20: Forgotten Secret

22.2K 994 76
                                    

Parang ibon na dumapo sa isang malaking sanga ng puno si Alistair. Nawala na ang kanyang pangil, mapupulang mata at bumalik na sa normal ang kanyang balat na kanina lang ay nagmukhang tuyot na tuyot. Ngunit nanlilisik pa rin ang mga mata n'ya habang nakatingin sa akin.

I shivered and I felt fear crawled unto every part of my body. It made him smirk.

"Now, now, who do I have here?" aniyang nakangisi.

Napalunok ako. Hindi ko magawang kumilos. Bakit nandito ang bampirang ito sa loob ng teritoryo ng Hellville?

"This is trespassing," lakas-loob kong sabi sa kanya.

Tumawa s'ya ng malakas. Mukhang aliw na aliw siya sa sinabi ko. O baka naman dahil sa naaamoy niya ang takot ko.

"Ano ba ang kaya mong gawin at ganyan ka katapang?"

"She doesn't have to do anything 'coz I will do it for her."

Sabay kaming napalingon ni Alistair sa lalaking nasa sanga ng kabilang puno. Kampante lang siyang nakaupo doon habang nakasandal sa katawan ng puno at naka-stretch pa sa sanga ang mga paa.

"Titus Thaddeus Bloodworth," tumatawang sambit ni Alistair Bishop.

Walang nakakatawa. Baka gustong mamatay ng maaga ng bampirang 'to. Pwedeng baliin ni Titus ang mga buto n'ya sa katawan gamit lang ang isip nito.

Pero laking pasalamat ko sa kaalamang nandito pala si Titus. I felt safe already.

"Like she said Alistair Bishop, you are trespassing. You are prohibited to hunt inside our territory," kalmado pa rin ang boses ni Titus pero naroon ang hindi maipaliwanag na authority.

"Hah! Akala mo matatakot ako sa isang batang katulad mo?" nagulat na lang ako nang bigla akong hawakan ni Alistair pero mukhang mas nagulat s'ya. Napasigaw s'ya nang bigla na lamang tila nasunog ang kamay n'ya na dumantay sa balat ko.

Kahit natatakot ay napangisi ako. I grabbed his hand at sa isang iglap lang ay nakahawak na si Titus sa mga balikat n'ya mula sa likod.

Malakas na sumigaw si Alistair dahil nasasaktan s'ya sa pagkakahawak ko sa kanya. Umusok pa ang balat niya.

"Mga walangya kayo! Bitawan n'yo ako," galit niyang sigaw.

Nang bigla ko nanamang naramdaman iyung pakiramdam na parang nakuryente at ilang sandali pa nga lang ay nakita ko na ang may kabataang Alistair Bishop na naglalakad sa isang makipot na eskinita.

Panay ang lingon niya sa paligid. Mukha siyang takot na takot.

"Alistair, dumating ka..." isang babae ang sumalubong sa kanya at agad silang nagyakap.

Pero hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Kilala ko ang babaeng ito.

"Handa ka na ba?" tanong ng babae.

"Oo. Gagawin ko ang lahat makasama lang kita, mahal ko," madamdaming sagot ni Alistair.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Ilang beses pa akong kumurap upang masiguro na hindi ako namamalikmata.

"Tayo na kung gan'on," nagtungo silang dalawa sa isang maliit na bahay sa unahan. Nang pumasok sila sa loob ay pumasok na rin ako.

"Mahal na mahal kita," sabi ni Alistair saka yumakap ng mahigpit sa babae.

"Mahal na mahal din kita. Masaya ako na gagawin mo ito para sa akin."

"Gagawin ko ang lahat para sa'yo."

"Handa kang iwan ang buhay mo bilang tao at mamuhay bilang bampira?"

"Basta ikaw ang kasama ko, kakayanin ko ang lahat."

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon