agad ang noo ko. Anong credit?

Oh geez. Gusto kong matawa sa hitsura n'ya. Para kasi siyang trinaydor. Nakasimangot ang makinis niyang mukha.

"Nadine, idea 'yun ni Titus. Pinasundo n'ya ako sa bahay kay Matteo," sabi ko na lang. Ayoko kasing tuluyang magalit itong pikon na lalaking nasa likod ng upuan ko.

Nakita ko ang bahagyang pagliwanag ng mukha n'ya at paggalaw ng kanyang mga labi na para bang nangingiti s'ya.

"Really?" hindi makapaniwalang tanong ni Nadine. Pabalik-balik ang tingin n'ya kay Titus at sakin.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon